[NINE]

55K 1.3K 17
                                    


"May Ipapakiusap sana ako sayo.."seryosong turan ng senyora.

"Ano po iyon..?

"Wag mo sanang susukuan ang anak ko kahit anong mangyari.."anito na ginagap ang kaniyang kamay.

"Su-subukan ko po"

"Thank-you arrabella alam kong hindi ako nagkamali ng pagpili sayo." nakangiting tugon nito.

Tango lang ang tanging na itugon niya dito ,inaalala niya ang kanyang mga magulang ano nalang ang nararamdaman ng mga ito pag nalaman ang lahat.

Pero saka na niya poproblemahin ang bagay nayon pag nangyari na ang pinaplano ng senyora.

One week later

Bawat patak ng kanyang napuputol na buhok sa sahig gusto niya iyong pulutin at muling ibalik sa naiwang kaputol nito sa kaniyang ulo.

Nasa loob siya ng isang mamahaling salon kasama si senyora Teresa.

May party silang pupuntahan ngayong gabi sa birthday party ng malapit nitong kaibigan,at anito'y dadalo rin si zach kaya naman gusto nitong maging maganda siya sa paningin ng anak.

At ngaun nga ginugupit ang kanyang mahabang buhok,tutol man ang loob wala na siyang nagawa,hinayaan nalang niya ang gay na naggugupit sa kanya kung anong gupit ang gusto nito para sa kanya.

Pumasok sa isip niya si zach
Magustuhan kaya nito ang magiging new look niya,almost a week na siya nitong binabaliwala na parang hindi siya nag eexit ,bumalik na ulet ito sa dati,at hindi niya alam kung bakit.

Dahil ba sa halik na pinagsaluhan nila?pero dapat nga siya ang magalit dito dahil basta nalang siya nitong hinalikan.

Napabuntong hininga siya,mapatawad kaya siya nito sa gagawin nya.

"Sana" aniya sa isip.

Zach Pov

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon ginagawa mahigit isang lingo na niyang iniiwasan si arrabela ,alam niyang nagtataka ito sa ikinikilos niya nakikita niya iyon sa mga mata nito.Pinipigilan niya ang kanyang sarili para lapitan ito hindi niya mawari ang nararamdaman gusto niyang matikman ang labi nito gusto niyang maramdaman ang malambot nitong katawan.At ang isiping iyon ang gabi gabing pumupuyat sa kanya.

Hindi tama ang kaniyang nararamdaman,ayaw na niyang muling magmahal takot na siyang muling masaktan.

Pagkatapos ng lahat nang masakit na alaalang iniwan ni Angela nakakulong parin siya sa alaala nito kahit anong gawin niya,kung sino -sinong babae ang sinasamahan niya para kahit paano makalimutan ang nasirang kasintahan,pero hindi! kahit anong gawin niya walang epekto.

2years na buhat ng masawi ito sa isang aksidente.Pauwi na ito galing sa designer ng wedding gown na susuutin sana nito sa kanilang kasal,ngunit sa di inaasahang pangyayari bumangga ang kotse nito sa kasalubong na track,nawalan umano ng preno ang track dahil at dahil sa bilis ng patakbo nang driver nito'y tumilapon sa kabilang way ang kotse ni Angela.

Naisugod pa ito sa ospital pero huli na ang lahat,pakiramdam niya ng mga oras na iyon gumuho ang kanyang mundo,nawala ang babaeng kanyang pinakamamAhal.

And now dumating si arrabela sa buhay niya,naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman para dito.

Maybe humahanga lang siya sa pisikal na anyo nito higit lalo sa mga mata nitong nangungusap sa tuwing magtatama ang kanilang paningin.

"Mukhang Malalim ang iniisip mo sir ah.."

Tumingin siya sa nagsalita nakita niya ang kanyang assistant secretary hindi na niya namalayang nakapasok na ito sa loob ng kanyang opisina.

"Babae ba yan? Nakangiting turan nito .

"No Eva. " dala mo naba pinakukuha ko sayo.

"Yes sir.." anito na inilapag sa table niya ang isang brown na folder.

"Thank you"

"May ipapagawa pa po kau sir?

"No, you may go.."

Pero salip na umalis sa kanyang harapan nanatili itong nakatayo.Sa harap niya.

"May sasabihin kapa ba..?kunot noong tanung niya.

"Maari na po ba akong umuwi birthday po kasi ng husband ko ngayon may dinner date po kami."

Tiningnan niya ang oras s suot na wristwatch 5:00 am ayon doon.

"Ok , pakisabi sa husband mo happy birthday.."

" I will sir Thank-you have a good day.."turan nito bago siya tinalikuran at lumabas nang kanyang opisina.

Pagkaalis nito muli niyang ibinalik ang pansin sa ginagawa binuklat niya ng folder na dala nito at binasa hangang mawala sa isip niya ang tungkol kay Arrabella.



What do you think guys sa PoV ni Zach?

Comment ,vote and share po before you leave this chapter..thank you.

Lovealbenia26

MY LOVE,MY SUPLADONG BILYONARIO [ The Montillano Saga BOOK 1 ]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon