Natalie's POV
Matagal-tagal narin nung huling nagparamdam sa akin si Nikko. Nakakamiss din pala yung makulit na yun noh? Ngayon kasi ang kasabay kong pumasok sa school ay sina weirdo at nathan. Buti nung isang araw, sinamahan ni nathan na mag-enroll sa school ko si dom. Nakakatuwa nga eh, nag-aaral si Dominic sa Dominican. Dinagdagan lang ng "-an" haha! Okay natuwa ako dun. Sorry ang babaw ko :(
"Hey baby ano ang nginingiti-ngit mo diyan? Para ka na tuloy baliw?" nathan. Hay nasanay na tuloy si nathan na itawag sakin "baby" pero okay lang. Natutuwa din ako hihi joke =))
"Ah wala lang may naalala lang ako." nakakapagtaka kung bakit ako naglalakad eh may lamborghini naman ako. Ayaw ko kasi ipahalata sa iba na sobrang yaman ko. Mamaya may kumidnap pa sakin at humingi ng ransom. Pero alam ng iba na may-ari ko yung Sy Malls sa Makati. Obvious naman kasi sa last name ko haha.
"Baby may napansin akong car dun sa garage niyo nung naglalakad-lakad ako sa house niyo. Cool siya pero di ganun ka-cool sa car ko haha" nathan. Sabagay sobrang high-tech na ng mga bagay sa panahon nila. Feel ko nga lumilipad na mga bagay dun eh haha
"Heh! Cool ko mukha mo!" ako. Nandito na pala kami sa school namin.
"Bes! Nalate ka ata ngayon ah?" annie
"Sorry ang tagal kasi nitong mga kasama ko." ako. Nanlaki mata ni annie nung nakita niya yung dalawang kasama ko. Sabagay, pogi sila kaya di maiiwasan na magulat siya.
"Sino yung isa?" sabay turo kay dom
"Siya si Prince Dominic Lee. Napadpad lang dito sa maynila, nawawala kasi siya eh. Kawawa naman kaya inampon ko. Haha joke! Basta, old friend ko siya." sabay ngiti kay annie. Sana maniwala siya sa sinabi ko.
"Ah okay! Tara dalin na natin sila sa tambayan!" wooh! Buti naniwala si bes.
Yung barkada ko kasi tinatawag ng ibang student sa campus na "Popular kids" kasi halos lahat sikat. Yung iba varsity player, kasama sa dance troupe o kaya naman pinakamatalino sa buong batch namin. Pero di ko masyado iniisip yun, sabi ko nga sa kanila na dapat walang snob at dapat feel like ordinary student. Dapat pantay-pantay. Naks! Bait ko ba? :) Uhm ako isa ako sa mga varsity player. Volleyball is my sport. Nakaktuwa nga eh, kasi may mga nagpapapicture at nagpapa-autograph sakin. Pero di ko hiniling maging sikat. Gusto ko nga maging normal lang. Pero wala eh, ganito na ko eh haha. Nandito na kami sa tambayan yey!
"Uy guys ito nga pala si Prince Dominic Lee, just call him weirdo este Dom pala! haha" bigla ba naman ako siniko nitong weirdo na 'to
"Baby di mo ba ko ipapakilala sa kanila?" nathan. Magsasalita na sana ako ng bigla tumayo si nikko sabay sabi "Anong baby? Landi mo!" sabay walk-out. Hala ano problema nito? Akala ko ba okay na kami?
"Ikaw kasi eh! Wag ka nga mag-baby sakin kapag nandito si nikko. Kakabati nga lang namin eh. kainis ka!" sabi ko kay nathan tapos hinabol ko si nikko.
"Nikko saglit lang!" ako. Buti tumigil siya
"Ano? Pinalit mo na ko dun? Samantala ako, isang taon na kong nanliligaw sayo pero di mo ko sinasagot pero siya kakakilala niyo lang, sagot agad?" nikko
"Hindi naman kami eh. Tawag niya lang sakin yun. Kaibigan lang turing ko sa kanya!" ako
"Talaga lang ah? Landi kasi niya eh. Baby daw? Kainis!" nikko
"Chill lang. Kabarkada na natin siya. Sana naman matanggap mo siya." ako
"Oo na. Since kaibigan mo, kaibigan ko din" sabay yakap sakin ni nikko
- - - - -
Uwian na. May mga lumapit na mga estudyante sakin, magpapapicture daw. Pumayag naman ako. Ayoko maging snob sa iba noh? Ganito nalang lagi set-up tuwing uuwi ako. Kawawa tuloy sila nathan at weirdo nag-aantay sa gilid haha. Sa wakas naubos narin sila!
BINABASA MO ANG
Past meets Present, Present meets Future
Teen FictionNo relationship is perfect. There are lots of obstacles and challenges you have to encounter. All of these are just tests, just to say that you really have a strong relationship. Si Prince Dominic Lee ay isang prinsipe na nag-aaral sa Thompson Univ...