Chapter Twenty Two.
JEROME's POV.
Pota naman.. Umiyak na naman siya. Nakakainis naman yung lalaking yun.. Palagi na lang niyang pinapaiyak si Aya ko. Hindi na ako papayag na mangyare yun.
Andito kami ngayon sa loob ng kotse ko. Di ko nga alam kung san kami pupunta eh. Sa Moa na nga lang.
Nag drive na ako papuntang Moa.. Patingin tingin ako kay Aya habang natutulog siya. Kanina pa kasi siya iyak ng iyak eh. Siguro napagod kaka'iyak.
Teka bakit parang namumula yung pisngi niya? Anong nangyare dito. Amp naman. Ano kayang dahilan bakit namumula.. Baka make up lang niya..
Andito na kami sa may Moa. Dun sa Sea side.. Dito kasi ako madalas pumunta pag problemado eh. Syempre madalas na sa Comp shop pero nakaka'gaan din ng pakiramdam dito..
"Asan tayo?..."dd
Nagising na siya.. Magang maga yung mata niya kaka'iyak.. Kawawa naman. Pero ang ganda pa din niya. Ano ba yan..
"Moa tayo Goodgirl.."
"Tara kain tayo.."
Nakoo. Nagutom na naman siya. Takaw talaga ng babaeng to kahit kailan. Sige ayos lang kelangan niya ng energy ngayon eh. Kelangan niyang kumain alam kong hinang hina siya..
Naglakad lakad na kami. Naghanap ng kakainan.. Kumain kami sa Man Inasal. Gutom nga siya. Inorder niya kasi yung may Unlimited Rice eh. Tapos naka 3 pa siyang ulit.
Hindi kami masyadong nag uusap ang tahimik niya hindi ko naman alam sasabihin ko sakanya kaya hindi na lang din ako nagsasalita. Tinitignan ko lang siya kumain. Parang ang lalim nung iniisip niya..
Haharap siya sakin tapos mag'Smile. Wag kang ganyan.. Wag kang mag sinungaling na masaya ka. Alam kong hindi. Palagi na lang siyang ganyang ngingiti kahit alam mong may problema.
Sabi sainyo eh. Kaya niyang mag sinungaling sa lahat pero hindi sakin. Alam ko kung nasasaktan siya o hindi.
Ang tahimik niya hindi ako sanay.
Natapos na kaming kumain. Pumunta kami sa Sea side ulit.. Nagyaya siyang mag Starbucks. Yap favorite niya po yan..
After niyang umorder pumunta kami sa Sea side. Dun kami umupo.
Naka'tingin lang ako sakanya.. Humarap siya sakin.. Nakita ko na naman yung mapula niyang pisngi..
Hinawakan ko yung cheeks niya.. tapos parang nagulat siya.. masakit ba?
"Anong nangyare diyan?.."
"Ah ito.." Hinaplos niya yung cheeks niya.. "Wala to.. Wag mong pansinin to.."
Ayan na naman eh. Wag pansinin eh halatang halata na. Gusto ko siyang sigawan gusto kong magalit sakanya kasi alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Pero hindi ako makakatulong sakanya pag ginawa ko yun. kaya ko siya dinala dito para gumaan yung pakiramdam niya hindi para dagdagan pa..
"Diba sabi ko sayo wag mo na siyang iyakan.."
"Oo nga goodboy eh. Ewan ko ba napaka'taksil nitong mga luha ko.."
Amp.
"Mahal mo pa ba siya?.."
"Huh.. Pawala na eh. Nasa tuktok na ako ng pagmo'move on.. Ewan ko ba pero parang nananadya talaga yung tadhana.."
"So mahal mo pa nga siya?.." Tinignan ko siya..
Tumingin din siya sakin.. Nag smile siya. Yung smile na hindi mo maintindihan ewan.. Basta nag smile siya tapos feel ko sa smile niya na totoo.
tumingin siya sa malayo.. "Hindi na." tapo tumingin ulit siya sakin.. nag smile na naman siya.. "Tara uwi na tayo.."
Patayo na siya.. Hinawakan ko yung kamay niya.. "Goodgirl.. 8 letters.."
Sure akong hindi pa din niya alam yan..
"Oo na tabachoy na ako.. tara na.."
"teka.. Mahal mo pa ba siya??.." Kulit ko no. Gusto ko kasing ulit ulitin niya yung sagot niya eh.
"Hindi na nga.."
Tumayo na siya..
"buti naman.."
AYA's POV
Hinatid na ako ni Jerome pauwi.. Antok na antok na ako. Wala na akong energy. Tsaka anong oras na din wala na akong energy. Andito na yung mga pinsan ko. Maaga pa yung pasok namin bukas. EK na. Yehey..
Pagpasok ko ng kwarto nakita ko dun yung pillow na bigay sakin ni Addland. Naalala ko na naman siya. Ano bang ginagawa niya. Hindi ba niya alam na madami siyang nasasaktan sa ginagawa niya. Nasampal na nga ako ng dahil sakanya eh. Sure naman akong andun si Christine kanina kaya paniguradong lagot na naman ako.
***
"Baby girl wake up. May pasok pa tayo. Go take a bath na. Aalis na kami ah.."
Oh my gosh. Anong oras na.. I need to hurry hindi pa ako nakakapag ayos ng gamit ko.
"Can you wait for me cous? Promise I'll hurry.."
"Of course.. Go.. Take a bath na.. Nag pack na kami ng snacks na babaunin natin.."
Nagmadali na akong maligo.. Lalala.. Fix my things first. Nagdala ng extra na damit. Nilagay ko na yung kikay kit ko. Camera. extra sleeper din. Tapos kung ano ano pa.
Then i fix myself. Short as usual. Tapos naka heels ako ngayon. Hindi naman killer shoes. Wedge lang. then Hanging shirt. Unting touch ng make up. Pero light lang. Comb my hair. Whoalaaaa.
Nag rush na akong bumaba. Inaantay na nila ako eh.
Papunta na kami ng school merong 4 na bus. For Hrm. Htm. Business and Accounting courses lang kasi yung tour.
Pag pasok namin ng campus nakita namin yung GALS and BUDDIES.
Nilapitan na namin sila.. Nagtatatalon kami. Bakit ba eh excited kami eh.
Eljhey: So tabi ko si Agatha & Pola ah.
Lorshey: Tabi naman kami ni Aya.
Jerome: Hindi pwede katabi ko siya.
Bigla akong inakbayan ni Jerome. Yun yun eh. Ano ba kinikilig ako. *blush*
biglang nag smile yung GALS sakin. wah. nakakahiya naman.
So ito na yung mga magkakatabi sa Bus.
sa pinaka'likod si
Lorshey-Eljhey-Pola-Agatha-Liezel-Jubx (New sa Gals. Ate ng section namin)
Jerome-Ako Jaimie-Aldrin
Dine-Prince Yanna-Bryle
April-Jc Luke-Char
tapos mga 5 seats away samin
Addland - Christine
halos wala kami ginawa buong byahe kung di kumain at magtawanan. Soundtip din tapos Picture taking. Nakita ko si Addland tumayo. Lumipat siya ng pwesto. May mga vacant seats pa kasi eh.
For sure nag away na naman sila.
Si Jerome. Ayun pinipicturan ko. Tulog kasi siya eh. Bakit na naman siya napuyat shit ang gwapo niya lang.
Yehey! Finally andito na kami sa EK.

BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Best Friend.
Fiksi RemajaA True Story. Story of my Life. *Somehow..