Tawag

13 2 1
                                    

Kinalas ko na agad ang bawat parte ng baril at dali-daling ipinasok sa bag. Tumakbo ako patungo sa hagdan. Nakikisabay ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang ginagawa ko pababa. Tila ba na ayaw ko ng umiwas pero pilit parin na nauunahan ako ng takot. Gusto ko ng bumalik pero hindi ko alam ang tamang daan.

Saan ba talaga?

Nakalabas ako ng gusali hingal na hingal. Binagalan ko ang takbo ko at naglakad na lamang ng mabilis papalayo sa city hall. Namataan ko ang isang lalaking nagtitinda sa bangketa ng mga libro. Nais ko sanang bumili ng isa ngunit hindi pa pala ako nababayaran sa trabaho ko ngayon. Gusto kong bumalik sa dating ako na mahilig magbasa rin ng libro, mag-isa sa kwarto, nagbabasa habang nagpapahinga; kung hindi lang sana hinahatak ako pabalik ng trabaho ko.

Madaling pumasok pero mahirap lumabas; parang may rugby na nakadikit sa akin. Araw-araw, kailangan mabahiran ang kamay ko ng dugo, madumi man o malinis, inocente man o hindi, may pangkain lamang ako at pambayad sa apartment.

"Sandali!" May narinig akong sigaw sa likod ko.

Huminto ako sa paglalakad at tumalikod, ngunit wala akong nakitang mukha na nakatingin sa akin at naghahanap sa akin. Napansin ko lamang ang asul na langit sa ibabaw ng city hall. Malamang hindi para sa akin ang tawag na iyon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa sakayan ng dyip.

Sumakay ako at inabot ang bayad. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa umaalis ang dyip dahil hindi pa ito napupuno ng mga pasajero.

"Hali ka!" Sigaw ng isang lalaki.

Napadungaw ako sa labas at nakita ko ang isang lalaking nakaharap sa akin, para ba gang nais niyang lumapit ang kaniyang tinatawag sa kaniya. Dali-dali naman ang isang musmos na bata ang tumakbo patungo sa kaniya at kaniya itong binuhat at pinasan. Tumawid sila sa kalsada at tumuloy sa pupuntahan.

Mga ilang sandali ay pinaandar ng driver ang makina dyip. Tumakbo na ang sasakyan ngunit patuloy pa ring nagtatawag ang driver ng mga pasajero sa lansangan, nagnanais na maisakay hangga't sa makakaya at mapuno ang kaniyang dyip. Kulang na lang ay maging unlimited ang kasiya sa upuan.

Nawala at NatagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon