[SEVEN]

67.5K 1.5K 23
                                    

"Sigurado po kayo mam Teresa sa sinasabi ninyo? Gulat na turan niya sa ginang .

Pagkatapos ng tagpo sa pasilyo ng mansyon pinasunod siya sa kwarto nito.

At ngayon nga may hinihingi itong pabor sa kanya na nakataya ang buong buhay niya.

"Yes arrabella alam kong my pagtingin ka sa anak ko babae rin ako kita ko ang mga tingin mo sa anak ko ..pinagdaanan ko na rin yan kaya alam ko."

Napayuko siya sa tinuran nito totoo naman yon may pagtatangi siya sa anak nito kahit napaka antipatiko at suplado nito pero hindi dahil sa doon papayag siya agad sa gusto nitong mangyari.

"Bakit ako? Naguguluhang tanong niya dito.

"Dahil alam kong ikaw ang karapat dapat sa anak ko"dahil ikaw lang ang may lakas ng loob na kausapin siya ng walang takot,at pagtaasan ng boses ikaw ang kilangan ng anak ko arrabella."siguradong turan nito sa kanya.

"Mam hindi ho ba kayo kinikilabutan sa sinasabi ninyo mahirap lang ho ako hindi ho ako nababagay sa anak ninyo' at kahit pagbalibaligtarin ho natin ang mundo pumayag man ho ako sa gusto ninyong mangyari hinding hindi ho ako mamahalin ni zach at tiyak mamumunghi siya sa akin at higit lalo sa inyo pag itinuloy ninyo ang inyong balak.."

Iwinaksi nito ang kamay at umiling kita niya ang determination sa mga mata nito,at natatakot siya sa maari nitong gawin mapapayag lang siya at matuloy ang pinaplano nito.

"No arrabella hindi mo lng napapansin ang kakaibang tingin sayo ng anak ko,alam kong gusto ka rin niya ayaw lamang niyang aminin iyon sa kanyang sarili." At wala akong pakialam kahit mahirap ka ang gusto ko'y muling lumigaya ang anak ko."anito na hindi maitago ang lungkot sa tinig.

"At sa tingin ninyo sakin siya liligaya ma'am I'm only 18 hindi ba napakabata ko pa para sa ganyang bagay"

"Age doesn't even matter,at kung papayag ka maiiahon muna sa kahirapan ang pamilya mo,I will give you a million pesos arrabella"
May kinuha ito sa drawer at inabot sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang checking hawak nito na naglalaman ng pangalan niya at nakasulat ang napakalaking halaga nang pera.Hindi niya maintindihan pero mukhang tinatapatan nang ginang ang dignidag niya.Akala niya mabait ito.akala niya hindi ito katulad nang anak nito pero nag kamali siya ,mapapayag lang siya nito sa plano nito tatapatan siya nang pera.Naluluhang hinarap niya ito.

"Hindi ho ako mukhang pera ma'am mahirap man ho ako pero hindi ako mukhang pera kaya pasensya na kayo, napakabigat ng hinihingi ninyo sakin na hindi kayang gawin."

"Pero ija-"

"Kung tatangaglin ninyo ako sa trabaho okay lang pero hindi ko tatanggapin ang inaalok ninyo." taas noong turan niya na tumayo na sa pagkakaupo.

"I'm sorry arrabella hindi ko intensyong tapakan ang pagkatao mo,I'm begging you please.'' nagsusumamong turan nito.

Buo na ang disisyon niya hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari, akala niya napakabait nito hindi pala nagkamali siya.

"I'm sorry din ho pero buo na ang disisyon ko,kung wala na kayong sasabihin lalabas nako.."aniya na tinalikuran na ito at tinungo ang pinto.

"Arrabella please" narinig niyang tawag nito pero hindi na niya ito pinansin.

Tumungo siya sa kanyang kwarto at pabagsak siyang humiga sa kanyang kama sari saring emosyon ang nararamdaman niya,Nagkamali siya ng pagkakakilala sa senyora.

Kaya pala napakabait nito sa kanya, ang lahat pala ng iyon ay may kapalit.

Namalayan nalang niyang tumutulo na ang kanyang luha,agad niya iyong pinahid at tumayo binuksan niya closet at kinuha ang kanyang bag isaisa niyang nilagay doon ang kaniyang mga damit.

MY LOVE,MY SUPLADONG BILYONARIO [ The Montillano Saga BOOK 1 ]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon