27-Stop the Wait

5.8K 162 7
                                    

Kiefer's POV

May salo-salo kami ngayon kasama yung mga supporters ko. For the past four years naging malapit narin sila sa akin. They supported me. Sila yung mga tagapagtanggol sakin sa mga haters. And giving them some of my time is my way of saying thank you.

Sumunod din si Ly dito kaya mas lalo akong nagenjoy buti nalang at pumayag. Actually feeling ko na nga  e aabandon na ata ako nitong mga fans ko eh, mas gusto na ata nila si Ly. Tanong ng tanong tapos para pa ngang na starstruck tong mga toh, but who wouldnt kung si Alyssa naman? Siya lang siguro yung sikat na ngang masyado pero ang humble parin. This is the first time she met these people yet parang ang tagal na nilang magkakilala, she treat them as friends already, grabe kung makihalubilo.

"Alam mo nagseselos na ako. Dalawang way ako nagseselos" sabi ko sa kanya nung wala na siyang kinakausap.

Tumingin naman siya sakin.
"Bakit?" Tanong niya.

"First, dahil mukhang mas mahal ka na ng mga fans ko. Feeling ko nga eaabandona na nila ko tapos nito. Diyan na sila lahat sayo" I pouted.

Inirapan niya naman ako. Hahah.
"Alangan namang pagsungitan ko sila ha? Tsaka ikaw kaya nag invite sakin dito. Hindi ko na kasalanan kung mas charming pako sayo noh kaya mas gusto nila sakin." Sagot niya.

I smiled. Aba, may ganyan na siya ngayon ha. Natututo si Valdez.

"Ngayon sinong self-proclaimed?" I teased her. Hinampas tuloy ako.

"Duh, totoo kaya yun." Sogot niya ulit.

Natawa nalang ako.

"Teka sabi mo dalawang pinagseselosan mo, ano yung isa?" Tanong niya sakin.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya.
"Second, kasi hindi mo ako pinapansin. Nagseselos nako sa mga fans ko kasi nasa kanila yung whole attention. I feel left out" bulong ko sa kanya.

Natawa naman siya tapos tinulak palayo yung mukha ko.

"Grabe ka. Edi makihalubilo ka rin. Di yung para kang lang ewan jan sa tabi" she said.

"Eh sa sayo na nga sila lahat nakatungo. Okay lang namang hindi nila ko pansinin eh, basta ikaw pansinin mo naman ako." I pouted.

Inirapan lang niya ako ulit.
"Ewan ko sayo Kief, para kang bata. Haha" Tinawanan pa talaga ako.

Tapos nun naging busy na naman siya ulit. I'm happy ofcourse that she gets along with my fans. Pinabayaan ko nalang muna sila. May mangilan ngilan parin namang hindi nakalimutan na nandito pa ako kaya sa kanila muna ako nakipag usap. Hahah.

Maya maya narinig kong may tumawag sakin. I smiled naman pag karinig ko. Kala ko hindi to pupunta eh.

"Hi Kiefer! Waahh! Buti nalang nakahanap ka ng time para samin." someone shrieked behind me.

Kahit na hindi ko pa nakikita yung sumigaw alam ko na kanino yun. Wala namang ibang maingay dito kundi siya lang eh.

Balik tayo dun sa maingay. Si Tanya.  Nung una talaga I dont like her kasi sobrang bossy pero nasa lugar naman yung pagkabossy niya tapos yun nga ang ingay. Pero kalaunan nasanay narin ako sa kanya, nasanay narin kami. Siya rin kadalasan nagoorganize ng kitakita namin.

"Ang O.A mo Tan, para namang ang tagal tagal nating di nagkita. Tsaka wag ka ngang sumigaw" I said tapos nagbeso kami.

"Sorry I'm late, you know na may baby. Matagal nakatulog buti nandun si Ralf." Bulong niya sakin. May baby narin siya. Si Ralf fiance niya.

She also greeted the others tapos umupo lang kami sa gilid to talk.

"Kief, so tell me. Totoo na ba yung balita this time huh?" Sabi ni Tanya.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon