Dominic's POV
Tok tok tok! Ugh sino ba yung katok ng katok sa pintuan ko? Inaantok pa ko eh.
"Oy weirdo gumising ka na baka ma-late na tayo!" alie. Ayan na naman siya. Ang ingay niya talaga!
"Oo na, lalabas na ko!" ako
"Ay shi-" sabay takip ng mata ni alie. Ano ba problema nito? Patakip-takip pa ng mata. Pagtingin ko sa katawan ko, hala! Wala pala akong pang-itaas. Dali-dali kong sinara yung pinto at nagsuot ng pangtaas. Naalala ko nga pala kagabi, nagshower ako tas humiga na ko agad. Nakalimutan kong magsuot ng pang-itaas dahil nakatulog na ko. Lumabas ulit ako sa kwarto ko.
"Sorry. Nakalimutan kong magsuot ng damit kagabi. Nakatulog na kasi ako." ako
"Sus. Sabihin mo lang manyak ka! Baba ka na nga para makakakain ka na" alie
Di nalang ako nagsalita kasi alam kong gulo na naman aabutin namin. Pagkatapos ko kumain, naligo na ko. Tapos umalis na kami papuntang school.
"Alam niyo bang dalawa, minsan naiisip ko kung sino sa inyo ang pipiliin kong isasabay ko sa kotse ko. Kasi pangdalawahan lang yun eh. Eh kaso, tatlo tayo. Kaya di ko rin magamit yung car ko" alie
"Ako nalang baby!" sabay akbay kay alie. Kainis tong lalaking to. Nilalandi si alie ko. ANO? ALIE KO? Erase erase. Kadiri naman yun. Bakit ko yun nasabi. Hay
"Ako nalang. Di pa ko nakakasakay sa kotse kailanman" ano ba yan. Bakit ko yun nasabi? Mukha tuloy akong ignorante. Sabagay, totoo naman yun eh. Kasi noong panahon namin walang ganun.
"Oo nga! Ikaw nalang isasabay ko bukas para maranasan mo yun. Kawawa ka naman eh" nag-pout si alie. Cute niya din pala. Ha? Eww ano ba pinagsasabi ko. Kanina pa ko -.-
"Eh pano ako baby? Iiwan mo lang ako dito?" makikita mo sa mukha ni nathan ang pagkadismaya. Parang natalo sa pustahan. haha buti nga!
"Nathan, intindihin mo nalang tong si weirdo. Di pa siya nakakasakay sa kotse. Eh ikaw nga ata nakasakay ka na sa mga lumilipad na sasakyan eh" alie
"Sabagay. hehe" nathan
Nandito na kami sa school. Hay naku may mga babae na naman ang lumapit sakin. Pa-picture daw. Di ko nga alam ang picture eh. Basta ginagaya ko nalang yung ginagawa nila alie at nathan. Ngumingiti sa harap ng cellphone. Ayan, wala na sila. Muntik pa kami ma-late!
Discussion..
Discussion..
Jusko! Wala naman akong maintindihan. Ang hirap ng lessons! Wala pa nga kaming ganito sa panahon namin eh. Buti pa tong si nathan, patulog-tulog nalang. Mukhang madali lang sa kanya kasi advance na sa panahon nila. Di tulad samin, late!
Lunch na! Buti naman at tapos na mag-discuss. Nakakaantok kasi. Sumabay na ulit si alie dito sa mga kaibigan niya. Ang dami! Wala naman akong halos ka-close maliban sa mga kaibigan niyang babae. Infairness, ang gandang mga binibini 'to. Sarap paglaruan haha joke!
"Bes! Buti sumabay ka na sa amin!" annie
"Sabi mo kasi eh haha!" alie. Ang ganda ngumiti ni alie. Hay ano ba naiisip ko!
"Oy pare! Welcome sa club!" sabay shake hand sakin nitong unknown person na to. "Ako nga pala si James! Kasama ako sa dance troupe"
Ah james pala pangalan niya. "Ako nga pala si Dominic. Tawagin mo nalang akong Dom or Nick"
"Nick nalang itatawag ko sayo. Sige bye na! Kailangan na namin umalis, magppractice pa kami." james
Lima ata silang umalis. Sasayaw daw. Makaupo na nga.
BINABASA MO ANG
Past meets Present, Present meets Future
Teen FictionNo relationship is perfect. There are lots of obstacles and challenges you have to encounter. All of these are just tests, just to say that you really have a strong relationship. Si Prince Dominic Lee ay isang prinsipe na nag-aaral sa Thompson Univ...