Part 10: Wishes Casted on a Painted Shooting Star

72 5 0
                                    

Natulala na lang ako sa sinabi ni Polaris. Like -_- what the heck are you thinking again? Over- dramatic much? Di ko alam. Ang moody talaga ng taong to. Kinabahan ako bigla na parang naguilty na naguluhan, kasi eto na naman siya sa plano niyang umeksena sa lovelife ko, and to think na para yata siyang kinutuban na nag-alibi lang ako kanina para makasama maya-maya si Austin? Lol wag naman sana.

 Pero naisip ko lang ah. Baka naman may pagka-psychologist tong besprend ko at sapul nung makita nya si Austin, bigla siyang tinalaban ng predictions. Aww gusto ko din nang ganung powers. </3 Man's intuition ba kumbaga? Pero antinding intuition naman nyan. Nakakabasag konsensya.

" Ha? Wala na bang katapusang kadramahan ang araw na to? Ano na naman bang pumasok dyan sa isip mo? Tara na nga sa loob!"

" Misty sagutin mo muna ako."

" Bakit exam ka ba?"

" Hindi."

" O 'yun naman pala eh."

" Eh ikaw exam ka ba?'

" Hindi. Problema mo?"

" Ikaw. Problema kita?"

" Ano? Teka ano na ba pinag-uusapan natin? "

" Ikaw at si Austin."

" Ah kala ko exam eh."

" Misty stop it! I'm not joking around."

" Oo na. Ba't ba ang sungit mo? Ako may birthday dito kaya 'wag mo akong ginaganyan."

" Just answer my question."

" Answer your question? Bakit nagtanong ka ba? Pagkakaalam ko humiling ka lang diba? Kaya choice ko kung pagbigyan 'yun o hindi. Saka naka-muriatic acid lang? Ayaw mong makikita na magkasama kami ni Austin kahit kelan? Edi bulagin na lang kita para ayos. E kung gusto ko samahan siya? Mapipigilan mo 'ko? Grabe lang makareact out of nowhere?"

" Kahit just for this day lang, Misty."

Urghh, my veins. Ano ba problema niya? Kung makahiling kala mong siya tatay ko para kontrolin ako.

" Aba'y asa ka namang makasama ko siya ngayon. Such impossible thing, bibigyan pa nang big deal? Diba nga ikaw pa nagsabi sa'kin dati na di kami bagay? Langit siya, lupa ako? Tapos magiginanyan-ganyan ka dyan ngayon, assuming na baka makasama ko siya sa araw na to? Like duh! -_- Ikaw ang nasa tabi ko ngayon oh. Nakita mo lang siya kanina. Ganyan ka na agad? At kung gusto kong makasama siya ngayon, may magagawa ka? Ha? May magagawa ka?

---Bakit ano ba kita?"

Bigla kong nakita ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Lalong lumungkot ang kanina niya pang malungkot na expression.

Nabigla din ako at natauhan.

Teka tama lang ba mga sinabi ko? Sakto lang ba? Sheesh, patay, nadala 'yata ako ng emotions ko. E teka lang din, ba't ba ko nagwoworry? Paki niya ba kung gusto kong kasama si Austin o hindi? Ay anu 'yun, hawak niya lang kapalaran ko? Kaynis.

Napakagat na lang ako sa labi with a mark of regret written on my face. Ayoko mang aminin pero naging obvious yata na defensive ako.

Ang solemn pa din ng aura ni Polaris. Di pa rin kami naaalis sa pagkakatayo 'dun sa hallway outside the library. Buti na lang walang pang taong dumadaan at buti na lang din, malayo-layo kami sa pwesto ni Austin. Enough na para di niya kami marinig.

Maganda raw Ako ♥ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon