Prologue

540 20 3
                                    

Ulirang anak, mapagmahal na kapatid at mabuting kaibigan. 

Mahirap pero masikap. 

Paanong masikap? Ano nga ba ang depinisyon ng masikap? 

Yung bang tipong gagawin ang lahat para sa pamilya nya?

Yung bang gagawin ang lahat mabigyan lang ng magandang buhay ang magulang at kapatid nya?

Kung iyan ang depinisyon ng masikap, marahil ay masikap nga ako. 

Pero hanggang saan ba talaga ako kayang dalhin ng pangarap kong magandang buhay para sa pamilya ko? 

Ito ang kwento ng buhay ko. 

Ang kwento ng pagkamit sa aking pangarap para sa pamilya ko na maglalayo din pala sa akin sa isa ko pang pangarap. 

Ang pangarap na magmahal at mahalin ng tunay....

Ako nga pala si Elmo Magalona.

Service crew sa umaga 

Macho dancer sa gabi....

Mamahalin mo pa rin ba ako 'pag nalaman mo ang tunay na ako?


Love Me For What I AmWhere stories live. Discover now