Chapter 1

890 20 4
                                    

Sharlene's P.O.V.

*ring ring ring ring ring ring ring*

Ugghhh. 5:30 already. I thought as I pressed the button of my clock to stop it from ringing. I opened my eyes as I stretch in my comfy green bed. First school day, and I still haven't prepared my things. Maybe, it's because of the nervous feeling I get just thinking about what's going to happen in school today. After being away for two years in the Philippines, from my friends, from my bestfriend, or was my bestfriend, now I'm back for my senior year. To think about it, many things happened in my freshman year that I want to erase but remains unforgettable. That memory made me escape all the problems here in the Philippines and temporarily live in the States with my sister,who was currently working there. But since her contract with the company ended, we had to move back here in the Philippines which puts me back to this situation again.

*knock knock*

I removed the sheets that was covering my body from the cold air, slipped my feet in my red comfy slippers and opened the door.

"Shar, ligo ka na, para di ka naman malate sa first day mo." Ate Cammi said.

"Yes, ate. I was about to do that." I said.

"Shar, wag mo ko ienglish. Alam mo namang mahina ako dyan. Sige na, lulutuin ko pa breakfast mo." Ate Cammi joked.

"Opo, opo." Sabi ko nang nakangiti.

Nang umalis na si Ate Cammi, sinarado ko na ulit ang aking pintuan at dumiretso na sa CR ko. Habang naliligo ako, napaisip ako bigla sa mga nangyari dati nung freshman pa ako.

*Flashback1*

Nandito kami ngayon sa bahay nang aming kaklaseng si Mika. Kasama ko ang mga katropa kong sina Nash, Alexa, Kobi, Patty, Angel, Noemi, Aaron, Basty at Andre. Kakatapos lang kasi nang 2nd quarter exam kaya nireward namin sarili namin sa isang slumber party sa bahay ni Mika with games, alcohols and food. Minsan lang naman ginagawa ito kaya okay lang sa mga parents namin basta iupdate update lang sila.

Halos lahat kami, may mga tama na sa alcohol at makukulit na halos. Nakaupo kami sa backyard ni Mika habang nagkwekwentuhan.

"Spin the bottle tayo!" Andre said.

"Sige! If truth, may kasamang shot." Basty said.

Kaya sinimulan na namin ang paglalaro. Maayos naman lahat ang dare, walang rated pg. Pero pagdating kay Patty, nagiba since halos lahat samin, alam na may gusto siya kay Kobi. Nang sinabi niyang dare, di napigilang sabihin ni Angel na,

"Kiss Kobi in the Neck for 5 seconds!" Angel said while laughing.

Nung una, nahihiya pa si Patty habang si Kobi, natatawa sa mga pangyayari. Kami naman, natatawa pero naaawa rin kay Patty kasi babae siya, at nakakahiya naman talaga. Pero, tropa tropa lang naman, kaya game dapat sa lahat.

Biglang tumayo na siya at pumunta sa pwesto ni Kobi. "YIEEEE!" sigaw naming magtropa sakanila. Mas napasigaw pa kami nung ginawa na ni patty yung dare niya. Nakakatawa nga e, pero, walang malisya lahat. Pagkatapos nun, puro kiss na yung dare na pinapagawa. Lalong kinabahan ako kasi, wala pa kong first kiss at ayokong maganap sa dare lamang.

Nang tumapat kay Nash yung spin the bottle, ang napuntang dare sakanya ay, "Kiss the cutest girl in the group."

Ang mga iba, sabi na "Sharlene" since palaging inaasar ako ni Nash sa room. Pero, I didn't care since my eyes were set on another guy sa school kasi mas nagwagwapuhan ako sa iba. Biglang kiniss ni Nash si Alexa sa cheeks which caused everyone to say "Yieee!" kahit ako, napaganun.

Nang tumapat na sakin yung bottle, napa"omg" ako, lalo na nung sinabi ni Noemi,

"Kiss any guy in this room."

New Chapter Of our story [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon