Part 7: Two Voices, One Song

74 6 0
  • Dedicated kay Yurina Ohashi
                                    

Di pa rin talaga ako makaget-over 'dun sa mga nakita ko kahapon. Pati na din dun sa lalaki sa  may rooftop.

Grabe, di talaga kayu maniniwala kung sino 'yun pag sinabi ko sa inyo.

Kase

Kase

Badtrip lang! -_- Di ko talaga maaninag 'yung mukha!

Hindi ako makapaniwala  na medyo nanlalabo na pala ang magaganda kong mga mata. Tch.

1 week na lang pala, JS na namin nun kaya wala na akong time pag-isipan pa 'yung mga ganung klaseng bagay. Balik sa pagka-busy pagkatapos ng beauty rest. 'Yung kwintas naman lagi ko pa ding suot-suot, espesyal kasi 'yun para sa'kin. Lucky charm ba parang ganun.

O siya, ifafastforward ko na  lang 'yung mga pangyayari. Punta na agad tayo sa JS Promenade at excited na ulit ako magkwento kasi sunod-sunod talaga 'yung pagka-cheesy ng hishchool life ko nung 4th yr. Syempre lahat ng to, kinukwento ko para kay Austin.

Okay, nasabi ko na bang maganda ako? Kasi kung hindi, uulitin ko na naman sa'yo. Maganda ako kaya magaling din akong kumanta. Walang connect? Hanapan mo.

Nung Juniors and Senior's night, ako 'yung naatasang magbigay ng special number sa lahat. Kailangan daw kumanta ako para mas maparomantic pa 'yung prom. Yun oh haha xD. Ba't ba lagi na lang ako ang nasa spotlight? haha angal ka? Malamang ako bida sa story eh. Dapat lang na ako laging sikat. Kay author ka magreklamo kung ayaw mo.

Dati pa, favorite song ko na 'yung " Enchanted ni Taylor Swift." Ganda kaya nun pakinggan mo. Galing 'yun sa Speak Now Album ni Taytay. Favorite singer ko yang si Taylor dahil bukod sa parehas na kaming gorgeous, totoo siya sa sarili niya at inspiring 'yung mga lyrics nung ginagawa nyang mga kanta. Ewan ko nga lang dun sa mga haters, kesho malandi daw dahil maraming ex, eh pipito pa lang naman naging bf ni Taylor, kumpara mo naman sa iba. Saka pakialam ba nila kung gustong niyang gawan ng kanta mga ex niya, eh sa yun ang paraan niya para magmove on eh, kesa naman kung anu-anong theme na di karapat-dapat yung gawan niya ng kanta. Inspiration 'yun. Saka kung avid fan kayu, pakinggan niyo 'yung mga songs niya about kay God, about sa family and friends niya, at dun niyo malalaman na iba si Taylor sa inaakala niyo.

Okay sorry, nadala ako dun. Basta kay Taylor Swift talaga oo. Pasensya na nag-endorse lang. 

Edi ayun, speech dito, speech diyan, mga opening remarks. Bluh, bluh, bluh. Tapos mga ceremonies. Bluh, bluh, bluh. Tapos tinawag na ako sa stage. Tapos kumanta na ako. Nagsimula na 'yung music...

"There I was again tonight forcing laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place

Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face.."

Tumingin ako sa mga audience, starstrucked sila sa akin. Whoah, okay -_- haha kasi pati ako nahiwagaan din sa boses ko lol. Boses ko ba talaga toh? Partida, medyo kinakabahan pa yan haha. Hinanap ko si Austin sa bawat table sa pamamagitan ng aking mga mata. Malamang alangang ilong. Pero di ko siya makita. Kaines naman para sa kanya toh eh. 

" All I can say is it was enchanting to meet you.."

Kahit di ko siya makita, I sang the song with all of my heart kasi malay mo naman nakikinig siya diba? Inisip ko na lang na kaharap ko siya habang kinakanta ko 'yun. Yung ibang mga lalaki nagyaya nang isayaw yung mga babaeng gusto nila isayaw. Sayang naman kasi 'yung moment. Finally, malapit na sa chorus.

"And it was enchanting to meet you

All I can say is I was enchanted to meet you...

Maganda raw Ako ♥ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon