Chapter 7

575 15 6
                                    

Nash's P.O.V.

"If I was the one who was loving you~"

I was half asleep while listening to a song. I suddenly felt someones breathing, so I slowly opened my eyes and to my surprise saw Sharlene, inches away from me while staring at me. 

"Uhm. Nandito na tayo." Biglang sabi ni Sharlene na halatang kinabahan at bumaba agad nang kotse.

Tinanggal ko na ang headphones sa ulo ko, nilagay sa bag ko at sinuot ang shades na hawak hawak ko. Pagbaba ko nang kotse, sinalubong ako nang magandang tanawin nang resort habang sina Alexa, Sharlene at Jairus, nasa main entrance na.

"Bhie, halika na." Narinig kong sigaw ni Alexa habang may mga kumuha na ng mga bagahe namin.  

Dumiretso na ko sa reception area kung saan naabutan kong binibigay na ang mga key card kina Alexa. 

"Ano room namin?" Tanong ko nang inakbayan ko na si Alexa.

"Sa, 2407 tayo bro. Katabi natin room nila." Sabi ni Jai nang nagsimula na kaming maglakad papuntang elevator. 

"Yes, plus may door sa loob na nakaconnect sa room namin from your room incase may mangyaring masama saming girls. Diba, Sharlene?" Sabi ni Alexa nang kumapit na siya kay Sharlene habang akbay akbay ko parin si Alexa.

Naramdaman ko ang buhok ni Sharlene, na dati palagi kong ginugulo na ngayo'y bihira ko nang magulo. Napansin siguro 'to ni Sharlene kasi bigla niyang tinanggal ang kapit ni Alexa sa kanya at dumikit kay Jai na nangunguna.

"Ang sweet na nila Bhie ano." Sabi ni Alexa habang nakatingin parin ako sa direksyon nila Sharlene.

Hindi nalang ako umimik at dumiretsong pumasok na sa kwarto namin nina Jai at nagayos nang gamit. 

"Ano gagawin mo muna bro?" Tanong bigla ni Jai nang natapos na siyang ayusin ang kanyang mga gamit at umupo sa kanyang kama.

"Hihiga nalang muna ako. Ikaw?" Sabi ko nang humiga na sa kama ko at nilagay ang aking dalawang kamay sa likod nang ulo ko.

"Tatry kong yayain si Sharlene na maglakad lakad around nang resort." Sabi ni Jai nang nilabas ang kanyang phone.

"Ba't di mo nalang puntahan, yan lang yung pintuan o." Sabi ko nang tinuro yung pintuan na connected sa room nila Sharlene.

"E, mas okay sa text. Tsaka malay mo, nakakaistorbo pa if buksan bigla yang pintuan."

"Kung gusto mo, paglutuan natin sila mamaya?" Sabi ko.

"Sige ba! Kaya siguro nagdala si Alexa nang groceries. Plano niyo ba magluto?" 

"Ako lang dapat magluluto, pero, sama na kita." Sabi ko.

"Sige! Salamat a! Makakapoints na ko kay Sharlene sa pagluluto." Sabi ni Jai nang napansin kong nagumpisa na siyang magtext.

Gusto ko sanang pagpahingahin si Sharlene at magstay sa room niya para may energy siya mamaya.

*ting*

Nilabas ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

"Bhie, imeet ko muna si tito. Babalik ako dinner time. Kunin mo nalang yung grinocery ko sa refrigerator nang room namin. I love you. :*" 

Sana man lang dumaan si Alexa muna sa room namin para personal na lang siya nagpaalam, di ko man lang siya nahatid pababa. 

"Sige bhie. Ingat ka lang. Love you too." Reply ko at binalik na ulit sa bulsa ang phone ko.

"Bro, di nagrereply. Baka tulog. Matutulog nalang din muna ako. Gisingin mo ko pag magluto ka na a." Sabi ni Jai nang hinagis ang kanyang mga sapatos palayo sa kama at binalot ang sarili sa kumot.

New Chapter Of our story [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon