Blindfold 1

138 12 18
                                    

Dedicated to HoneyPie10

Hannah's POV

CHUCHUPHOBIA. Alam niyo ba ang salitang ito? Huwag na kayo maghanap ng dictionary dahil hindi niyo ito mahahanap doon. Sasabihin ko na lang sa inyo. Chuchuphobia ang tawag sa takot sa mga butas. Tulad ng mga ibang phobia sa mundo, napakadalang nito. Siguro one in a million na tao ang puwedeng magkaroon nitong phobia. Ngunit sa kasawiang-palad, meron ako niyan. Ewan ko ba kung bakit sa dami ng mga tao ako pa nagkaroon ng ganyang phobia.

Sa kagustuhan kong malaman ang dahilan, nagtanong ako kay mama. Nagbabakasakali ako na malaman ko sa kaniya. Naisip ko kasi baka naman nagsimula ito noong pinagbubuntis pa lang ako. Sumagi sa isip ko na may posibilidad na noong pinagbubuntis niya ako at naglilihi ay natakot siya sa mga butas.

Unfortunately, hindi. Wala siyang alam na takot noong pinagbubuntis niya ako. Ang sabi lang ni mama baka daw dahil noong bata pa ako ay muntik na akong mahulog sa isang malalim na balon habang nagpipiknik kami. Iyak daw ako ng iyak habang nakasabit lang iyong damit ko sa isang matulis na bagay sa loob ng butas kaya ngayon ay buhay pa ako. Natural lang hindi ba? Kung patay na sana ako ay hindi na ako nakakapagkuwento sa inyo ngayon.

Going back. Kinailangang pasukin ni papa ang balon para makuha ako. Nakaapak lang siya sa maliliit at matitirik na bato. Dahan-dahang lumapit si papa sa akin hanggang maabot niya ako. Buti na lang, nakuha naman daw ako ni papa at ibinigay kay mama. Palabas na din dapat si papa noon pero biglang bumigay iyong batong inaapakan niya. Nadulas si papa pababa. Sinubukan niyang kumapa ng mahahawakan habang siya ay nahuhulog pero walang sanga, walang ugat siyang nahawakan. Nahulog si papa at namatay.

Ganoon na lang sa isang iglap nawalan ako ng papa sa buhay, nawalan ng asawa ang mama ko at nawalan kami ng mabuting ama ng tahanan. Lubos ang aming hinagpis sa nangyari. Sinong mag-aakala na ang masayang piknik ay mauuwi sa isang malagim na trahedya?

Lumaki ako na puno ng guilty feelings sa puso ko. May kasama itong kirot at sakit na kailan man ay walang gamot ang makakapagpagaling. Hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Madalas kong mahuli sa dilim si mama na umiiyak na nakahiga sa kanyang kama habang yakap-yakap niya ang larawan ng kanilang kasal ni papa.

May mga pagkakataon na kahit meron akong gustong sabihin kay mama ay napapahinto na lang ako na sumisilip sa kanyang pag-iyak. Sa mga pagkakataon naman na nilalapitan ko siya, tinatago niya agad ang kanyang mukha at ang larawan ni papa. Sasabihin niya lang, "Oh ano kailagan mo? Gabi na. Bukas mo na lang sabihin kung ano man 'yan. Inaantok na kasi ako." Sinong anak ang hindi mararamdaman ang sakit ng ina? Sinong tao ang hindi masasaktan kapag makikita si mama? Tao lang na walang puso. Tao lang na walang konsensiya.

Iyon ang kadahilan kung bakit takot na takot ako sa butas. Takot ako dahil may alaalang kalakip ang butas. KAMATAYAN. Kahit hindi ko na maalala iyong nangyari kay papa, nakikita ko naman kung ano ang naging epekto noon kay mama. Huwag niyo sana ako husgahan. Ayon sa science, ang tawag doon ay memory blocking. Nangyayari ito sa mga ala-alang sobrang bigat sa ating buhay na binaon na lamang ng ating unconscious self sa memory bank upang tayo ay mabuhay. Ngunit ang ala-alang ito ay kasama pa rin natin habang tayo ay nabubuhay.

"Huy Hannah! Sumali ka! Bawal ang KJ." Sigaw ni Lovely.

Ako pala si Hannah... Hannah Aquino. Third year High school student na ako. Iyang bungangerang babae na sumisigaw ng pangalan ko ay si Lovely. Isa sa mga matalik kong kaibigan. Pagpasensiyahan niyo na at sa kasalukuyan, ako ay nakikipagsapalaran sa mga isip-bata kong kaibigan. Huwag kayong mag-alala mababait naman sila. Iyon nga lang pilit akong sinasama sa laro nila. Ayaw ko nga!

BlindfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon