Kabanata I

343 19 3
                                    

A/N: Yes. I know maikli. :)) 

"Kuya! Bakit ngayon ka lang?"

"Kuya pasalubong ko?"

"Brad, pahingi naman ng pambili ng kape..."

"Kuya tsaka pambili ng asukal ubos na rin..."

Napabuntong hininga nalang ako.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa tuwing uuwi ako dito ng umaga na ganito ang bungad sa akin.

"Dahan dahan naman sa pagtatanong..." pinilit ko na lang na ngumiti sa kanila kahit na sa totoo ay gusto ko nalang matulog..

"Yung tanong mo nikko, naglakad lang kasi ako. Singkwenta nalang kasi ang pera ko dito, eh kung mamamasahe pa ako wala na tayong pambili ng pagkain ngayon, eh bukas pa ang sahod ko eh..."

Tumango naman ang kapatid kong si nikko at tsaka na nya kinuha ang bag ko para itabi nya...

"Ikaw naman pepay, bukas pa ang sahod ni kuya ha? Kaya bukas nalang kita ibibili ng pasalubong..."

"Basta kuya bukas ha? May Jollibee nako..."

Tumango nalang ako sa kanya...

"Kuya Rommel bili ka nalang muna ng 3in1 tsaka sampung pisong pandesal doon sa panaderya. Maghati hati na muna kayo ha? Itago mo na muna yung 30 pesos para may pambili tayo ng ulam mamayang tanghali at mamayang gabi..."

"Sige brad. Oh mga bulinggit tara na..."

Pinagmasdan ko si kuya Rommel kasama ang dalawa naming kapatid, napailing nalang ako sa kalagayan namin ngayon..

Ako si Elmo Magalona, bente tres anyos. Highschool lang ang natapos ko. Hindi na ako nakapag kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Si nanay at si tatay, hindi namin kasama dito sa bahay. Nagtatrabaho kasi bilang kasambahay si nanay tapos si tatay naman ay driver. Pareho lang sila ng amo, kaya nga maswerte pa rin dahil magkasama pa rin sila araw-araw...

Ang sweldo ni nanay at tatay ay maliit lang at ang naitutulong lamang nila ay ang pagbibigay nila sa amin ng apat na libo buwan buwan. Naiintindihan ko naman si nanay at tatay, alam ko namang kung may magagawa lang sila, higit pa doon ang ibibigay nila... Kaya nga dahil sa maliit na ibinibigay ni nanay at tatay ay napilitan akong magdoble kayod...

Sa umaga simula alas nueve hanggang ala'sais ay nagtatrabaho ako sa Jollibee, buti na lamang at mabait ang manager naming doon dahil kahit highschool graduate lang ako tinanggap nila ako. Pag dating naman ng alas diyes ng gabi, pumapasok ako sa isang gay bar kung saan nagtatrabaho ako bilang isang Macho dancer.

Hindi ito alam ng magulang ko at tanging si kuya Rommel lang ang nakakaalam..nung una ayaw din naman nya ngunit wala din naman syang magagawa.. kapos na kapos kami...

Apat kaming magkakapatid, si kuya Rommel ang panganay. Si kuya rumaraket din naman paminsan minsan bilang gitarista. Kahit saang banda at club basta nangangailangan ng gitarista ay pinapatos nya. Kaso halos tatlong lingo na rin siyang walang gig kaya naubos na rin ang pera nya kabibigay ng baon sa dalawa naming kapatid...

Yung pangatlo sa aming apat ay si Nikko, 2nd year highschool pa lamang si nikko at ang balak naming ni kuya ay mapatuloy siya hanggang kolehiyo.. at syempre ang bunso naming at ang nag-iisang babae, si pepay o pearl angeline. Grade 5 palang si pepay kaya hindi pa masyadong malaki ang gastos namin sa kanya..

Nahiga nako sa papag at hindi ko maiwasang mapaluha..

Sobrang hirap ng buhay namin....

Naawa ako sa mga kapatid ko dahil lagi na lang itlog at toyo ang inuulam nila...

Sa mga panahong ito ko mas naiisip na kahit ano gagawin ko para sa pamilya ko...

Lahat...

Lahat lahat.....

Love Me For What I AmWhere stories live. Discover now