A/N

171K 2.7K 81
                                    

Ang mga pangalan,lugar at mga characters po sa loob ng book na ito ay mga pawang kathang isip ko po lamang.Hindi po sinadya sa mga tunay na pangyayari.

Copying in any form of my story is strictly prohibited and translation to any languages is a crime and not allowed!!!

All the image inside this book is not mine!!.

Wala pa po akong edit ginawa sa story na to kaya kung may mapansin kayong mga maling word or grammar feel free po na itama nyo sa pamamagitan ng inyong mga comments thank you and godbless sana magustuhan at mapakilig ko kayong lahat.

This book is needing major major editing so ngayon palang humihingi na ako nang pasensya kung minsan hindi nyo maintindahana or there's have a grammatically error kasi naman ito ang unang book na naisulat ko,kaya pasensya na..But I slowly EDITING na hehhehe para naman ung mga susunod na mag babasa hindi mahirapang basahin,...

To all my readers:

Please support my stories to write your comments and press the star sign bellow a👇,Please guys support me as an Author I really need that.Thank you so much and I love you all.

ALBENIA26









----------Chapter one------

Mainit na sikat ng araw ang lalong nagpapatindi ng uhaw na nararamdaman ni arrabella kasalukuyAn niyang binabagtas ang walang katapusang kalye ng manila.

Hindi naman siya makabili kahit isang maliit na bote ng mineral water dahil 20pesos nalang ang laman ng kanyang maliit na wallet pamasahe lang ang dala niya ng umalis sa kaniyang probinsya sa bicol dahil sa sobrang hirap ng buhay napilitan siyang lumuwas ng manila para maghanap ng trabaho.

Tutol man ang kanyang mga magulang wala namang magawa ang mga ito kundi payagan siya binilinan siya ng mga ito na laging magiingat dahil ibat ibang uri ng tao ang makakasalamuha niya.

Hamak na magbubukid lamang ang kanyang ama katukatulong naman nito sa bukid ang kanyang ina.

May dalawa pa siyang nakakabatang kapatid na parehong nagaaral ang sumunod sa kanya ay forth year highschool na ang bunso ay asa grade school pa at dahil din sa kakapusan ng pera hindi na siya nakapag kolehiyo.

Pag ka graduate ng high school nagtrabaho na siya sa isang maliit na grocery sa kanilang bayan para kahit papano'y makatulong siya sa kanyang mga magulang sa gastusin sa pagkain at pagaaral sa kanyang mga kapatid.

Kaya kilangan sa araw na ito makahanap siya ng trabaho dahil kung hindi sa kalye siya tutulog.

Sa kabilang bagahi ng kalye may na kita siyang hindi kalakihang building my malaking salitang nakasulat sa unahang bahagi nito.

"Agency.."mahinang Anas niya

Nakahinga siya ng maluwag tiyak may mga trabaho siyang pwedeng aplayan sa agency kahit anong trabaho basta marangal.

Dali dali niyang tinungo ang maliit na building nakangiting bumati sa kanya ang isang security guard.

Magandang hapon miss anong kailangan muh?

"Ah magaaply sana ako ng trabaho."

"Ah sige pasok ka.." anito na binuksan ang salaming pinto.

"Salamat.." aniya na pumasok sa loob.

Madaming tao siyang madatanan sa loob ng opisina my kanya kanyang dalang envelope marahil mga aplikante rin ang mga ito karamihan ay puro mga babae may mangilan ngilan siyang nakitang halos di nalalayo ang edad sa kanya pero marami ang mas may edad na.

MY LOVE,MY SUPLADONG BILYONARIO [ The Montillano Saga BOOK 1 ]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon