Chapter Twenty Nine.
AYA's POV.
Ang daming pagkain may Hotdog may grilled Liempo daming chips.
Lahat kami nasa pool. Nagkukulitan. Naglalaro. Hapon pa siguro mga 5 pm. Picture picture.
Meron ding karaoke. Nag aagawan kami sa Mic. Ang saya kaya kumanta.
**Fastforward.
Mga gabi na 8 pm na siguro.. Night Swimming. Hindi pa din natatapos ang kantahan. Yung iba nag iinuman pero tanduay Ice lang. Hindi naman kasi kami mga lasinggera eh.
Umakyat muna ako. Icha'charge ko kasi yung phone ko kasi Lowbatt na. Nakita ko si Addland lumabas ng room nila ni Christine.
"Hi.."
"Hello." Ang awkward lang eh.
Nag smile siya..
"Can we talk..."
Binuksan ko yung pinto. Pumasok ako tapos sumunod siya..
Sobrang awkward kaya.. Umupo siya dun sa sofa bed. Tapos ako naman umupo dun sa kama..
"Ang awkward.." Napatingin siya sakin nung sinabi ko yun.
"Oo nga eh.."
Tapos nag nod na lang ako..
"Sorry"
Napatingin ako sakanya bakit siya yung nagsosorry. Di ba dapat ako?
"Bakit ka nagsosorry?"
"Dahil sa pang iiwan ko sayo dati. Dahil sakin nasaktan ka.."
Ahh yun ba yun..
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang yun. Sa totoo lang masakit talaga eh. halos araw araw sinasampal ko yung sarili ko para magising sa katotohanang wala ka na. na wala na tayo.."
"Sorry Aya. Hindi ko sinasadya na'explain ko naman sayo kung bakit diba? Hindi ko ginusto to. Mali. Ginusto ko to dahil mas pinili ko siya kesa sayo. Pero hindi ibig sabihin nun na mas mahal ko siya kesa sayo.. Aya araw araw sinisisi ko yung sarili ko sa pagkakamaling nagawa ko. Hinihiling ko na sana mabalik ko yung oras.."
Napatigil siya. Lumapit siya sakin tapos tinabihan umupo din siya sa kama. Magkatabi na kami.
Sa totoo lang nakakailang yung moment namin ngayon pero may pinag samahan din naman kami eh. We can be friends.
Parehas kaming tahimik. Nagkakatinginan. Ngingiti tapos iiwas na naman ng tingin. Awkward nga kasi diba. tahimik siya.. Magsasalita na nga ako.
"Alam mo mahal ka ni Christine.."
"Pano mo naman nasabi?.."
"Kasi ang babae pag nagseselos yan ibig sabihin mahal ka niyan. Ayaw ka lang niyang mawala sakanya.."
"Ah okay.."
Tumingin ako sakanya. Nakayuko lang siya..
"Masaya ka ba?.."
Tinignan niya ako.. Serious face siya..
"Alam mo.. Akala ko hindi na ako sasaya pa nung nawala ka.. Masyado ko yata kasing na'focus sayo yung buhay ko eh.."
Tapos tumawa ako.. narinig ko tumawa din siya..
"Pero nung dumating si Jerome sa buhay ko. Alam mo yung feeling na hindi ako natakot.. Hindi ako natakot kasi alam kong hindi ako nag iisa. Siguro nga kaya hinayaan ni lord na mangyare satin yun kasi alam niyang may nakalaan na iba para satin. Siguro alam ni lord na hindi talaga tayo sa isa't isa.."
"Siguro nga.. Kaya lang si Lord naman hindi pa nilagyan ng extension.. "
AHAHAHAHA. Nag tawanan ulit kami..
"Friends?.." Inabot niya sakin yung kamay. Nag shake hands kami.
Sa wakas wala na akong problema.. Okay na ako sa ganto kami. Atleast nasabi ko na sakanya yung gusto kong sabihin..
Palabas na kami ni Addland.. Shit Pag bukas ko ng pinto si..
Jerome..
JEROME's POV.
Paakyat na ako ang tagal naman ni Aya. Icha'charge lang yung phone niya ang tagal tagal.
Bubuksan ko na sana yung pinto.. Kaya lang biglang bumukas. pagkakita ko. Si Addland nasa room namin. t*ngina. magkasama sila.
Shit aya ilang linggo pa lang tayo papalitan mo na agad ako. T*ngna siya pa..
"Mauna na ako ah.." Bumaba na si Addland.
Amp naman. Ano nakuha na niya ulit si Aya kaya bababa na siya?
Pumasok ako. dire'diretso lang. Hindi ko pinansin si Aya.
Chinarge ko yung Psp ko tapos kumuha ng damit pamalit.
Umupo si Aya sa kama. Ngingiti-ngiti pa siya. Kung alam lang niya nakakainis yung ginawa niya..
"Babe. I know you're jealous. wala yun. Sinabi ko lang sakanya kung gaano ako kasaya ngayon.."
Amp. Nakakainis. Hindi ko siya pinapansin..
Lumapit siya sakin. Umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan yung cheeks ko..
"Don't you trust me?"
"Eh bakit kasi kelangan sa kwarto pa kayo mag usap. Nang kayong dalawa lang. Pwede niyo namang pag usapan yan kasama kami ah."
Nagpa'cute pa siya. AMP talaga lalo akong naiinis eh.
"You're so cute when you're Jealous.."
Tapos pinisil niya yung cheeks ko. ARAY masakit po.
*smacked*
"3 words Babe."
Shit. *blush* Kinilig ako dun ah.
"Isa pa.. Kiss mo ko ulit.."
Nakaka'bitin naman yung kiss niya sakin.. Amp ang manyak nung dating..
"No.. Wala na.. tara na sa baba.. we're missing the fun.."
"I don't care about the fun there.. Basta kasama kita Masaya na ako kahit saan. Ikaw lang kumpleto na ako.."
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Best Friend.
Teen FictionA True Story. Story of my Life. *Somehow..