Chapter 4

604 16 7
                                    

Nash's P.O.V.

"Nash,si Jai, buhatin mo na papunta sa kwarto." Sabi ni Shar sakin nang tinanggal niya yung arms ko na nakabalot sa kanya. 

Nang nakawala na siya sa pagbalot ko, umupo na siya dun sa table at nagbukas nang bagong alcohol. Wala na kong nagawa kung hindi sundan siya at buhatin si Jai papunta sa kwarto.

Nang napwesto ko na si Jai sa kama, nagmadali na kong bumaba para masamahan si Sharlene at siguradong malalasing yun kung uubusin niya yung isang boteng binuksan niya at hard liquor yun. Nang nakarating na ako sa baba, tumakbo ako agad papunta kay Sharlene nang nakita kong nakalahati na niya yung bote. 

"Shar, tama na." Sabi ko sabay kuha sa kanyang kamay yung bote.

"Nash, okay pa ako." Sabi niya sabay lapag nang kanyang ulo sa table at pumikit. 

Hinila ko ang upuan sa gilid at tinabi sakanya. Umupo ako at simulang uminom magisa. Sira talaga 'to si Sharlene, gustong gustong malasing, di naman niya kinakaya the next day. Binuksan ko yung isang chichiria at simulang ngumuya. 

Nagulat nalang ako bigla nang biglang nagising si Sharlene at simulang buksan ulit yung bote. Pinipigilan ko siya, pero ayaw niya. Hinayaan ko nalang siya at papagalitan ko nalang bukas, mahirap makipagaway sa lasing ngayon e, lalo na kung babae. Kinakain ko nalang yung chichiriang binuksan ko habang pinapanuod siyang uminom.

"Wag mo ko sisihin bukas kung ba't di kita pinigilan a." Sabi ko sakanya sabay tingin sakin.

Bigla nalang akong nagulat nang nakita ko siyang umiiyak na. Lagot. Magdradrama nanaman ito. 

"Nash, ayoko na. Ayoko na talaga. Ang sakit na Nash. I still like you." Sabi niya sakin sabay inom pa.

Ang dami kong gustong sabihin sayo, mga nalalaman kong makakasakit. Pero hindi ko pa kayang sabihin. Nagustuhan kita Shar, pero nakatulong si Alexa sa pagmove on ko sayo. I'm so happy na bestfriends ulit tayo. Sadyang marami akong gusto, at si Alexa yung nakakaangat dahil sa mga pangyayaring nagaganap na wala ka man lang kamalay malay. 

"Sorry" Was the only word I could say right now.

Pinunasan ko yung mga luha niya at tinitigan. Napatigil naman si Sharlene sa pagiyak at napatingin narin sakin. Pinunasan ko yung mga natitirang luha sa kanyang mga mata at ngumiti. Nilapit ko ang mukha sa mukha niya nang biglang may nahulog na luha sa aking mga mata. Pinikit ko nalang mga mata ko at pinagdikit ang labi ko sa magandang labi niya.

May naramdaman akong patak na luha na dumapo sa daliri ko na nakahawak parin sa kanyang mukha, at dun ko masasabi, na parehas kaming naluluha ngayon. 

Tumagal ang pagdikit nang aming mga labi nang halos mga 30 seconds at dahan dahang nilayo ko na ang mukha ko sakanya. Napatitig nalang kami sa isa't isa sa nangyari, maraming tanong na nakikita ko nanggagaling sa kanyang mga namamagang mata. 

Bigla nalang niya tinanggal yung mga kamay ko sa kanyang mukha at tumakbo papunta sa CR. Sinundan ko naman siya dahil sa pagaalala, at nang naabutan ko siya, nakaupo na siya sa sahig nang CR habang sumusuka. 

Nang tumigil na siya sa pagsusuka, hindi parin siya umalis sa tabi ng toilet kaya pinilit ko siyang tumayo para madala na siya sa kwarto.

"Shar, halika na." Sabi ko habang hawak ko ang kanyang balikat.

"Di ko kaya." Sabi niya habang humihiga sa sahig nang CR.

"Uy, ano ba, sahig yan nang cr." Sabi ko habang natatawa sa mga pinag gagawa nitong babaeng ito. Ang cute cute!

"Bahala ka dyan." Biro ko sakanya habang sinarado ko muna yung pintuan nang cr at bumalik sa labas para ligpitin na yung mga kalat.

Ako nanaman last man standing. Mailigpit na nga ito at siguradong mga may hangover yung tropa bukas, este mamaya pala. Di ko namalayan, mag 2 am na pala. 

New Chapter Of our story [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon