[FIVE]

66.8K 1.9K 60
                                    


Inis na inis na binagsak ni arrabella ang dalang bag. Unang araw palang ni Zach sa mansyon pero may mga bagay na agad itong ginagawa para inisin siya.

"Kung inaakala mung susuko ako nagkakamali ka".turan niya habang inaalis ang mga damit nito sa bag.

Mamahaling mga T-shirt at mga polo ang laman ng bag hindi na siya magtataka kong marami itong perang inaksaya sa pagbili ng mga mamahalin nitong damit.


At hindi niya inaasahan ang sunod niyang makukuha,itinaas niya sa tapat ng kanyang mukha ang maliit na signature brief nito.

Hindi niya alam kung malinis ito dahil sa itim nitong kulay at nanlaki ang mata niya sa isiping baka naisuot na ito ni zach.



Hindi naman siguro masama kung amuyin niya para makasigurado siyang malinis ito o marumi.



<<<

"Marina nakita mo ba kung nasaan si arrabella?" Tanong ni Teresa sa kasambahay na naabutan niyang naglilinis sa sala.

"Ah mam andun po siya sa washing area siya po ang katukang maglaba ngaun.." magalang na sagot nito.

"Ok." tugon niya na tinungo na ang washing area.







Arrabella

Marahan namang inilapit ni arrabella ang kaperasong tila sa kanyang mukha at inamoy.Na kampanteng walang makakakita sa ginagawa niya.

"What are you doing.."bulalas nang tinig mula sa may pinto.



Gulat na agad niyang binitwan ang hawak na brief at Pumatak iyon sa tilefloor Bago namimilog ang matang tinapunan nang tingin ang nag mamay ari ang tinig.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita si mam Teresa nanakatayo sa pinto ng washing room.Kita niya ang pagtataka sa mukha nito at higit sa lahat pagkagulat sabay ngiti na hindi niya alam ang ibig sabihin.




Ano nalang iisipin nito sa nakita kung pwede nalang sanang lumubog na siya sa kinatatayuan para hindi makita ang nakakalukong ngiti nito.


"Mam- '" sinisigurado ko lang ho kung marumi dahil halos lahat ho ng mga damit ni sir na pinalalabhan sakin eh malilinis". paliwanag niya dito.


"Hindi mo kilangang magpaliwanag ," nakangiting turan nito.

Agad naman siyang yumuko para itago ang kaniyang namumulang pisngi hiyang hiya siya sa nadatnan nitong eksena.


"Iwanan mu na yang mga labahin nayan at sumunod ka saakin". anito.


"Paano po itong pinalalabhan ni sir Zach tiyak po magagalit sya sakin pag hindi ko ito nilabhan.."


"Wag mo nang intindihin ang anak ko hindi ko alam kung anong niluluto niyang drama sa pagitan niyo.Sa kwento ni manang Elisa,mainit ang dugo sa iyo ng anak ko.."


"Siguro dahil napagkamalan ko siyang magnanakaw nung una ko siyang makita."


"Really- Oh poor boy kaya siguro siya ganyan kasi unang beses na may babaeng hindi na attract sa kanya..at napagkamalan mo pang magnanakaw.." tumatawang turan nito.







Kung alam lang nito na lihim na siyang humanga sa binata,,pero ililihim nalang niya iyon hindi niya ipapakitang may lihim siyang nararamdaman para sa lalaki over her dead sexy body.


"Alam mo ba arrabella Unang beses palang kitang makita magaan na ang loob ko sayo siguro dahil sa iyo makakakita ng katapat ang anak ko".anito na tumigil sa pagtawa at biglang sumeryoso


MY LOVE,MY SUPLADONG BILYONARIO [ The Montillano Saga BOOK 1 ]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon