Chapter 9

9 0 0
                                    

Natalie's POV

Flight na nila mom and dad later. Iiwan na talaga nila ako for good and it really gives me a heart ache. Currently, I'm here at my house and my parents are fixing theirselves and getting ready for their flight later.

"My dear, don't be sad na ha? Remember na we're doing this for you" Nakaupo kami ngayon ni mom sa kama ko. Hinawakan niya ulo ko at nilagay niya sa shoulders niya.

"Yeah yeah I get it" deep inside, naiirita parin ako

Pumasok si dad sa kwarto ko then he hugged me. "Anak, don't worry di mawawala yung communications natin sa isa't isa. We can video call everyday as long as we are not busy. Ha? Nandiyan naman yung dalawang matitipunong lalaki para alagaan at protektahan ka." Saktong pumasok si nathan at dom sa kwarto ko. Nakita kong kinindatan sila ni dad. Ngumiti naman yung dalawa.

"Yes dad." Yun nalang nasabe ko sa dad ko

- - - - - - - - -

Nandito na kami sa airport. Aalis na ang parents ko. Di ko mapigilan tumulo ang mga luha ko sa mata ko. Nasasaktan ako at aalis na sila. Hindi ko alam kung kakayanin kong mag-isa. Naalala ko tuloy yung sinabi nila nung bata ako

*FLASHBACK*

Tumatakbo ako paikot dito sa garden namin. Ang bango talaga ng mga bulaklak. Kasabay sa aking pagtakbo, ang mga paro-paro na mistulang sinusundan ako. Pakiramdam kong napakasaya ko.

"Ahhh! Tama na nakikiliti ako ma! Hihihi" Napatigil ako sa pagtakbo ng mahabol ako ni mom at kinikiliti niya ko. Napaupo kami sa damuhan.

"Ito na ang power tickle! Wee" sabay galaw ng mga kamay at daliri ni mom na parang airplane at biglang tumama sa tiyan ko. Biglang lumapit si dad at niyakap kami ni mom.

"Mom and dad, is this forever?" ako

"Ang alin dear?" mom

"Yung happiness po natin. We're so happy mom and dad! ayyhihi!" kiniliti ulit ako ni mom

"Oo naman anak. Forever to" dad

"So di niyo po ako iiwan?" ako

"Of course we'll never leave you" mom

"Promise?" ako

"Yes anak" sabay nila sinabi. Tinaas ko pinky ko at nakipag-pnky swear kina mom and dad

*END OF FLASHBACK*

I think that promise is now going to end. Hindi nila tinupad yun. Napaupo nalang ako sa bleachers at tuluyan umiyak. Yumuko ako para di masyadong mapansin ng ibang tao na umiiyak ako. Mamaya kasi may makakilala sakin dito at kunan pa ko ng litrato.

"Dear, we need to go already. Don't cry na. Diba napag-usapan na natin to?" mom. Tumingala ako at tumingin sa mga mata ni mom

"Bat ba napakadali sa inyong iwan ako?" pinunasan ko yung mata ko

Lumapit si dad at tumabi sa akin "Mahirap sa amin na iwan ka. Pero kailangan namin anak. Sana naman mainitindihan mo na kami. Ilang araw namin pinag-isipan to bago namin mapagdesisyunan ito. Mahal ka namin anak. Hindi sa lahat ng panahon ay makakasama mo kami. Masanay kang wala kami sa tabi mo para lalo kang lumaking responsable."

"Opo" Pinunasan ko ang mata ko at tumayo. Tama nga ang sinabi ni dad. Hindi sa lahat ng panahon nandito sila sa tabi ko. Pilit akong ngumiti upang kahit paano ay malaman nila na naiintindihan ko na sila. "Sige bye mom and dad. I love you po. Mag-skype tayo lagi ah? Dapat padalhan niyo ako ng chocolates. haha! Joke lang. Sige alis na po kayo at baka maiwan kayo ng eroplano." Ngumiti ulit ako. This time, hindi na pilit.

Past meets Present, Present meets FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon