Sinong marunong magtono ng kanta? :>
------
Oh, Kaibigan, Sandali lang...
Ako sa iyo'y may ipagtatapat.
Oh, Kaibigan, Sandali lang...
Ako sa iyo'y magiging tapat.
Pasensya kung noong huli tayong nagkita...
Hindi ka pinansin kahit mga mata'y nagtama
Ako kasi'y naiilang, di mapigilang mabalisa
Akala ko andyan ka pa, yun pala wala ka na.
Nagnghihinayang, ganito na ating pagkakaibigan
Kahit di gaanong kalalalim, gusto kong sisirin...
Naaalala sandaling ako'y sinabihan mong maganda
Pinaalam mo na ikaw sa aki'y may tinatagong paghanga.
Oh, Kaibigan, sandali lang...
Bakit biglang nawala, asan ka na?
Oh, kaibigan, sandali lang...
Ayaw mo na ba akong makita?
Himig ng damdamin,
di mo ba gustong pakinggan?
Nagdadalawang-isip.
ako ba talaga'y 'yong hinahangaan?
oh, kaibigan, sandali lang...
Ako'y di mo ba kayang hintayin?
Totoo sa iyo, ako'y may pagtingin din.
Sandali lang... Oh, aking kaibigan....