Chapter 5

540 15 2
                                    

Sharlene's P.O.V.

Those eyes that are staring at me right now, his lips that are inches away from mine, it's just so wrong. 

"Nash, ang bigat." Sabi ko nang tumayo siya bigla at lumabas nang kwarto.

That is so awkward. I thought. I mean, we still haven't talked about the kiss last time, and here we go again, about to repeat the same mistake but backed out. I stood up and placed the notebook back to its place where I got it and fixed my clothes. I decided to look around his room, that is painted with sky blue. I walked around as my hands slowly brush along the edge of his desk. I closed my eyes as enjoy this moment alone at his room. A smile formed from my lips as I remember the first time I went here before. 

*Flashback*

"Ay nako Nash! Ganito kasi ito." sabi ko nang inagaw ko yung notebook na sinosolve niya na math problem dahil nagpapaturo para sa quiz the next day.

"E ang labo naman kasi nyan. Bawal bang invalid na lang." Sabi niya sabay gulo sa kanyang nakagel na buhok at sabay higa sa kanyang kama.

"Oy Nash! Bilis na at kailangan ko na rin umuwi." Sabi ko nang bigla akong may naramdaman na kakaibang panget.

"Dito ka na kumain! Bilis, iluto ko yung favorite mong pagkain." Sabi niya sabay tumayo sa kanyang paghiga at ngumiti na parang sira na cute naman.

"E, kailangan ko na talaga umalis. Bilis na!" Sabi ko nang nararamdaman ko na ulit.

"Ano ba kasi gagawin mo at kailangan mo nang umalis!" Sabi niya sabay lapit sakin.

*P R U U U U U U U U T*

Patay. Di na kinaya.

"Nash, pagamit nang CR a!" Sabi ko sabay tayo, tulak sakanya at pumasok sa kanyang CR.

Nakakahiya naman yun. Kailangan pang mangyari yun! 

"HAHAHAHA. Shar, take your time a." Sabi ni Nash galing sa labas na tumatawa parin.

"CHE!"

*End of Flashback*

"Anong nginingiti mo dyan?"

Nagulat ako at napadilat na ako sa narini kong boses, nang naramdaman ko yung hangin malapit sa aking leeg. Napalingon ako at nagulat nang nakita ko ang mukha ni Nash malapit sa mukha ko na nakangiti at halatang nangaasar.

"Ang gwapo mo." Biro ko sabay tulak sakanya at pumunta na nang pintuan.

"Nako! Tagal ko na yang alam." Sabi niya nang nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa likod nang kanyang ulo at ngumiti ulit.

"Halika na kaya." Sabi ko sabay binuksan ang pintuan niya indicating na gusto ko na bumaba.

"Sa labas na lang tayo kumain." Sabi niya nang nakasimangot.

"Huh? Bakit? E nagluto kaya tatay mo!" Sabi ko. Kawawa naman ang niluto nang tatay niya kung aalis lang kami.

"E..." Sabi niya.

"Loko. Sabihin pa nang tatay mo na bastos ako." sabi ko sakanya nang naglalakad na pababa habang nasa likod ko siya.

"Di yan, sayo pa." Sabi ni Nash na may bitterness.

"Dito na, at di na kaya nang tyan kong kumukulo." Sabi ko nang dumiretso na kami sa dining area ni Nash kung saan nakaupo na ang tatay ni Nash.

---------------------------------------

"Namiss ko 'to." Sabi ni Nash.

Nandito kami ngayon nakaupo sa swing ng playground, at nagrerelax bago ako umuwi. Ayoko muna umuwi at medyo magulo sa bahay, gusto ko takasan. 

New Chapter Of our story [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon