"Baby Maddie sige na! sabihin mo na sakin yung name nung babae, familiar kasi sya sakin"
"Kadiri ka kuya Jay! wag mong sabihin isa rin si Sava...."
"Sino?"
"Wala, wala!"
"kainis naman to!"
Nasa mall kami ngayon ni Kuya Jay, dismissal na kasi namin kanina pa. Tapos sabi niya punta daw kami dito, pumayag na rin ako kasi ililibre rin niya daw ako.
"Ano bang gagawin natin dito sa mall?"
"May kikitain lang ako, at ipapakilala ko siya sayo"
"Babae?"
"Hindi, bakla" seryoso niya sagot
nagulat ako sa sagot niya tapos parang naiiyak na ako
"Kuya Jay? alam na ba nila kuya to"
"Ang alin?"
"Na bakla ka! huhu kuya Jay naman ang gwapo mong tao tapos bakla lang papatulan mo?! pero okay lang kuya tanggap parin naman kita eh, kaso sila kuya Ken I'm sure magugulat sila pag nalaman nila!"
sigaw ko kay kuya Jay na maluha-luha na, tapos naagaw ko rin yung mga atensyon nung ibang tao.
"Maddison seryoso? naniwala ka sa sinabi ko?"
pinunasan ko yung luha ko gamit ang kamay ko
"Bakit? hindi ba totoo kuya?"
"Hindi no! sa tingin mo talaga papatol ako ng bakla?! masuka ka nga sa sinasabi mo"
"Hehe akala ko totoo na eh, so ibig sabihin babae kikitain natin dito?"
"Obviously"
"Girlfriend mo?"
"Yeah" nahihiya niyang sabi
Wow, himala at ipapakilala niya ako sa girlfriend niya. Tapos parang nahihiya pa siyang aminin, hmmm I smell someone changing.
"Seryoso na?" tanong ko ulit sa kanya
"I don't know"
"Anong di mo alam? abnormal ka ba?"
"I'm scared"
"Takot ka sa kanya?"
"No, hindi ko lang mapaliwanag yung nararamdaman ko"
Big word! ang isa sa mga playboy kung pinsan ay unti-unti ng nababago yieee
Napangiti ako, "Tama lang yan kuya, kasi dapat ka na ring mag move on dun sa sineryoso mong ex. Na kahit kailan, di mo man lang pinakilala samin"
"Matagal na yun"
"Kahit na no"
"Tsk"
After 15 minutes, may babaeng paparating papunta samin, nandito kasi kami ngayon sa loob ng Starbucks. Ang ganda niya shems! ang daming magaganda ngayong araw na to ah.
"Hi!" bati niya samin
"Hey" kuya Jay
tumayo si kuya Jay tapos hinalikan niya sa cheeks yung girl
"Take a seat" kuya Jay
"Thanks"
nasa harapan ko sila ngayon, kung baga magkatabi sila.

BINABASA MO ANG
The Memories Between Us
Romance"Your memories may fade away, but I believe your feelings still know how to STAY"- Maddison ALL RIGHTS RESERVED 2016