Kapaligiran

511 6 11
                                    

Bakit gayon na lamang ang nadarama
Sa tuwing magtatapon ng basura,
Tila isipan man din ay nababagabag,
Puso ay di mapigilan na mahabag

Nagdadalawang isip, naguguluhan
Ano ba ang meron, anong kabuluhan?
Sinasapian ata ng kabaliwan,
Hindi mapagtanto ang nararamdaman.

Tila may gustong ibulong ang basura
'Kala mo lang wala akong kwenta
Oh, kaibigan, ika'y nagkakamali
magagawan pa ng paraan kung sakali

Mag-isip-isip ka lang kung paano ba,
Maging malikhain at iyong makikita
Ang minsan mong gustong itapon
Ay magbibigay kulay nang di malaon

Sadyang mayroong mga bagay na gano'n
Masusubok ang ating pagkamalikhain
Basta pinagana ang imahinasyon,
Ang inaakalang basura, magiging obra.

Basura'y kathang-isip lamang natin
Ngunit kung tayo'y tititig sa ating paligid
Makakakita ng mga nakapansusulasok
Mga 'di napanghinayangan kaya nabulok.

Kaya ang dating kathang-isip lamang
Tila naisabuhay na natin ng tuluyan,
At ngayo'y di na maalis ang katotohanan
Susunod na mundo ang mapapamanahan.

Nasisira na nang tuluyan ang kapaligiran
Tapos ngayon, tayo'y nagsisisihan
Bagay na dapat nang mapagtuunan
Nang itong problema'y masolusyonan.

Dito kumukuha ng pangangailangan
Sipatin ang damdaming nakararamdam
Sa twinang pighati ng kapaligiran
Ito'y para rin sa'ting sangkatauhan.

Ang basura'y matutulad sa pagmamahal
Kung pahahalagahan, siyang magtatagal
May mga bagay diyan na pinahahalagahan
Di naman nakatutulong, palamuti lang.

Iba ang pagmamahal ng kapaligiran
Palagi niya tayong pinagbibigyan
Di nagsasalita, ngunit kapag nagsawa,
Lahat ng meron tayo ay mawawala.

-----------

inspirasyon ko po ung nasa gilid :3 hahaha!

AKDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon