[SIX]

67.4K 1.7K 34
                                    

Isa Isang ibinaba ni arrabella ang mga paper bag na naglalaman ng kanyang mga bagong damit.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya binilhan ng mga bagong damit ni senyora Teresa.Ang akala niya'y magpapasama lamang ito sa kanya ngunit ng makarating sila sa mall pinag sukat siya nito ng mga damit at ito pa mismo ang pumili ng mga damit para sa kanya.

Tumangi siya ngunit mapilit ito at sinabing wag siyang magalala dahil hindi iyon ibabawas sa kanyang sweldo,at ang isa pang pinagtataka niya ng sabihin nito na ang gusto nitong suutin niya sa araw araw ay ang mga bagong damit ni binili nito.

Inabot niya ang isang paper back at kinuha ang isang dress mula doon,
Nakangiwi siya ng makita ang style ng damit kulay dilaw na kung susuutin niyay aabot lamang sa gitna ng kanyang hita.

Natatakot at kinakabahan siya sa mga tingin at kilos ng ginang,pero ikinibit balikat nalang niya,napaparanoid lamang siguro siya.



<<<<<<<<

"Anong pinakain mo kay mam Teresa at napakabait niya sayo.." ani Anne na lumapit sa kanya sa harden kasalukuyAn siyang nagdidilig ng mga tanim na halaman,ramdam niya ang inis sa tono ng pananalita nito.

Itinigil niya ang ginagawa at hinarap ito nakapamewang ito sa harapan niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo ang alam ko lang mabait si mam Teresa."

"Oh talaga dahil tinagal tagal namin dito ni Isa samin wala siyang binilhan ng kung ano-ano maliban sayo na kibago bago sumisip-sip agad."At ikaw lang ang pinayagan niyang magsuot ng normal nadamit at hindi uniform ng pang maid"!anito na tiningnan siya mula ulo hangang paa.

Isang T-shirt na v-neck ang suot niya na tinirnuhan niya ng pantalon na binili din ng ginang para sa kanya.

"Alam mo Anne hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo mo sakin wala naman akong naaalalang ginawang masama sayo."

Nakita niyang inirapan siya nito, kung pwede lang gusto niyang dukutin ang mga mata nito,pero pinigilin niya ang sarili ,pamangkin parin ito ni manang Elisa napakabait ng matanda sa kanya at ayaw niyang masira ang samahan nila dahil sa empaktitang pamangkin nito.

"Basta sa tuwing nakikita kita naiinis ako sayo"!anito

"Pwede naman tayong maging magkaibigan kung gugustuhin mo"aniya


Hindi"Hindi,hindi mangyayari yon"! Anito na tinalikuran na siya.


Iiling iling namang sinundan niya ito ng tingin at sa di kalayuan natanaw niya si Austin na nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ito.Nakita niyang iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa kanya.


"Hi arrabella" nakangiting bati nito

"Hello Austin"

"Lalo kang gumaganda bawat araw na nakikita kita."turan nito.


Nag blush naman siya sa sinabi nito alam niyang nilalandi siya ng lalaki pero hindi niya ito papatulan gwapo nga ito at mabait pero hindi ito ang kanyang gusto may ibang gusto ang puso niya pero hindi naman pwede.

Pabirong hinampas niya ito sa braso"kaw tagala lakas mong mambola.."tumatawang turan niya,

Agad nitong hinawakan ang kamay niya at tumingin ng deretso sa kanyang mata.

"Arrabella kung papayag ka pwede ba kitang maayang mamasyal sa day off natin total linggo naman bukas "?


"No"

Anang baritonong boses mula sa likuran niya,agad siyang humarap at tiningnan ang nagsalita.Agad sumalubong sa kanya ang madilim nitong mukha.


MY LOVE,MY SUPLADONG BILYONARIO [ The Montillano Saga BOOK 1 ]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon