I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 12.

1.2K 19 0
                                    

Chapter Twelve. 

AYA's POV

Aww. 12:42am na pala. Andito na ako sa room ko. Hinatid siguro ako ni Jerome sa bahay. Buti na lang andiyan siya para sakin. Kung hindi, hindi ko alam gagawin ko kanina. Masyadong masakit yung mga nakita ko. Hindi ko na alam mararamdaman ko. 

Pero kelangan kong magpakatatag. Kelangan kong wag mag pa'apekto kasi masasaktan lang ako. Madaming maaapektuhan. Hindi lang naman siya ang meron ako eh. Andiyan pa mga Cousins ko. Ang GALS. and DOTA BUDDIES. Kaya yang mabuhay na wala ako. Kakayanin ko din na wala siya. 

..Knock knock.. 

Pumasok sila sa room ko. Nako mukhang alam ko na yung mapag uusapan nito.  Nag kwentuhan kami. Oo about dun sa pag lipat ni addland. Madami kaming napag usapan eh. Pero okay na ako. Sinabi ko sakanilang kakayanin ko. Para sakanila, para sa sarili ko.. 

>>FAST FORWARD. 

1 week after Prelims.. 

Kakatapos lang ng Prelims namin. Medyo madali lang siya.Wala naman kasi masyadong nangyare. Uhhmmm. Wala nga ba?.. Nag iiwasan pa din kami ni Addland. Tapos si Christine ang sama palagi ng tingin sakin. Wow ha?! Siya pa may ganang magalit. HELLO ako po INIWAN. Sa Gals and Dota Buddies nako madami. Nagkaka developan na yung iba. 

Jaimie-Aldrin (Sila naman talaga matagal na eh. Magkakababata kasi sila) 

Dine-Prince (Mag M.U na..) 

Yanna-Bryle (Aso't Pusa)

April-Jc (Nililigawan ni Jc si April)

Char-Luke (In denial pa. pero parehas naman gusto isa't isa)

Yung mga pinsan ko. SINGLE syempre. Choosy kasi yang mga yan eh. Tska kasi diba alam niyo naman yung priority namin. Yung career namin. Ayaw namin ma'stress sa Lovelife. Pero madaming umaaligid sa mga yan. gaganda kasi eh. 

Samin ni Jerome. Ayun ewan ko ba.. Lately, napapadalas yung pagsasama namin. Tinutupad niya yung promise niya na lagi lang siyang andyan for me. Tapos kinikilig na din ako minsan sa ka'sweetan niya. Eh kasi grabe kaya siya manlambing, Pero sakin lang. Wala pa din siyang pagbabago sa pakikitungo sa ibang tao. Snob pa din siya. Tapos sinusungitan niya yung mga Gals. ewan ko ba dito.

Hindi ko sure. Pero masaya ako when he's around. masaya ako compare dati. Mas masaya ako sa kung ano kami ngayon. I mean, mas close na kasi kami ngayon. Aso't Pusa pa din pero. Abnormal kasi yung nilalang na yun eh. Pero iba na yung nafi'feel ko sakana ngayon. Ewan pero mas lumalim na sa pagiging Bestfriend yung tingin ko sakanya. Ayuko namang mag Expect or magbigay ng malisya masasaktan lang ako. Tska BESTFRIEND ko siya. Impossibleng ma'fall siya sakin. Yun pa. Hindi ko nga alam kung nagmamahal ba yun bukod sa sarili niya eh. 

"Before i dismiss you.. I have an important announcement.." 

Ano kaya yung announcement? Ililipat na si Addland ng school. wahaha. Bitter ko amp.

"Dahil maganda ang result ng Prelims examination niyo. You will all go to Enchanted Kingdom. Free na ang transportation niyo.. "

"YEHEY!" nagsisigawan na naman ang klase. Tuwang tuwa. Parang mga bata. Sabagay nakaka'Excite nga naman yun. 

"Sus.." Pag tingin ko kay Jerome parang wala siya sa mood. Parang hindi siya masaya sa sinabi kanina..

"Ano na naman problema mo. Bakit parang hindi ka masaya?.." 

"Wala lang." Wala lang. Wala lang ba yung ganyang reaksyon niya. Hay nako napaka moody talaga nito.

"This coming Saturday na yan ah. Walang mawawala. Have fun. Dismiss" 

Yehey! Dismissed na kami. Anong araw ngayon.. Thursday na. So isang araw na lang then whoalaaa... EK na. 

"Hoy lalake. Sumama ka ah."

"May choice ba ako.." 

Yun naman pala eh. Sasama din naman pala siya. Aarte arte pa. Uwian na naman yehey. Pag thurs kasi hanggang 2pm lang kami.. 

Umalis na yung iba. Kaming Gals pumunta sa canteen. Susunod na lang daw yung Dota Buddies dun. Naglakad kami. Syempre san pa ba kami pupunta kung di dun sa favorite naming resto.  

Nakasunod sa likod namin ang Dota Buddies. Syempre no choice sila. Yung mga cousin ko nga pala. Uhmm. Absent sila today and tomorrow kasi may important daw silang project na pupuntahan alam niyo naman yun. Sinasama sana ako kaya lang hindi muna ako sumama. Tambak na nga yung project na pending sakin eh. Jusko po, pano ko kaya matatapos yung mga Photoshoot. Commercials and kung ano ano pa.. 

Nauna na yung Gals and Dota buddies sakin. Nag Cr pa kasi muna ako eh. Syempre alam na. Tapos Retouch din. 

Pagkalabas ko ng Cr ilang steps pa lang nagagawa ko..

"Araaay!" May humila ng kamay ko. Siguro si Jerome na naman to. napaka Brutal talaga nun. Nung isang araw lang kinotongan ako. Ngayon naman hahatakin lang ako basta basta.

"Ano ba wag mo ako kaladkarin.." Oo tama. Kinakaladkad niya ako.. Sino ba to..

O.O

O.O

Shit. Si.. si.. si.. si ADDLAND. 

Bakit? Anong kelangan niya sakin. Nako lagot ako nito kay Jerome ayaw niyang nakikita akong kasama to. Nangako ako sakanya eh. Magagalit na naman yun.

Pero wait, Si addland hawak yung kamay ko. ULIT. oh may gosh. Ang tagal kong hinintay na hawakan niya ulit yung kamay ko.. 

"Bitawan mo siya.." Kay.. kay.. kay Jerome na boses yun. Patay na naman ako. Im dead. 

Napatigil kami ni Addland sa paglalakad. 

Hinawakan ni Jerome yung kabilang kamay ko. Si addland naman sa kabila. Waaaaaaah! HELP!

Addland-Ako-Jerome. *basta ganyan..*

"Bitawan mo siya.." sabi ni Jerome. Wala akong masabi ipit ako sa sitwasyon..

"Ayoko.." Addland bakit? Bakit ayaw mong bumitaw?..

"Sinabi ng BITAWAN MO SIYA EH!" halaa galit na si Jerome anong gagawin ko. Nakakatakot siya. Seryoso. 

O.O

"Aya please. Magusap tayo. Kelangan nating mag usap.." 

O.O

Oo kelangan nga naming mag usap. Ang tagal ko ding hinintay sabihin niya yan..

"Aya, sumama ka sakin sasaktan ka lang ulit niyang lalaking yan.." Jerome wag mo ko pahirapan.

"Aya please.. please. mag usap tayo nagmamakaawa na ako sayo.." ito naman yung gusto ko db yung mag makaawa si Addland.  Pero bakit nasasaktan ako.. 

"Goodgirl.. tara na.."

Hindi ko alam hindi ko na alam.. ang gulo. Kapag namili ako may masasaktan.

"T*ngina pare sinabing bitawan mo na si Aya eh.." Galit na galit na si jerome. Pero si addland. yung itsura niya mukhang may importante talaga siyang sasabihin.. 

Bahala na..

"GoodBoy.. Magkita na lang tayo mamaya.." Shit! Magagalit sakin to.. 

Tinignan ko yung reaksyon niya. O.O gulat na gulat siya. binitawan niya yung kamay ko. 

Yung tingin niya halatang nasaktan ko siya. Lumakad siya papalayo. SORRY. SORRY GOODBOY.

A**hole naman naiiyak na ako. Nasaktan ko si Jerome. 

Hawak pa din ni Addland yung kamay ko. Naka ngiti siya.. Naglalakad kami.. papunta sa garden sa school. Malaki kasi yung garden eh. 

Umupo kami sa isang Bench. 

"Addland/Aya" 

"Sige mauna kana.." pinauna ko na muna siya.. 

"Thankyou.. Thankyou for choosing me." 

"Wag kang magpasalamat. Nasaktan ko si Jerome.. Kelangan lang talaga nating mag usap.."

"Oo nga kelangan talaga.."

I Fell In Love with My Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon