Dedicated to peercereep
Napapikit na lang ako. Hindi na ako makahinga pero wala akong pakialam. Wala akong planong bumitaw. Sobrang lambot ng mga labi niya. Ang saya ko. Kahit di niya ako nakikita, kahit ako lang ang may alam sa nangyayare, I will always treasure this moment.
"Tama na Mocha!" Biglang humiwalay si Banana ng sumigaw ang kaibigan niya.
Tinanggal niya ang blindfold niya at medyo nasilaw pa siya sa liwanag. Pagkadilat ng mata niya ay mukha ko agad ang bumungad sa kanya. Nakakahiya man pero nanatili ako sa posisyon ko.
Nanliit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Namumula rin ang mukha niya na para bang nahihiya sa nangyari. Of course, nahihiya din ako at nag-aalala sa mga susunod na mangyayari.
"Huy Van! Ano pagkatapos kang makachamba ng halik hanggang titig ka na lang ulit kay Banana?" Sigaw ni Denver. Alam ko lahat nagulat din sa nangyari. Alam nila na hindi ko magagawa iyon. Wala sa kanila o sa amin ni Banana ang may alam na ganoon na lang ang mangyayari.
Nilingon siya ni Hannah. "Banana?" Tanong niya.
"Ah- ano kuan- yan yun- ano-." Hindi makapagsalita si Denver. Hindi kasi alam ni Banana ko na Banana ang tawag ng mga barkada ko sa kanya. Hindi ko na pinatapos si Denver. "Yan kasi ang codename ko sa crush ko. Alam mo naman na siguro kung sino?" Matapang kong sagot.
Umiwas siya ng tingin. Shit Van. Ba't mo sinabi? Iiwasan ka na niya. Hindi mo na siya makakausap ulit. Pero total nasimulan ko naman na, tatapusin ko na rin. Kahit iwasan niya ako, atleast alam niyang gusto ko siya. It was not my type of situation to express my feelings pero heto na iyon, wala ng atrasan. "Eh yung mocha, ako ba ‘yon?" Tinanong ko para bigyan ng tuldok ang sinabi ko.
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa baba. Biglang namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Parang may gustong sabihin ang puso ko. Parang gustong sumigaw ng “ARAYYYYY!!!!!” Ito ba ang feeling na nareject after confession of feelings? Sobrang sakit na ewan.
***
"Wait! Wait! Ba't ayaw mo pang sumagot Hannah? Sabihin mo na! Dali para happy na. Tapos ako naman ‘yong gagawa at magkukwento ng sarili naming love story ni Bojan!" Sigaw ni Sim na parang batang hindi makapagpigil sa paghihintay ng pagbubukas ng mga regalo sa araw ng pasko. Atat na atat nang matapos ang ginawang kwento ni Hannah.
"Dali Hannah! Kinikilig na ako. Wag kang mambitin." Parang kiti-kiting sabi ni Bianca.
"Sige. Tatapusin ko na." Sagot ni Hannah
***
"Hindi pala ako.” Natatawang sabi ko. “Sorry ang assuming ko naman. Akala ko kasi ako yung tinawag na Mocha ng mga-" Bago ko matapos ang gusto kong sabihin, pinutol niya ako sa pamamagitan ng mga salitang bumuhay sa puong pagkatao ko.
"Ikaw si Mocha." nahihiyang sabi ni Banana.
Nagulat ako. For seconds, hindi ako makapagsalita. Tama ba ang narinig ko? Baka naman iba ang sinabi niya. "Talaga?" paniguragong tanong ko. Hindi ko maitago ang saya ko. Parang sasabog ang puso ko.
"Oo." Sagot niya. Lahat na lang ng nakapaligid sa amin ay naghihiyawang pumapalakpak dahil lahat sila ay naging ususero at ususerang nakikinig sa amin.
***
"Waaaaaaaaa! Hannaaaahhh! Perfect! Shet ang ganda!" Sigaw ni Desiree kaya napalingon ang mga classmates nila sa kanya at napapeace sign nalang siya sabay yumuko.

BINABASA MO ANG
Blindfold
Krótkie OpowiadaniaSabi nila masama ang magnakaw lalo na kapag ang bagay na nanakawin mo ay isa sa mga ingat-yaman ng isang tao. Paano na lang kapag magnanakaw ka dahil sa pagmamahal, gagawin mo ba? Paano na lang kapag magnanakaw ka sa taong mahal mo alang-alang sa pa...