Kiefer's POV
"Ly! Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha? Sabi ng hindi eh. Pinagpaalam na kita kila coach mo" sabi ko ulit.
Ang tigas kasi ng bungo nitong babaeng to eh. May sakit na nga, pupunta pa talagang training. Halos trentra minutos na kaming nagtatalo dito sa dorm nila.
"Kiefer, 2 weeks nalang magstastart na yung season ng volleyball at hindi pwedeng hindi ako magpapractice." Sagot niya.
Umuling naman ako.
"No. At sa tingin mo mas makabubuti na mag training ka sa ganyang condition ha? Pinapalala mo lang yung problema Alyssa. Tsaka pauuwiin ka rin nila once na sabihin mong sasali ka sa training kahit na may sakit ka."
Napabuntong hininga lang siya tapos nagsalubong yung dalawang kilay.
"Fine! Edi wag. Mabubulok nalang ako dito! Umalis ka na nga." Sabi niya sabay talukbong ng kumot.
Siya pa talaga yung nagalit. Hayst.
Tumayo nalang ako para umalis. I know na hindi rin to makakausap ng matino ngayon.
"Yung foods mo ni ready ko na, ipapacheck nalang kita sa kanila mamaya kung kinain mo ba yan. Tapos yung meds mo rin nanjan na. Magpahinga ka na lang kasi. Alis na ko."
I look at her one last time tapos lumabas na.
I also texted Bea and Kiwi to check on her after nilang magtraining. Mas mabuti na ding dito muna sa Eliazo nagstastay si Ly, kaysa naman kung sa condo niya, walang mag-aalaga sa kanya dun.
Months passed already ng umamin kami sa isat-isa na may feelings pa kami for each other tapos hindi ko na yun sasayangin. I want to be with her again kaya for the second time, nililigawan ko na naman siya. Nagpaalam ako ulit sa family niya at mga kaibigan niya. I don't care anymore on what other people think. I'm just happy dahil ramdam ko rin na wala na rin siyang care sa ibang tao on what they think about us.
°°°°°°°°°°°°°
Late ng natapos yung meeting namin kaya nagabihan rin akong pumunta sa Eliazo. Of course bibisitahin ko lang si Ly. Sabi naman nila Bea na okay na naman daw siya but still pupuntahan ko pa rin.
When I arrived, naghintay nalang ako sa lobby, bawal kasing pumasok sa mga rooms nila except kung may kasama kang taga dun. Hindi muna ako nagtetext kay Ly para makapagpahinga siya ng maayos kaya si Bea na yung pinababa ko.
Bumaba naman kaagad si Bei.
"Hi manong. Nakatulog na po si Ate Ly. She ate dinner naman tsaka ininom niya na rin yung gamot niya." Sabi niya sakin.
"Okay. Pwede ko bang masilip man lang?" Tanong ko. Then she nodded at sinamahan na ko sa room nila.
Yun. Nakatulog na talaga. Mas mabuti na rin yun kaysa kung ano-anu na naman ginagawa nito.
"Alam mo manong kanina, nagtatampo yan sa'yo" sabi ni Bea.
"Ha? Bakit?" I asked.
"Kasi nga daw hindi mo siya pinayagang magtraining."
I sighed. Spell sobrang tigas ng ulo,
A.L.Y.S.S.A
Nagtatampo na rin ako sa katigasan ng ulo nito.
"Hindi naman talaga to magpapatalo eh. Pero hindi talaga pwede." Sabi ko nalang.
I check on her one last time tapos nagpaalam na kay Bea.
°°°°°°°°°°°°
Alyssa's POV
BINABASA MO ANG
PRESENTing the PAST (KiefLy)
Fanfiction"Wag mo kong iwan please. Don't go. Hindi ko na yun kakayanin."