Chapter 9

758 19 13
                                    

Shar's P.O.V.

"Jai, salamat sa paghatid." Sabi ko sakanya nang nakarating na kami dito sa tapat nang bahay ko.

"Salamat din at binigyan mo ko nang time." Sabi ni Jai at niyakap ako. 

"Osige na, may pasok pa tayo bukas, mag 12 na o." Sabi ko nang tinanggal ko na ang yakap.

"Okay lang yan, 1 pa naman pasok natin bukas e." Sabi niya nang nilagay ang kanyang dalawang kamay sa likod nang ulo niya.

"Kahit na, uwi ka na." Sabi ko nang tinutulak ko siya nang pabiro.

"Sige na, pasok ka na. Aalis ako pag nakapasok ka na nang gate." Sabi niya nang siya naman ang tumulak sakin nang pabiro.

"Opo. Bye!" Sabi ko nang kumaway at pumasok na nang gate namin.

*Flashback*

Bigla ko nalang naramdaman ang labi ni Jai sa labi ko, hindi ako nakagalaw o nakareact man lang. Nang tinanggal na niya ang mga labi niya, nagkatitigan lang kami habang nakangiti. Pero, di ko na alam ang sasabihin ko. Ano kaya-

*phone rings*

Ay salamat! May tumatawag, pampaiwas awkward silence. Nang tiningnan ko ang caller name, si mama. 

"Hello po?"

"Shar, ano oras na, umuwi ka na kaya. Pahatid ka dyan kay Jai a, gabi na."

"Opo ma." Sabi ko at nag end call na.

"Uhm, Jai. Pinapauwi na ko ni mama e. Halika na?" 

*End of Flashback*

Seryoso, kinikilig ako! Sabi ko sa sarili ko habang tumatalon talon ngayon dito sa garahe nang bahay namin habang nakangiti.

"Oy nak! Para kang sira dyan, pumasok ka na kaya." Sabi nang nanay ko na nakapantulog na.

"Opo."

-----------------------------------

Umakyat na ko sa kwarto ko at nilock na ang pintuan ko, nang biglang may tumakip nang bibig ko galing sa likod. Bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa baka magnanakaw to, o rapist. Nanigas ako sa takot habang naririnig ko ang lakas na tibok nang puso ko. 

"Oy, si nash lang to." 

"Sira ka pala e!" Sigaw ko nang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko at pinagpapalo. "Muntik na ata ako magkaheart attack sa ginawa mo e!" Dagdag ko nang naiinis.

"Ito naman, di mabiro." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

Inalis ko at umupo na sa kama ko.

"Ano ba ginagawa mo dito? Nakita ka ba ni mommy?" Tanong ko nang naiinis parin.

"Nakita ko kayo ni Jai sa playground e. Ang daya, may quality time kayo sa gabi tapos tayo wala. Edi pumasok ako nang bahay niyo." Sabi niya nang naglabas siya nang susi.

Ay, oo nga pala. Binigyan ko siya nang susi sa gate at sa bahay namin para makasugod siya dito anytime.

"Nagtext ka man lang sana ano. At anong oras na kaya." Sabi ko nang nagtali nang buhok at pumunta sa banyo para magsipilyo.

Habang nagsisipilyo ako, bigla nalang may yumakap sa likod ko at isinandal ang mukha sa balikat ko. Pagkatingin ko sa kanan, si nash nakatitig parin sakin kaya natulak ko. Dinura ko ang nasa bibig ko, hinugasan ang bibig at sipilyo at tiningnan siya habang nakasmirk parin siya.

"Anong iniisip mo nanaman?" sabi ko nang lumabas na nang cr ,pumunta nang balcony at umupo sa bench.

"Grabe naman, naglalambing lang naman ako e. Nagdate lang kayo ni Jai, ang sungit mo na sakin." Sabi niya nang tumabi sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New Chapter Of our story [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon