Michaella Marie's POV'
"Tahan na best, hindi kanaman nila siguro pahihirapan dun"- Kate
"Anong hindi!? Eh sa trato palang nila sakin kanina, nahihirapan na ko eh! Ayoko silang pagsilbihan no! Huhu"
Nakaka inis talaga! Dapat kase di nalang ako pumayag sa Dare na yun eh! Ang tanga ko kase!
Patuloy lang ako sa pagiyak at hinahaplos haplos ni yung buhok ko.
Pinapunta ko talaga sila dito kase kailangan ko talaga ng karamay ngayon. Paano nalang kapag nalaman 'to ni kuya? Waaaaa! Baka magalit pa siya sakin! Lalo na si Mama."Best, paano nga pala kapag nalaman ito ng kuya mo?"- Sam
Yun na nga eh! Natatakot na ko!
"Malaman ang alin?"
Nagulat ako kay kuya, bakit kase ang ingay ng mga to eh! Pano ko ba to sasabihin?
Mukhang seryoso yung mukha ni kuya na parang iniisip ang iniisip ko. Waaaaaaa!"Ella kinakausap kita diba? Ano yun? Umamin ka"
"A-ano kase, ahm natatakot po si ella na malaman niyo na zero ang nakuha niya sa Quiz nila kanina. Oo tama po. Yun nga!"- Kate
Tss, hindi maniniwala yan sa palusot ni kate. Kilala ko si kuya. Hindi siya malaking Tanga, alam niya kung nagsasabi ka ng totoo oh nagsisinungaling ka.
"Sa tingin mo naniniwala ako?"- seryoso niyang sabi kay kate. Si kate naman napalunok nalang.
Sabi na kase sa inyo eh, di yan maniniwala. Tss, okey sasabihin ko na nga lang.
"Eto talaga yung totoo kuya, pero bago ko sabihin sayo, please mangako ka na hindi mo sasabihin kay mama at wag kang magagalit!"
Nag nod lang siya sa sinabi ko."Slave ako ng Limang Lalaki"
Tama ba pagkakasabi ko? Eh? Bahala na nga! Haist.
Lumabas naman si kuya galing kwarto ko.
Yes! Di sya galit. Wohooooo!"MA! SI ELLA, SLAVE DAW NG LIMANG LALAKI!"
Waaaaaaaaaaaaa! Akala ko pa naman hindi niya sasabihin!? Huhuhu! Bad ka kuya! Lagot na ako kay mama neto!
Wala pang isang minuto, tinawag na ako ni mama. -_-
"ELLAAAAAAAA!"
Haist! Here we go!
" Bait naman ng kuya mo ella. Haha"- Sam
"Naku best, handa mo na tenga mo, haha"- Kate
"Goodluck nlang beh! Wag ka mag alala nandito naman kami eh" maica
Tss, mga oa!
"Samahan niyo na nga lang ako magpaliwanag ka mama. Dami niyo sinasabi jan eh!"
***
Nandito kaming lahat ngayon sa sala.
Ako, si mama,kuya at yung apat kong mga bestfriend. Meeting kuno?"Totoo ba?"
Seryosong tanong sakin ni mama.Magsasalita plang sana ako ng unahan na ako ni Angelica.
"Ahm, tita. Aaminin ko na po, Ako po kase may kasalanan kung bakit Slave si ella ngyon. Dare po kase yun. Sorry po"
"Okey lang, so totoo nga anak?"
Tanong ulit sakin ni mama habang naka tingin sakin"O-opo"
"Waaaaaaaaa! Oh my God anak! Makasama mo sa iisang bubong ang limang lalaki!? Di ako makapaniwala, maganda yun anak. Magiging ganap na babae kana. Ayeeeee! Mga gwapo ba sila? May pandisal ba? Hihi. Pakilala mo sila sakin anak huh"- sabay sabay na sabi ni mama -_________-!