Pagka gising ko, dumiretso kaagad akong school. Hindi ko na pinasabay yung mga sira ulo kong mga pinsan, dahil naaalala ko pa rin yung kahapon. Di parin ako maka move-on dun sa inaakala kong candy na condom pala.Dati relasyon lang meron sila sa mga babae, pero ngayon ibang level na pala. Naku po, sana wala munang maging maagang ama sa mga pinsan ko. Ayaw ko pa maging tita, masyado pang maaga.
VENUS
Kanina pa paikot-ikot si Gerald sa harapan ko, hindi siya mapakali. At parang may nagbo-bother sa kanya.
"Gerald may problema ba?" Tanong ko sa kanya
Bigla siyang tumigil tapos umupo sa tabi ko.
"Venus, alam mo na ba?"
"Na ano?"
"Na ngayon darating si Ethan sa school natin at dito na siya mag-aaral?"
"Mukhang buong mundo alam na ata yun...."
"....pero ewan ko lang kay Maddison" dagdag ko
"Yun nga ang problema eh, paano kung magkita sila ulit?"
So hindi pa nga pala alam nila Gerald na nagkita na sila pero parang wala lang nangyari.
"A-ah eh, yun nga lang"
"Pero balita ko may amnesia daw si Ethan"
"Ano?!" Gulat na gulat kong sabi
seryoso? Kaya pala ganun na lang kung mag-approach si Ethan kay Maddie nung nagkita sila ulit.
"Yes Venus, and I think hindi parin alam ni Maddie ang tungkol doon"
Exactly, at alam kong mas lalo siyang masasaktan kung sakaling malaman na niya.
"Paano nangyari yun?" Tanong ko
Hindi sumagot si Gerald.
"Rald? Paanong--"
"I don't know" mabilis niyang sagot nang hindi nakatingin sakin.
"I have to go, may klase pa ako" sabi niya sabay tayo at kiniss ako sa cheeks
"Okay, see you later" sabi ko na lang, tapos umalis na siya.
Anong nanyari dun? May mali ba akong nasabi.
MADDISON
Marami atang nakaabang ngayon sa gate na mga estudyante. Halos mga babae na parang may hinihintay. Ano bang meron?
Hindi ko na lang pinansin kung ano yung pinagkakaabalahan nila, at dumiretso kaagad ako sa classroom. Pero bago pa ako naka pasok, may nakita akong lalaking naka eyeglass na parang nahihirapan na sa mga dinadala niyang mga upuan. kaya hindi ako nagdalawang isip puntahan at tulungan siya.
"Tulungan na kita" sabi ko
"Ahh okay lang, kaya ko naman to"
" Eh mukhang hindi ka ata okay sa sitwasyong yan"
Hindi ko na lang siya pinasagot at kinuha ko yung iba pa niyamg dalang upuan.
"T-teka lang" angal niya
"Wag kanang makipag away sakin, basta tutulungan kita"
Nung makuha ko na yung ibang upuan, nauna akong naglakad sa kanya. Baka kasi bigla niya pang kunin ulit tong mga upuan kahit halatang nahihirapan na siya.
Tanong ko lang, bakit kahit nahihirapan ka na, pinipilit mo pa rin kahit masakit na? Wait, am I reffering to myself?
Habang naglalakd ako, parang nafe-feel ko na rin ang bigat ng dinadala ko. Nakalimutan kong apat na upuan nga pala tong dala ko. Buti na lang malakas ako kahit papano.
BINABASA MO ANG
The Memories Between Us
Romance"Your memories may fade away, but I believe your feelings still know how to STAY"- Maddison ALL RIGHTS RESERVED 2016