Sa okasyon ng iyong pagkamagaling,
Natauhan ang iyong puso mula sa isipin
Di hamak na pakapupurihan sa damdamin
Kung puso mo'y sadyang di pilit na taglayin.
Sapat mang matatala ng iyong kaisipan
Ang mapagpahamak na bugsong tipan
Kaakibat nito ay may mapapatunayan
Ano ba ang iyong mga pagkukulang?
Mula sa dami ng taong nakapinid sa lupa
Hanggang sa kabilang dako na pinagpala
Ikaw ay nananatili pa ring maliit na tupa
Ng mapag-ahon na sibat ng hininga.
Isang di makapanayam na panghuhusga,
Matalinghaga, kung sa kabaligtaran din;
Hindi rin maparam ng lakbay na matagal;
Ang bisig ng mapanakal at kuyom na tinig.
Di tulad higit pagkakaroon ng nag-iisang diwa
Na nakikinig lamang sa buka ng bibig ng utak
At binabalewala ang katuturan ng sangkatauhan
Pagkat pinakapinagdadaungan ay sarili lamang.
Itama mo ako sa aking mga pagkakamali
Gagawin ko ang aking ikatutunggali,
Pagkat gugustuhin ko pang matuto
Mula sa mga bagay na hindi ako.