Chapter XXII

2 0 1
                                    

"Mommyyyy!!!!!!"

Dagli dagli akong umakyat patungong second floor. Alam Kong sa music room galing yon. Naging mahilig na kasi sa mga instruments si Diday.

Nadatnan Kong mahigpit na hinawakan nya sa balikat si Diday. Nagsimula nang umiyak ang bata.

"Andrea!Let go of her!"
Galit Kong sigaw sakanya.
Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang mga taong manakit ng mga bata. Kahit sino pa sya, kahit sa totoo lang ay takot talaga ako sakanya.

Binitawan naman nya si Diday at umiiyak namang tumakbo sakin si Diday. Kita ko namang nakatungo lamang sya habang nakaluhod.
Lumabas na kami sa music room at iniwan na lamang namin si Andrea doon.

Andrea Buenavista Sherlock.a.k.a. The KILLER BITCH!

Kinabukasan ay sinundo kami ni Grae dahil ipapakilala na nya ako sa magulang nya.

"Hi mhie..."
Napataas naman ang kilay ko nang tinawag niya akong mhie.
Inakap naman nya ako pagkatapos ay inakbayan habang nakasunod naman samin si Diday.

"Mhie?"
Tanong ko sakanya .

"Yes, ayaw mo non?"
Tanong nya Sabay pout . Nilagay ko naman ang kamay ko sa mukha nya.

"Hmp! Ikaw talaga ,and dami mong alam."
Sabay irap ko sakanya. Nabigla naman ako nang halikan nya ang pisngi ko na ikinapula ng mukha ko.

Narinig ko namang humagikgik ng tawa si Diday at Parang kinikilig.

"I love you mhie...tawagin mo na rin akong dhie. "
Sabay ngiting aso nya.
Ang corny naman nya ngayong araw.

"Ikaw talaga..."
Sabay pingot sa I long nya.
" ang corny ng dhie ko"
Napakamot naman sya ng batok nya.

" sayo lang naman ako ganito mhie ..."
Nahihiya pang sabi niya.
"Oh sya,Tara na at umalis na tayo baka maabutan tayo ng halimaw Kong pinsan."
Sabi ko.

Mejo mahaba ang byahe kaya di ko namalayang nakaidlip ako. Pagkagising ko ay isang gwapong nilalang ang nasa harap ko at labas ngiping nakangiti sakin.

Napangiti naman ako.
Ang lapit ng mukha naming dalawa at nagkalapat narin ang mga ilong naming dalawa.

Inilayo naman nya ang mukha nya at lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan naman nya akong bumaba ng sasakyan.

Napatingin ako sa mga sumalubong samin.
Nasa tabi ko na pala si Diday at si Grae na nakangiti.

"Hi!!"
Masiglang bati samin ng babaeng nasa forties na may kasamang lalaki na ka edad rin nya. Kamukhang kamukha niya si Grae.  Ang gwapo nya.

"Hi mom,dad...Si Shey and si Diday ...adopted child nya"
At nakipagbeso naman sakin ang mom ni dhie.

"IJA,Tara pasok na tayo sa loob."
Aya samin ng mom ni dhie.

"Shey, I think you need to eat these. I bought these from Hawaii. Don't worry,its healthy."
Sabi niya.

"Thank you po Tita."

"You can call me mom"

Sobrang okay naman ang trato nila sakin at sa anak Kong si Diday. Masaya pala kakwentuhan ang mommy Ni dhie.

Tinulungan ko namang magluto ang mommy ni dhie ng dinner namin. Ayaw pa nga nya akong tumulonh eh kaso nag insist ako.
Masaya naming inilapag ang niluto namin sa long table . Yung dalawang katulong naman ay naglalagay ng plato sa mesa.

Pumasok naman sa dining room si Grae habang karga karga si Diday tsaka sumunod naman ang daddy niya at masaya kaming naghapunan.

"Diday, kain kapa ."
Sabay about ng mommy Ni Grae ng shrimps Kay Diday na katabi  nya sa mesa.

"Thank you po Mimi"
Naikwento nga pala ng mommy Ni Grade sakin na gusto nya ng apong babae at tawagin syang Mimi dahil nakakatanda daw pakinggan pag Lola .

Busy kaming kumakain ng mapansin kong namunutla si Diday.
"Nak, is there something wrong? Bakit ka namumutla?"
Tanong ko sakanya 

Nataranta akong lumapit sakanya nang mapansin Kong hinahabol rin nito ang hininga.

"M-my ,d-di k-hinga"
Pilit nyang sabi.

"Oh my gosh! Dalhin natin sya sa hospital!"
Tarantang sabi naman ng mom Ni Grae.
Tumayo naman agad si Grae at binuhat young bata.

" Hinay hinay lang Shey ,wag kang tumakbo masyado."
Paalala sakin ng mom Ni Grae dahil tumakbo ako at hinahabol sila Grae.

Naiiyak naman ako dahil na Hindi ko alam ang nangyayare sa anak ko. Sumakay naman na kami sa kotse at pinagdrive kami Ng daddy Ni Grae sa hospital. Nandito kaming tatlo sa backseat.

Yung mom naman Ni Grae ay kita ko sa mukha nya na sobrang nag alala sa kalagayan ng anak ko.

Nahihirapang huminga si Diday at onti-onting namumula ang mukha at katawan nya.

"Baby...malapit na tayo baby..."
Sabi ko Sabay iyak.

"Ssshhhh....don't cry mhie."
Pag aalo sakin ni dhie habang Kalong nya si Diday at gamit ang kanang kamay nya ay hinimas him as ang likod ko.

"Bilisan mo Vlad "
Utos ng mommy ni Grae sa asawa nya.

Ilang minuto pa'y nakarating na kami sa hospital.
Dinala agad sa ER yung anak ko at may in inject na kung ano at ilang Segundo ay kumalma na ang anak ko at nakatulog na.

"Base on my observation, may allergy reaction yong anak mo misis. May nakain ba syang nagpa trigger sa allergy nya?"
Marami pa namang ulam and Hindi ako makapag isip.
Bigla namang sumabat yong mom ni Grae.

"Its my fault. I think yung shrimp ang nagcause ng allergy reaction nya. Yun lang kasi ang alam kong pagkain na nagc-cause ng allergy."
Sabi nya habang naiiyak.

"Maybe she is allergic to seafoods. O-obserbahan muna natin sya. For now, dapat magstay muna sya dito habang INA undergo ang observation sakanya kung tama bang allergy sya sa seafood."
Huling sabi ng doctor bago nagpaalam.
May nurse naman na lumapit samin.

"Ma'am it-transfer napo naming sya sa room 303"
Tapos sumunod kami sa nurse na inilipat si diday sa room nya. Umuwi na muna yong parents Ni Grae at tinawagan ko naman si Loly . Kinwento ko sakanya ang nangyare at agad naman syang nagpresintang magbantay rito.

Nakarating na si Loly kasama nya si Ian and to my surprise ay magkakilala pala si Grae at Ian. Galit parin ako sa Ian na yon kaya di ko sya pinansin.  Iniisip ko pa young anak ko kasi nag aalala ako kahit na di ko sya tunay na anak ay nag aalala parin ako.

Napamahal na sakin ang bata.
"Tara na , sa bahay ka nalang matulog."
Sabi ni Grae kaya tumango nalang ako.

Mabuti nga ton kasi andon rin yung halimaw Kong pinsan na pandagdag stress lang.

Mission: Finding Mr. WRIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon