I Fall In Love with My Best Friend. Chapter 2

2.4K 21 2
                                    

CHAPTER TWO: 

AYA's POV

T*ngina naman. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam gabi gabi na akong umiiyak mag'iisang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. ni isang text ni isang tawag wala.. Kukulitin ko siya hanggang sa magparamdam siya. Hindi na din kami nagkikita. Miss na miss ko na siya :(

Obssesed ba masyado? Mahal ko talaga siya eh. kahit 2 months pa lang kami. mahal ko na siya. Pero bakit ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya. Susuko na ako.. Masyado ko bang finocus yung buhay ko sakanya? Masama ba yun? Eh sa ganun ko siya kamahal eh. 

April 3, 2011. 5 days na lang birthday ko na, pero ang sakit sakit na. tatapusin ko na ba ngayon. Iyak na lang ako ng iyak. Andito ako sa bahay ng pinsan ko ngayon kela POLA. Ayaw nila ako iwang mag isa baka kung ano na naman daw gawin ko. Baka maglaslas na naman ako. Opo ilang araw na akong naglalaslas dahil sa nangyayari samin ni addland clueless na talaga ako. Mahal ko siya pero ang sakit sakit na..

To: A.Addland babe.. 

"Hindi ko na kaya please. Magparamdam kana, mag usap na tayo. Suko na ako. Ang sakit sakit na. Kung ayaw mo na pwede mo namang sabihin eh. hindi yung pinag mumukha mo akong tanga sa nangyayari sakin. hindi ako manhid para hindi malamang we're falling apart"

To: A.Addland babe.. 

"Are we over? Hey. Magreply ka naman. F*ck. Ang sakit sakit na, Ayukong mag pretend na okay ako, na okay tayo, 'coz i know we're not. Addland please. Don't ignore me. You said you love me? Why are you doing this to me? You said you'll never leave me. What about our Forever?"

habang inaantay ko reply niya iyak na ako ng iyak. Hindi na ako makahinga, Sobrang sakit sobrang hirap.. Ang sakit isipin na the person who made you better will just leave you. everything is falling apart. Does he found someone better? But he told me im only his girl.

Ayan nag reply siya. Kakayanin ko ba kung anong mababasa ko. Pano kung ayaw na niya talaga. Makakaya ko ba after nito? Ang hirap sana naguguluhan lang siya. Sana kelangan lang niya ng time. Im willing to give his time as long as i know he's still MINE. 

From A.Addland babe.. 

"Alam kong alam mo kung anong nangyayare. Sorry Babe kung nasasaktan kita. Hindi ko naman sinasadya eh. Mahal kita alam mo yan. Pero lahat nagbabago. Don't blame yourself. Hindi ko din alam kung kelan or bakit, i just fell out of love. Sorry. I hope we can still be friends. you know you're special to me right. I love you goodbye Aya"

Aww. ito na yung kinatatakutan ko eh. We're really over. Hindi ako makahinga. parang tumigil yung mundo ko. naririnig ko si Pola &  Janey nagagalit. Pero hindi ko maintindihan sinasabi nila. Wala akong pakielam sa paligid ko ang alam ko lang masakit. Ang sakit sakit. Lord patayin mo na lang ako. Parang pinatay mo na din ako. T.T

To: A.Addland babe.. 

"Fine. If that's what make you happy then go, I wont stop you. But i'll always be here waiting.. Friends? Duh? Are you serious?! Addland ang sakit sakit. Kung mahal mo ako why did you let me go? bakit ka sumuko. Don't blame myself? Who will i blame. You? Si Superman si batman? You leave me clueless. you're so gay. I hate you! But i'll always be here waiting.. goobye.."

Ayuko na. Kung kaya niyang mawala ako sa buhay niya then fine. Kaya ko din siya mawala? kaya ko nga ba? bakit ang sakit? Kaya ko bang makita siyang masaya kasama ng iba? masaya ng wala ako sa buhay niya..

Ilang araw na din ang lumipas since nung nagbreak kami ni addland. Dumaan ang birthday kong nagmukmok lang ako sa kwarto hindi na ako yung masiglang Aya. Sabi ko pa naman mag'eenjoy ako kasi masaya na siya. Ito naman yung gusto niya eh. pero bakit sobrang sakit sakin. Simula ngayon kakalimutan ko na siya. Malapit na din mag pasukan.

Imaging College na ako. Parang kelan lang.. nung summer nagmumukmok ako kasi wala na siya..  hays ito na naman ako. Mahal ko pa din kasi talaga siya eh. Mahal na mahal. 

Nakapasa ako sa Private na College school. Bs Hospitality Management ang course ko. Excited na ako, pero malungkot pa din. Kasi balak namin parehas kami ng school na papasukan eh. Hindi na kami nag uusap. Yung pinsan na lang niyang close ko yung nakakausap ko. 

Sabi ng pinsan nyang si Nicole. Sa *toot* university daw siya. Bs Tourism kinuha niya. Okay na yun magkalayo kami. Okay na din na may makilala akong ibang tao para naman malibang ako at makalimutan ko siya kahit konti. 

Nag online ako. Sakto online Bestfriend ko..  (Madami akong Bestfriend. AHAHA. pero isa lang yung pinaka BESTFRIEND kong lalaki. tapos madami ako sa babae)

Siya si JEROME CARTER. 16 yrs old. Nakilala ko siya nung 3rd year Hs pa lang ako, Ex siya ng isang close friend ko si Faye. sa Chat lang kami nag uusap dati. Pero sobrang dami naming napag'uusapan. "GOODBOY & GOODGIRL* Yan yung tawagan namin. Close nga kasi kami db. 

Time passed by, Nag break na din sila ni Faye. Pero kahit break na sila hindi natigil yung closeness namin. Nagkakatext na din kami. Usap minsan sa phone. Kwentuhan sa mga buhay buhay. 

"Wow. buti na lang online si GoodBoy tagal ko ng hindi nakakausap to ah. Alam na kaya niya ang nangyare." Hindi na kasi kami masyadong nakakapag usap nag bago din ako ng number. Kaya hindi ko alam kung tinetext niya ako.  Ipi'Pm ko nga.

Ako: "Psssst. GoodBoy"

Jerome: "Yess GoodGirl?"

Ako: "Wala lang, i changed my number na pala"

Jerome: "Kaya pala tinetext kita hindi ka nagrereply. Number mo?"

Ako: "0906*******" Ayan na. Pakilala ka ah.

Jerome: "Sige. Ui Goodgirl. 11 ngayon ah. Happy Monthsary sainyo" 

Ayy shit. 11 nga pala ngayon :( Monthsary sana namin. 5 months na sana kami. Ano na kaya balita sakanya? Pasukan na namin bukas. New life na naman. :( nakaka'lungkot naman siguro kung kami pa magkasama kami ngayon.. 

Ako: "Ayy GoodBoy. Wala na kami matagal ng wala :(" Naiiyak na naman ako. Ano ba yan iyakin talaga ako. 

Jerome: "Sorry. Kelan pa? Hindi mo nasabi sakin yan ah. tetext na lang kita mamaya. Pasukan na namin bukas eh. Kelangan ko ng mag'prepare for tomorrow" 

Aya: "Osige sige text mo na lang ako mamaya"

[Jerome Carter is now offline] 

JEROME's POV 

Hala. Break na pala si Aya & Addland. Kami ni ni Jasmine kaka'break lang din. Ewan ko ba dun masyadong play girl. Nakakainis. 

Ako nga pala si Jerome Carter.  16 years old. BS Hospitality Management sa *toot* (Secret na kung saan mamaya puntahan niyp pa ako eh) Bestfriend ko si Aya Fernandez. Hindi pa kami nagmi'meet sa fb ko pa lang siya nakikita, sa text & phone and chat kami nag uusap. Ang gaan ng loob ko sakanya. Sobrang kulit kasi niya. Kasalungat ng ugali ko. Pero nagkakasundo naman kami.

Ako kasi yung tipo na lalaki na hindi nakikisama sa iba. Pili lang talaga. Syempre Pogi ako eh. ganun talaga. Snob sakin yung mga babae. Sus. Mga babaeng yan peste sakit sa ulo lang binibigay saking mga lalaki. Puro DOTA lang ako. Wala akong inatupag kung hindi mag DOTA. Kaya nga nag'break kami ng Jasmine na yun eh. Pero okay lang mas pinili ko ang DOTA ganyan ko kamahal ang dota.

Ayy oo nga pala itetext ko pa pala si Aya. 

To: GoodGirl Aya. 

Psst. Pogi here. 

*sending message failed*

Anak ng. Wala nga pala akong load ngayon. Ano kaya nangyare dun sa babaeng yun. Tagal kong hindi nakausap yun ah. Miss ko na siya. Ayiee. Lol. Syempre bestfriend ko yun eh. Natural ma'miss ko kakulitan nun. 

Hay papasok na pala ako bukas, Katamad aga aga pa ng pasok.. 

I Fell In Love with My Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon