Kabanata III

311 19 2
                                    

Tahimik silang bumabyahe papunta sa bahay ng mag-asawa.

Nagulat pa nga ang dalawa nang malaman nila na sasama ang Ma'am Julie nila sa kanila...

"Ma'am salamat po ha? Hindi nyo po alam kung gaano kalaking bagay 'ho sa aming mag-asawa na payagan nyo po kaming bisitahin ang mga anak namin...."

Nginitian naman ni Julie Anne ang mag-asawa.

Sa totoo lamang ay hindi alam ni Julie kung bakit gusto nyang sumama sa mag-asawa...

Pwede namang papag-day off'in nya ito nang hindi sya kasama pero mas pinili nyang samahan ang mag-asawa...

Marahil ay gusto nyang makakita ng isang Pamilya na kahit payak lang ang pamumuhay ay masaya naman....

Ilang beses na kasing nakwento sa kanya ni Manang Pinang ang mga anak nito at sa wari ni Julie base sa mga kwento nito ay masaya sila kahit na naghihikahos sa buhay...

"Ma'am nandito na po tayo..."

Tumingin si Julie sa bintana at natanaw niya ang bahay na parang pinagtagpi tagpi lamang...

"Ma'am pasensya na po kayo ha? Maliit lamang po ang bahay namin at mas pasensya 'ho dahil maingay po dito..."

Nginitian lamang ni Julie si Mang Kitoy habang lumabas naman na sya ng kanyang sasakyan...

Pinagtitinginan siya ng mga tao doon at mukhang manghang mangha ang mga ito sa kanyang sasakyan...

Pinagmasdang mabuti ni Julie ang lugar at halos lahat ng bahay doon ay pinagtagpi tagpi lamang..

Ang iba nga ay ang tabing lamang ay mga sira sirang yero at sako...

"Ma'am Julie pasok na po tayo..."

Ngumiti na lang si Julie sa mag asawa...

Nasa pintuan palang sila ay sinalubong agad sila ng dalawang bata....

"Nanay! Tatay!" sabay na sabi ng dalawang bata...

Natuwa naman si Julie ng makita nyang punong puno ng pagmamahal na niyakap ng mag-asawa ang dalawang bata...

Matapos ang ilang Segundo ay hinarap na rin sya ng mga 'to..

"Mga anak mag hi kayo kay Ma'am Julie sya ang anak ng amo namin ng tatay nyo..."

Tumingin naman ang dalawa sa kanya at sabay pang binigyan sya ng isang malaking ngiti....

"Hello po ma'am Julie! Ako po si Nikko pangatlo po sa apat na anak nila nanay at tatay..."

"Hi po ma'am Julie..Ako naman po si pepay. Bunso po ako! Salamat po sa pagdala nyo dito kila nanay at tatay miss na miss na po kasi namin sila eh..."

Lumapit si Julie sa dalawang bata at pumantay sa dalawa...

"Tawagin nyo nalang akong ate Julie ha? At walang anuman. Alam ko rin namang miss na miss na rin kayo ng nanay at tatay nyo eh..."

At tsaka pa nginitian ni Julie ang dalawa...

Tuwang tuwa naman ang mag-asawa dahil ngayon nila napatunayan na nakuha nga ni Julie sa tatay nito ang kabutihang loob...

"Nako tara na sa loob ma'am Julie. Ipapakilala po kita dun sa dalawa ko pa 'hong anak..."

"Nikko. 'nak nasan sila kuya mo?"

"Nay si kuya Rommel po may binili lang po sa tindahan. Si kuya Elmo naman po maaga pong umalis. May trabaho daw po sya..."

Love Me For What I AmWhere stories live. Discover now