Chapter XIV

8 0 0
                                    

•√Shey

"Bespren!! I miss you!"
Kakarating lang kasi nya galing Paris.
Kakatapos lang nilang maghoneymoon.
Ang sweet Nila diba?

"Haha echos mo bes!"
Sabi ko nalang sakanya tsaka pabirong inirapan.
Andito kasi kami nag uusap sa may sala.

"Naku bes, nyare na, bakit parang blooming ka ha?"
Tanong nya sakin.

"Nyek, di naman...siguro natutuwa lang ako kasi kambal yong anak ko. And puro lalaki."
Sabi ko. Nagliwanag naman yung mukha nya.

"Ay! Buti naman at dalawa pala ang tagapagbantay nitong anak ko. Naku bes, babae pa naman. "
Sabi niya.

"Hahaha."
Nagtawanan naman kaming dalawa.

"So kamusta naman ang honeymoon? Haha okay ba?"
I jokingly said while wiggling my brows.
Namula naman ang loka.

"Ay mahadera! Namula.haha nag ano kayo kahit busog na busog kana?"
Pang iintriga ko.

"Ewan ko sayo! "
Sabi niya at tumayo tapos nagpuntang kusina.

May nagdoorbell naman sa labas kaya pinabuksan ko sa katulong.

"Ma'am andito si Sir Grae"
Sabi ng katulong ko habang kinikilig.
Lumabas naman ako.

"Uy... Naparito ka?"
Pambungad ko sa nakangiting gwapong nilalang.
Kakainlove naman toh.

"For you... "
Sabay about nya ng flowers tsaka chocolates.

"Uyyy salamat ha...lika pasok ka muna."
Aya ko sakanya.

Pinaupo ko naman sya sa sala.

"Ayh! Mahadera Karin pala at nagpapaligaw ka habang wala ako!"
Sabi Ni Chelsea mula sa pinto ng kusina.
Lumapit naman sya samin.

"Hi papabol! Ako si Chelsea! "
Pakilala niya Kay Grae at pumagitna saming dalawa.

"I'm Grae."
Nanlaki naman ang mata ni bespren habang ka shake hands nya si Grae.

"Oh.my.golly!! Nunca! Saan ka nahanap ng gaga Kong bespren?"
Binatukan ko nga ang ingay naman nya baka sabihan pa akong desperada.

Ngumiti lamang si Grae .
Umalis naman si Chelsea sa gitna naming dalawa at pinagtulakan pa ako papalapit Kay Grae

"Aray ko! Parang Hindi buntis eh no?"
Sabay irap ko sakanya.
"Iwan ko na nga muna kayo nang makapag lovers talk. Mihihihi"
Kahit kelan talaga itong babaeng to. Papunta naman syang kusina at alam Kong kakain nanaman yun. Hayyy kaya tumataba yun eh kain ng kain at di nage-exercise.

"So ano nga pala ang ipinunta mo rito?"
Tanong ko ulit.
Napakamot naman sya ng ulo niya. May kuto ba ito o mannerism nya talaga ang kakamot kamot ng ulo?

"Hmm.nothing ,it's just that I am here to visit you and bring you flowers. "
Kibit balikat nyang sagot. Napairap naman ako inside. Bakit ba di niya akong ligawan? Haha choss joke lang.

"Ah haha okay. "
Feel ko ang awkward kasi wala akong ibang masabi. Kumbaga wala man lang akong topic na maibigay. Is a akong boring na tao samahan pa ng isang boring kausap na si Grae.

Tumikhim naman sya at tumayo.
"A-ah s-sige ma-mauna na ako , tiningnan ko lang naman kung okay ka yun lang"
Ganurn? Bahagya akong ma disappointed. He is such a jerk! Grrrr...iba sya. Kung iba siguro syang lalake ay matagal na nya akong niligawan.

Teka! Bakit ba akong at at magpaligaw sakanya? Ang assuming ko namang magugustuhan ako ni Grae. Napailing naman ako.

*ehem*
"Sige Alis na ako"
Sabi niya  na nagpabalik sakin sa ulirat.

"Ah ingat ka. Hatid na kita sa labas."
Oh diba?Parang manliligaw ko lang sya. Haha

Hinimas himas ko naman ang tyan ko pero nagulat ako nang bigla syang humarap sakin. Yumuko sya at papunta sana yong mukha nya sakin kaya bahagyang napaatras ang mukha ko. Akala ko hahalikan nya ako,yun pala yung tyan ko lang pala.

Yung author nito ay pinagmumukha talaga akong desperada sa kwentong ito eh.
Tsk.tsk. Realistic daw kuno at praktikal.

•√Grae

Nandito nanaman kami sa tambayan namin every Saturday night.

"So pre,kasalan naba?"
Tanong sakin ni Kit habang tinutungga ang beer.

Napakamot naman ako sa batok ko.
"Hmm sinisigurado ko muna na gusto namin ang isa't is a bago ko sya pakasalan."
Sabi ko.

Napangisi naman sya.
"You know what? Hindi mo na dapat isipin yang gusto gusto na yan pre. Buntis na si Shey ,at higit sa lahat magiging ama kana kaya ang gawin mo ay panagutan sya. Be a man "
Deretchang tugon nya sakin.
"Di naman na kayo teenagers Parang isipin pa ang mga yan. Ang isipin niyo ngayon ay ang kapakanan ng bata sa sinapupunan ni Shey."
Dagdag pa nya sabay hilig sa couch.

Natahimik naman ako sa sinabi niya at ininom nalang ang beer na hawak ko.

"Anong meron?"
Pambungad ni Miggy samin pagkadating na pagkadating nya.

"Hayy Ewan ko sa torpeng manok natin pre. Bagal kumilos"
Hindi ko nalang pinansin si Kit sa sinabi niya at uminom nalang ako dito sa tabi.

"Haha. Alam mo pare, pag lagi kang ganyan liligawan ko nalang si Shey tutal tanggap ko naman kung ano sya kung sakali mang pumayag syang magpaligaw"
Sabi naman ni Miggy na nakapagpatayo sakin.

"Tinatalo mo ba ako?"
Deretchang tanong ko sakanya Sabay yukom sa kamao ko.

"Woah,chill mga pare kakarating ko lang tas eto madadatnan ko?"
Sabi ng kakarating lang na Ian sa may pinto.

"Hindi naman kita tinatalo pre, ang samin lang gusto lang kitang paalalahanan na wag kang papetiks petiks lang. "
Sabi ni Miggy.
Umupo naman ako ulit at di ko na pinansin silang tatlo.

Mission: Finding Mr. WRIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon