Author's Note:
Thank you for reading! Sorry natagalan yung UD. More readers po sana huhu :( Para ganahan ako ng unti sa pag-update. Thanks again :)
- - - - - -
Dominic's POV
Natatakot ako ngayon. Pano ba naman wala akong kaalam-alam sa mga bagay ngayon. Paikot-ikot tingin ko habang naglalakad ako dito sa university ni pangit (Alie). Wow ang ganda nun ah! Wait mas maganda yun. Ito pala yung pinakamaganda! Nakakatuwa naman sa panahon na 'to. Siguro kung dinala ko 'tong mga gamit sa panahon ko, baka maging sikat na kong imbentor. Hahaha! Teka nga, ang ganda nito ah..
"Oy weirdo kanina ka pa nakangiti at nakatitig diyan ah?" alie
"Ang galing kasi may mga letra sa loob ng kahon! haha!" ako. Nagtawanan sila manong (nathan) at pangit. Aba ang sama nila ah!!
"Haha! Hey dude, you don't know that thing? That's a computer. You have no common sense. You're so ignorant. Mukha kang tanga! Hahaha!" nathan
"Oy manong ikaw ang tanga! Kasalanan ko bang wala kaming ganito sa panahon namin? At ano ba ang common sense? And by the way, I'm a prince so treat me like one!" ako. Aba nagtawanan pa lalo 'tong dalawa. Naiirita na talaga ako sa dalawang 'to. Walang galang! Ipapaputol ko mga ulo nila eh. Iuutos ko 'to sa amang hari ko.
"Ang benta mo weirdo! Teka nga, diyan ka lang ah? Wag ka magliwaliw, mahirap na napaka-ignorante mo.. mamaya ngumi-ngiti ka mag-isa diyan sa sobrang pagka-amaze mo sa isang bagay. Teka pahawak nga 'tong phone ko para kapag nawala ka matatawagan ka namin ni nathan. Bye!" alie
"Oy teka lang! Di ko ala-" ako. Hay kainis iniwan na talaga ako nila dito. Di ba nila alam na hindi ko alam kung ano yung phone na sinasabi nila? Teka ito ba yong hawak ko? Mukha nga! Pano ba 'to? Ay shit biglang tumunog! Nabitawan ko sa sobrang gulat ko.
"Ay nalaglag!" ako. Napalakas ko ata sigaw ko nakatingin lahat ng tao sakin, lahat sila nagbubulungan. Hay nako, isa-isa ko sila ipapakulong sa amin eh! Pano to? Nakaupo ako sa lapag tinititigan yung phone habang nagriring tas tinutusok tusok ko. May mga naririnig akong nagtatawanan sa gilid ko.
"Abnormal ata yung lalaking yun oh? Nakaupo sa sahig habang tinutusok tusok yung phone. Parang nandidiri na ewan! Hahahaha" girl 1
"Oo nga eh. Sayang pogi pa naman. Pero parang naka-drugs! Lakas ng tama! Hahaha" girl 2
Bigla akong tumayo at nilapitan ko sila "Hoy kayong dalawang binibini! Tama bang pagsalitaan ninyo ang prinsipe ng ganyan? Di niyo ba ko nakikilala? Prinsipe ako ng maynila kaya galangin niyo ko kung ayaw ninyong ipapugot ko ang ulo niyo!" ako. Lalo silang nagtawanan pati yung mga taong nasa paligid ko. Aba'y lalo pa silang tumawa. Naiirita na talaga ako sisigawan ko ulit sila sana kaso..
"Oy weirdo ano na namang skandalo ang pinaggagawa mo? Pinagtatawanan ka ng tao! Taga-comedy bar ka ba at lahat talaga sila natawa sa biro mo? Haha" alie. Sabay hablot niya sakin palayo sa mga nagkukumpulan na tao.
"Pasensya na ho sa gulo na ginawa ng kaibigan ko. Naka-inom lang siguro 'to!" pasigaw na sinabi ni alie sa mga tao.
Naglakad na kami papunta sa di ko alam.
"Bakit ba kasi binigay mo sakin yung phone? Anong malay ko ba dun? Sa tingin mo ba may ganun na sa panahon namin? Ipapakulong kita sa haring ama ko!" ako
"Hahahaha! Benta mo talaga weirdo!" sabay kurot sa pisngi ko ni alie.
"Tigilan mo nga yan! Di mo ba alam na pinagbabawalan 'yan sa batas?" ako
"Chill!! Oa mo naman! Halika nga, sama ka sakin punta tayong mall. Sama ka na din sa kin nathan!" alie
"Teka. Anong mall? Mamaya, ilalagay mo na naman sa panganib ang buhay ko!" ako

BINABASA MO ANG
Past meets Present, Present meets Future
Roman pour AdolescentsNo relationship is perfect. There are lots of obstacles and challenges you have to encounter. All of these are just tests, just to say that you really have a strong relationship. Si Prince Dominic Lee ay isang prinsipe na nag-aaral sa Thompson Univ...