Barado

19 2 0
                                    

Usad. Hinto. Usad. Hinto.

Kalahating oras na ang lumilipas at ganito na ang itsura ng kalsadang binabaybay namin. Karamihan na sa mga kasama kong pasajero ay naiinip na ngunit ang iba ay chill lang. May mga bumaba na rin sa dyip at mas pinili na lang ang maglakad kaysa umupo lang sa loob ng sasakyan at matiyagang maghintay na makarating sa paroroonan.

"Sayang naman yung mga binayad ng mga iyon," wika ng driver. "Gustong sumakay para mapagaan ang pagbiyahe nila tapos babayaran ng buo ang pamasahe pero baba rin naman agad. Wala pa nga sila sa kalagitnaan eh."

"Oo nga manong," sagot ng pasajerong nakaupo sa harapan. "Correct ka diyan. Masyado yatang excited sa poreber."

Napatawa ang driver at ang iba pang pasajero. Napangisi na lang ako sa usapan nilang dalawa. Makailang paulit-ulit na usad-hinto, unti-unting dumilim ang kalangitan. Ilang beses na kumulog sa paligid ngunit walang kidlat. Tumindi ng tumindi ang mga kulog hanggang sa magsimula na ang pagpatak. Isa-isang pumapatak ang ambon at lumakas pa ito hanggang sa bumuhos ang ulan.

"Nako, huwag naman sanang bumaha pa," wika ng pasajerong nasa aking harapan.

"Trapik na nga eh babaha pa," wika naman ng driver. "Barado na nga ang daloy sa kalsada, barado din naman ang kanal sa ilalalim ng kalsada. Kawawa naman yung mga bumaba agad. Sana hindi na lang sila bumaba."

Napuno ng pag-aalala ang dyip. Marahil natural lang na isipin ang iba kapag dumating ang mga bagay na hindi inaasahan, magbigay ng puwang sa mga naiipit sa bara. Pilit na pinagsisiksikan kahit puno na. Pilit ding pumasok kahit hinahatak na papalabas. Gayun din ang isipan at damdamin ko noong mga panahon na gusto kong lisanin ang lahat. Ang trabajo ko, ang tinitirahan ko, ang kapatid ko, at ang tatay ko. Wala ng ibang pwedeng gawin kung hindi ay lisanin ang lahat at hindi na maging isang pambara na lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nawala at NatagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon