chapter two

124 14 3
                                    

Please vote, comment and share this story. Thank you.

Bambam's POV

Hindi ko akalain na ganito pala kapagod maglakad papunta sa section ko. Pinapawisan na ang kilikili ko hindi ko padin nahahanap ang classroom ko.

Nubayan. Mabuti na lang at black ang t-shirt ko kaya walang makakahalata na may tinatago akong water falls sa upper body ko.

Dumadami na din ang mga studyante dito. Lahat crowded saan ka man pumunta.

Kaninang 7:30 a.m. pinagod ako ni Ms. Spit sa kahahanap sa kanya. Ms. Spit ang pangalan niya sa akin since di ko naman nalaman o natanong yung pangalan ng mandudurang babaeng 'yun.

Tumigil lang ako sa paghahanap sa kanya nang may nag-announce na pumunta daw kaming lahat sa gymnasium. Dun na nagsimulang mag-open ceremony si Mr. Castillo.

And the next things happen may pinost na papel sa bulletin board kung nasaan ang section namin. Nasa 10-B ako. Astig!

So di bale may apat na section sa Grade 10 ang:

Class A: Mga matatalino, favoritism, mga judgemental dahil nasa first section sila. Mga snobby at pabida.

Class B: May sobrang gwapong studyante dito ang pangalan niya ay Bambam. Kilala niyo ba siya? Have you meet him?

Class C: Parating linolook down ang mga studyante sa Class D. Akala mo naman sobrang talino nila. Sipsip lang naman sila at mga plastic.

Class D: Mga walang pake-alam sa mundo at pag-aaral. Basta happy go lucky lang sila. Bagsak na kung bagsak, mayayaman daw naman sila. Hay nuku! Kapag yang negosyo ng magulang niyo nalugi, 'wag kayong magpapakita sa akin. Pepektusan ko kayo. Mga tamad na studyante!

Mabuti na lang at nasa Class B ako.

"Class 10-B." Napangiti naman ako habang binabasa ang nakalagay na papel sa taas ng pinto ng classroom ko.

Sa wakas nasa Narnia na 'ko. Lol. Inayos ko ang t-shirt ko saka pumasok na may ngiti sa labi ko.

"Hi classmates!" Masaya kong bati sa mga kaklase ko pero walang bumalik sa akin na "Hello din gwapo naming classmate." Mga di maka-appreciate ng ka-gwapuhan ko! Hmmpp.

Umupo ako sa bakanteng upuan habang pinapanood ang mga kagaguhan ng mga kaklase ko.

May nagbabatuhan ng papel, bakit papel? Bakit di na lang bato para di na kayo masilayan ng araw eh noh?

May malandi ding lalaki at babae sa unahan ko. Haytakte! Nagbubulungan sila pero naririnig ko naman.

"I love you babe. I can't live without you."

"Ihhh babe naman eh. I love you too hihihi."

Nagbulong pa kayo, naririnig ko naman! Juskoday! Todo gigil si babae tapos todo kilig din yung lalaki. Bakit di na lang kayo magmotel eh no? Nahihiya pa kayo sa amin!

Tapos eto matinde ginawang pageant show ang classroom namin. Yung mga babakla na nagrarampa sa harap ng blackboard at nagbibigay ng speech. Todo tawa naman ang mga babae at lalaki.

First day of school may jowa na agad?

"Lalake man' sa paningin, Bakla pa din sa Salamin!" Kasabihan ni Gay 1.

"NANINIWALA PO AKO NA HINDI LAHAT NG KABAYO AY NASA KWADRA...MERON DIN PO SA BACK STAGE! AKO PO SI MARIMAR ANG JOWA NI FULGOZO NAG NAGSASABING... KEEP OFF THE GRASS! BECAUSE... SLIPPERY WHEN WET! I THANK YOU!" Makabasag pinggan na sinabi ni Gay 2.

"May kasabihan po tayo. Kahit gaano kalalim ang dagat, hanggang dibdib lang ito ng bibe! Thank you." Mahinhin na pagkasabi ni Gay 3. Nakikisabay na din akong tumawa.

Nakakatawa talaga ang mga bakla at hindi mo aakalain na sila ang pinakamalungkot na tao. Ika nga 'The Happiest person are the loneliest.'

"Behind the clouds are other clou---" Napatigil si Gay 4 sa sasabihin niya dahil may pumasok na nakahoody at naka glasses pa na babaeng nakayuko sa classroom namin.

"Bakit siya tumigil? Tatawa na ako eh. Sino ba yang babae 'yan?" Tanong ko sa ere at di ko naman akalain na may sasagot sa tanong ko.

"Siya si Lisa. Lisa Manoban." Tinignan ko kung sino ang sumagot. "Ihh hahaha Hello ako pala si Somi. Somi Jeon." Inabot niya sa akin ang kamay niya.

"Ako si Bambam." Nagshake-hands kami. "Nice to meet you." Sabay naming sinabi.

"Bagong salta ka lang ba dito? Hindi kase familiar ang mukha mo sa 'kin eh." Tanong niya sa akin.

"Uhh~ Oo. Bagong salta lang ako dito."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Eh~ Bakit ka nagtransfer dito sa Castillo High? Syempre may reason ka. Ano yun?"

"Ah kase~ Gusto kong sumali sa Castillo Film Best Festival para manalo ako. Balita ko kapag nanalo ang film mo ay susuportahan ka ni Mr. Castillo sa pagtungtong mo sa College. Full scholarship."

"Okey yan! Ako ang magiging number one mo. Susuportahan kita, just let me know kung kailangan mo ako. I'll be there." Sabi niya. Naboost naman ang confidence ko dahil sa sinabi niya.

Lisa's POV

"Luh? Classmate natin si Lisa."

"Holyshit bruh! Ang astig ng aura niya. Nakakakaba bruh."

"Hallah~ grabe! Puno siya ng pasa. Tignan mo yung paa niya bes."

"Allah bes~ Oo nga! Shocks."

Di ko na pinansin pa ang mga bulong nila tungkol sa akin. Naghanap ako ng bakanteng upuan na pa-ika-ika.

May dalawang bakanteng upuan sa likuran at sa harapan. Balak ko sanang umupo sa harapan para madali akong maka-alis kapag nagring na ang bell pero maiingay ang mga katabi ko kaya wag na lang.

Umupo ako sa bakanteng likuran. Ang katabi ko ay isang lalaki at amoy pawis pa. Ew. Nakatalikod siya sa akin kaya di niya alam na may katabi siya dahil busy siyang makipag-usap kay Somi, ang former friend ko.

"MS. SPIT?!" Napatalon ako sa upuan ko dahil sa sigaw ng katabi ko. Hinarap ko siya and gave him a million dead glares. "MS. SPIT? Ikaw nga yan." Masaya niyang sinabi.

Lahat ng mga mata nakatingin sa amin. Oh please~ I hate this scene very much.

Sinampal ko ang noo ko. Siya yung tumulong sa akin kaninang umaga at siya yung dinuraan ko sa mukha.

Siya si Bombbam, diba?

***

I hope you enjoy reading. Thank you once again.

the film ❣ lisbamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon