Chapter III

12 0 1
                                    


"Susunod nalang kami sainyo girls. May kotse rin akong dala yun nalang gagamitin naming tatlo."
Sabi Ni Miggy samin.
Si Chelsea naman ang nagd-drive hanggang sa makarating kami sa bahay ko.

"Wow! Anlaki ng house niyo!Angganda nakakabago. MAs malaki pa sa bahay ng kapitbahay ni Kim Chiu."
Manghang sabi Ni Reena pagka pasok ni Chelsea sa gate. Automatic kasi ito nagbubukas.

Dumating na rin yung kotse Ni Miggy.
Inilabas na nila yong pinamili namin . Nauna na ako para buksan ang main door. May passcode kasi yung bahay ko .

"Hanep!Technology is really amazing."
Si Christian.

Hindi naman na unusual Para Kay Chelsea dahil lagi naman yan dito sa bahay at ginawa nya na ngang bahay ito kahit na mAs maganda pa naman yung bahay nila.

"Pasok kayo."

Tumuloy na sila at dinala ko sila sa cinema room ko.
Kumuha ako ng baso sa may bar counter sa loob.

" ang cool! May mini bar kayo sa loob ng cinema room."
Jasmine.

Ngayon PABA talaga sila nakakita ng ganito? Seriously? Pwera lang Kay Miggy at Kit na parang Sanay na sila. Rich kid kasi itong mga taong to.

Nakaupo na sila sa sofa. At mas pinili Kong maupo sa sahig at naglagay ng cushion sa lap at kumain ng piatos.

Yung mga boys naman ay
"Uhh Chel,okay lang ba kung iinom kami?"
Paalam ni Kit.

"Yeah sige lang. "

At nag inuman nga sila.

"Ano ba gusto nyong panoorin?"
Tanong naman Ni Chel sakanila.
Ako naman ay nakasandal lang sa sofa habang kumakain katabi ng mga paa nila.

"Conjuring 3"
Lakas loob na sinabi ni Reena.

"Uhh sige. "
At namili na si bes.
Nagulat naman ako nang biglang tumabi sakin si Miggy.

"Penge"
Sabay dukot ng piatos at pinasak sa bibig nya.
Napanganga naman ako kaya pinasakan nya rin ng piatos ang bibig ko.

Napakunot naman ang noo ko.
Humarap naman sya sa screen na nagsimula nang magplay yung movie.
Inis akong kumain ng chips ko.

"Akala ko nainom kayo?"
Tanong ko sakanya.

"Rootbeer in can lang naman eh.haha"
Sabi niya Sabay taas ng beer.

"Ah."

Busy naman yong iba sa ginagawa nila.
"Ilang taon kanaba Elise?"

Tanong nya sakin.
" Actually, I'm already 25."
Amin ko sakanya. Sya lang naman ata ang nakikinig eh.

"Haha Hindi halata. Ate pala kita."
Asar nya sakin.
Tiningnan ko lang sya at binalik ulit ang tingin sa screen.

"Para kang 27 tingnan."
Sabi ko.

"Haha. Galing mong manghula."
Amazed nyang sabi.

"Seriously? 27 kana talaga?"
Panigurado ko.

"Yep!here."
Sabay pakita ng licence nya.

"Miguel Teodoro?"

"Akin na, wag mo na ipangalandakan yang pangalan Kong pogi."
Sabi nya habang pakindat kindat .

"Yabang...PSH no pinagkakaabalahan mo sa buhay?"
Tanong ko sakanya.

"Negosyo."
Sabi nya.

"Like?"

"Marijuana."
Seryoso nyang sabi. Napanganga nanamn ulit ako.

Humalagapak sya sa tawa at pagulong gulong habang hawak yung tyan niya.

Mission: Finding Mr. WRIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon