chapter one

197 21 25
                                    

Unedited Chapter mianhe~

Bambam's POV

Castillo High.

Matagal ko nang pinapangarap na maging Castillions (Castillions ang tawag sa mga istudyanteng nag-aaral sa Castillo High) simula palang nung bata pa 'ko.

Kaya 6:30 a.m. palang nang umaga ay nasa loob na ako ng campus. Ganyan ako ka-excited na mag-aral dito. Di naman halata diba? Lol.

Balak ko talagang unahan ang bodyguard para mahiya siya sa akin. Lol.

"Bata, ang aga mo ah." Puri ni manong guard sa'kin.

"Sinadya ko ho talaga na pumasok nang umaga para mahiya kayo sa akin, manong guard." Bulong ko saka ngumiti.

"Bata may sinasabi ka?" Sinabayan niya kong ngumiti.

"Wala po. May narinig ho ba kayong sinabi ko?"

"Hmmm parang meron eh. Di ko alam. Lumalabo na ang pandinig ko." Tumawa si manong guard. "Hashtag OldProblems."

"Ha-ha-ha-ha-heh."

Tumawa din ako para kunyari havey para di mapahiya si manong guard kahit dalawa lang kami dito.

Ang awkward talagang tumawa kung waley noh? Tsk tsk tsk.

"Baka imahinasyon niyo lang yun manong. Sige ho lalakad na 'ko" Tinapik ko ang braso ni manong guard saka lumakad palayo sa kanya.

Liningon ko si manong kung sinusundan ba niya 'ko o hindi dahil kung Oo ay tatakbuhan kona siya dahil baka isipin ng iba na mag-On kami ni manong guard dahil kami lang dalawa ang nandito sa loob ng campus.

May imahe akong iniingatan. Kapal feys Level 9999999. Sinong pinagloloko ko? Transferee lang naman ako dito. Bagong Salta. Walang kilala. Walang kaibigan. Walang ka-tropa. Sadlyf.

"Ahh! Omaygaddd! Holyshit! Ahh! Ughhh!" Napatakim ako ng bibig dahil sa narinig kong ungol ng babae. Sheet. 4n. 4n? 4n!

"Juskopo! Pati ba naman Castillo High hindi nila pinapalagpas?" Tanong ko sa ere. "Ang Castillo High. Ang kagalang-galang na Castillo High? Jusmeyo! Hay!" Nasampal kona lang ang noo ko.

"Ahhh! Ouch! Aray! Ahhh!" Mygad! My innocent ears!

Kahit labag sa kalooban ko kailangan ko silang patahanin kung hindi pagsisisihan nila sa bandang huli ang ginagawa nila ngayon. Disgrace.

Ang aga-aga ng susukuan na sila ng bataan. Tsk tsk tsk. No good. No fun.

Linakasan ko ang loob ko saka tinakpan ang mga mata ko. You know incase na nasa 69 position sila ay nakapaghanda ako "Stop! Whatever you are doing!" Sigaw ko.

"W-what?"

"Anong what what kayo dyan. Kung ano man ang ginagawa niyo, stop it!" Still nakatakip padin ang kamay ko sa mata.

"Why are you covering your eyes? Are you stupid?"

"No I'm not. Ayaw ko lang mabahian ng kalandian ang mga inosente kong mga mata." Depensa ko.

"Tsk. Asshole." Sabi ng babae. Teka bakit kanina pang satsat ng satsat yung babae, bakit di nagsasalita yung lalaki?

"Can you stop covering your eyes? Can you not see I'm in pain?" Matigas na pagkasabi ng babae.

"K."

"Don't K me baka masapak kita." Girls are girls. Ayaw nilang na-k-K. Tumatanggap lang sila ng K sa nanay o tatay nila. Kfinedot.

Tinanggal ko ang kamay ko sa mata at napatalon na lang ako sa gulat nang nakita kong puno ng pasa at sugat ang mukha at paa niya.

Kaya pala siya umuungol (eh ewan di ko alam) dahil ginagamot niya ang sugat niya gamit ang tinadtad na malunggoy leaf at dahon ng bayabas.

"Take me to the clinic." She said.

"Huh?"

"I said dalhin mo ako sa clinic."

"Bakit sa clinic pa? Bakit hindi sa hospital? Malala yang mga sugat at mga pasa mo!"

"Bakit di mo na lang ako dalhin sa clinic?" Itinaas niya ang mga kilay niya.

"Sige sige." Nasabi kona lang.

"Masakit ang paa ko kaya i-piggy back mo 'ko."

Maingat ko siyang tinayo saka piniggy back katulad ng sinabi niya. Eh sa demanding ang lola niyo eh.

Tinuro niya sa akin kung nasaan ang clinic. Nakalock ang pinto at halatang wala pa yung nurse.

"Naka-lock yung pinto." Sabi ko sa kanya.

"Anong nakalock? Never pang nakalock yan." Sabi niya. "Ibaba mo ako." Sinampal sampal niya ang balikat ko.

Ang lakas ng babaeng to grabe.

"Oo na. Ibababa naman kita 'wag ka namang manakit ng kapwa mo tao."

"Ang arte neto! Kasalanan ko bang weak ka?"

Wag mo nang pansinin ang kamalditahan niya, Bambam, babae yan. Wag mong patulan.

May kinuha siya ng kung ano sa buhok niya. Isang hairpin lang pala  saka niya sinaksak sa kandado ng clinic. Ah~ galing!

"See!" Sabi niya saka pumasok. Inalayan ko siyang maglakad saka ihiga sa kama ng clinic pero gusto niyang umupo so binabayaan kona lang siya.

"Ano bang nangyari sa'yo at puno ka ng sugat at pasa?" Tanong ko habang inaabot ko sa kanya ang medical kit.

"Ano bang nangyari sayo at puno ka ng tanong?" Sabi niya saka marahas na kinuha ang kit sa akin.

"Ah~ Malditang babae." Bulong ko.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Nagulat naman ako dahil gusto niyang alamin ang pangalan ko.

"Bambam."

"Okey Bambam. I never talk to much to anyone. This happen today, let's erase it. Kapag nasa labas na tayo, asahan mong di kita kilala at di mo rin ako kilala." She said coldly. "Agree or I'll spit you?"

"No. Are you kidding me? No wa---"

Nagulat na lamang ako ng dinuraan niya ang mukha ko.

"What the? Tinotoo mo talaga?"

Ngumisi siya. "Babalik ako dyan ka lang." Umalis ako para maghanap ng water fountain para masmasan ang mukha kong dinuraan niya.

It takes me 10 minutes dahil nawala pa ako dahil sa sobrang laki ng Castillo High and it takes me 5 minutes para maghanap ng water fountain and another 5 minutes para pagmasmas ng mukha and ofcourse 3 minutes para bumalik sa clinic. So basically hindi ako nagtagal. Hahaha.

"Nandito na ko." I declared pero nagulat na lamang ako ng wala na siya sa clinic.

"Kapag nasa labas na tayo, asahan mong di kita kilala at di mo rin ako kilala."

I don't know her pero ang masasabi ko lang sa kanya she has one word. Lahat ng sinasabi niya ay tinotoo niya.

***

Sorry kung pangit o lame. Please still support my story. Thank you.

the film ❣ lisbamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon