Chapter VII

7 0 0
                                    


Suko na talaga ako sa kahibangang ito.
Nasa kama ako ngayon at tinatamad talaga akong bumangon.

Any minute from now ay mambubulabog nanaman yung bespren ko. Kaya bumaba na ako at nagluto ng agahan. Ewwwwww. Ambaho ng bacon. Anyare ba dito? Nasira agad? Eh naka ref naman.

Wednesday pala ngayon kaya pala nagsidatingan na yung mga maids ko at sila nalang yong tumapos magluto ng breakfast ko. Nahihilo kasi ako ngayon at nasusuka nanaman ako kaya patakbo akong pumunta sa Cr  .

Hindi ko kaya mag isa lang sa bahay lalo na ngayog buntis ako. Kelangan ko rin mag ingat Para sa baby ko.
Nanghihina akong umupo sa mataas na stool sa counter sa kusina. Kaharap ko yung dalawa kong katulong na nagtitimpla ng gatas young isa at naglilinis naman ang isa.

Yung iba ko namang mga katulong ay naglilinis ng buong bahay at bakuran.
Dumating naman sa kusina si Donita ang mayordoma sa mga katulong ko.

"Donita, mag assign ka ng tig a-apat na katulong everyday na makakasama ko dito sa bahay. "
UTOs ko sakanya.

"Yes ma'am."

Naglista naman ako ng mga kelangan ko sa bahay para sila na ang mag g-grocery.

"Donita, punta kayo sa grocery with Mang Ramon"
Ibinigay ko na ang listahan tsaka sobre na may lamang pera.

"Sige po ma'am. "
Sagot naman nya tsaka naglakad na paalis.

"And wait!! Bili ka ng hilaw na mangga tsaka bagoong ha.. Damihan mo."
Nagnod naman sya tsaka umalis na.

Nakaupo lang ako dito sa sofa at wala talaga akong magawa ngayon. Okay naman yung flow ng kita sa mga businesses ko kasi mapagkakatiwalaan talaga yung mga tauhan ko.

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhh amboring!!!!!!"
Sigaw ko na nakapagtaranta naman sa mga katulong at dagli dagling napunta sa sala.

"Ma'am! Any are sainyo?"
Sabi ng isang maid.

"Nothing. "
Bored Kong sagot tsaka pinalis sila.

Ganito ba talaga pag buntis? Grrr...gusto ko ng malamig na gatas.

"Fe!"
Iritang tawag ko at Hindi ko alam kung bakit ako naiiirita.

"Yes poooo?????"
Patakbong lumapit sakin si Fe habang hinihingal.

"Magtimpla ka ng condense ihalo mo sa ice, wag mo lagyan ng tubig,yun lang. Dalian mo ! Nuuhaw na ako!"
UTOs ko sakanya.

Ewan ko parang feel ko talaga magalit ngayong araw.

Mga 2 minutes ay nakabalik na si Fe dala ang pitchel na may lamang ice at condense na hinalo.

"Hmmm sarap!"

Parang gusto ko ulit ng buko!

"Feeeeeeee!!!!! "
Tawag ko ulit sakanya

"Maaaaaam????"

"Gusto ko buko.hihihi"
Sabi ko habang nagb-beautiful eyes.

Nandito kaming ngayon sa likod ng bahay ko kasi nga may limang dwarf coconut na nakatanim dito pero mejo 10 feet ang taas nya.  Nasa grocery pa si mang Ramon kaya ang umakyat ay walang iba kundi si FE.
HAHAHA

"Go fe! Kaya mo yan. May insurance naman pag nabalian ka ng buto eh."
Pagche-cheer ko sakanya. Nanonood naman yung ibang katulong Kay fe habang natatawa ang mga ito.

Si Fe naman ay Hindi magkanda ugaga sa pag akyat ng punk kasi wala naman itong pihak ,kaya naman ang kinalabasan ay parang uod si Fe kung umakyat.

"Maam...waaaaahhh Hindi ko kaya...pagod na ako."
Mangiyak ngiyak na sigaw Ni Fe habang nakayakap sa katawan ng puno.

"Go fe!! Wag kana umiyak Jan ..nasa ulo mo na kaya yung niyog!"
Sigaw ko.
Kaya naman ay napatungo naman sya at napangiti.

"Ayh.hehe. "
Tapos inikot na ni Fe ang bunga.

"Okay na yang isa Fe. Baba kana."
Sabi ko. Hinay hinay naman sya sa pagbaba

"Dyosko! Bespreennnnnn! Gusto ko rin ng isa! Pengeee"
Dumating pa itong isang buntis kaya kahit na nakababa na si Fe ay pinaakyat ko ulit Parang kumuha pa ng bunga.

Kawawang Fe.

Chelsea

"Bespren, talaga bang Hindi ka buntis ha?"
Tanong ko Kay Shey. Sino ba naman ang Hindi magtaka eh grabe sa takaw nya sa mangga kahit na buto ng mangga kakainin nya.

Napatigil naman sya sa sinabi ko pero pinagpatuloy parin sa paglantak ng mangga at di na pinansin ang tanong ko.

Nagdududa na talaga ako sa babaeng to eh. Hayaan ko nalang sya, kung ano man ang reason nya kung bakit nya tinatago sakin ay tatanggapin ko nalang.

***rock en' roll to the world!!!!!***
Ahehehe message ringtone ko yan. Enebey!
Hehe
Binuksan ko na ang message at laking gulat ko ng magtext sakin yung kapatid ni Jarden.

From:Denise
Message: Meet me at Galleria. See you mwah!

Iba ang kutob ko sa text niya. Kahit kelan talaga ayaw ko sakanya. Parang kasing lagi may binabalak na masama sakin. Waaaaaah T.T

"bes! Are you okay? Kanina ka pa nakatitig Jan sa cellphone mo."
Nag aalalang tanong nya sakin.

"Ah hehe wala ito beshpren...."
Nagkibit balikat lamang sya at mataman akong tinitigan kaya naman nagkunware akong busy kakakain ng mangga.

Mission: Finding Mr. WRIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon