Dedicated to bjvisperas
VAN’s POV
Nandito kami ngayon sa may inner court. Maglalaro daw kami. Mga isip bata.
"Uy Van! Nandito yung crush mo! Yieeee andito si Banana!" Asar sa ‘kin ni Bojan habang sinisiko ako sa tagiliran.
Tinabing ko ang kamay niya at nagkunwaring naiinis pero ang totoo ay hinahanap ng mga mata ko kung nasan siya. Isang tingin pa lang ay nahanap ko na agad siya. Sino pa ba? E ‘di si Banana ko.
Ang cute niya. Hindi siya matangkad. Sigurado height pa lang bagsak na siya sa Asia's Next Top model. Pero okay lang. Siya ang pinakamaganda sa mga mata ko. Medyo chubby siya pero naging advantage niya ito upang ilabas ang kanyang cuteness overload. Bulag na kung bulag sabihin ng iba. Para sa akin, maganda si Hannah Banana ko.
"Tunaw na…" Bulong sa ‘kin ni Shirko na nagpabalik sa ‘king ulirat. Hindi talaga maiiwasan na tuwing napapalingon ako sa kanya ay pumapasok ako sa dimension na kami ni Hannah Banana ko ang bida.
Biglang nag-init ang mukha ko ng napagtanto ko na nahuli pala ako ni Shirko na nakatitig sa kanya. Dahil dito, inaasar-asar na ako nina Denver pero hindi ko na lang sila pinansin.
Tinitigan ko nalang ulit si banana habang may pagkakataon pa. Malimit lang ang mga pagkakataon sa buhay ikanga ng mga matatanda. Sunggaban mo ang pagkakataon kung nasa harap mo na. Hindi ko naman kasi siya magawang kausapin. Natatakot ako sa kung anong iisipin niya. Baka mahalata niya agad na may gusto ako sa kanya tapos iwasan niya ako. Hindi naman kasi siya ‘yong mukhang 'in' sa mga bagay na tulad ng ligawan or ano pa man.
Mukha siyang conservative, kung baga Maria Clara type, kaya natatakot ako. Ayaw kong mareject. Sino ba naman ang may gusto ‘di ba? Mas masahol pa ang mareject kaysa masampal sa harap ng madla.
"Spin the bottle na lang ang laruin natin," suggestion ni Shawn na sinakyan naman ng lahat. Hindi na ako tumanggi tutal ayos lang naman ‘yon sa ‘kin.
Pinaikot nila ang bote. Pinagmasdan ko ito habang umiikot at hindi na ako nagtaka na huminto ito ng nakaturo sa akin. Tsk! Kamalasan nga naman. Parati na lang ganito, kung habulan, ako ang taya. Kung contest, ako ang talo. Parati na lang ako. Hindi na nakakapagtaka na sa akin unang huminto ang bote.
"Automatic! Dare ka na kasi alam na namin ‘yong mga sekreto mo." Utos ni Jerome.
Tumango-tango ako at nagulat ng mapansing nakangisi silang lahat. Nanlaki ang mga mata ko at agad bumilis ang tibok ng puso ko.
"No…!" Matigas kong tanggi bago pa man nila masabi ang balak nilang ipagawa sakin.
"Ikiss mo siya." Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang tatlong salitang ‘yon kahit pa sabihin na inaasahan ko ng ‘yon ang ipapagawa nila.
"No way!" Matigas kong tanggi.
Tinuro ni Joseph si Banana at nagsalita ulit.
"Gagawin mo ang pinag-uutos namin o kami ang gagawa para sayo?" Mas matigas na sabi ni Joseph.
Patay. Ano ba naman ang magagawa ko? Ako ang hahalik o sila? Patay talaga ako. Sinubukan kong isiksik sa utak ko ang dare nila baka sakaling magkaroon ng paraan. Ano nga daw ang pinapagawa nila? I…kiss? Paano ko gagawin yon? Eh ni kausapin nga di ko magawa. Halikan pa kaya? Ba't ba di ko naisip na mangyayari to? Ba't ba ako sumali-sali sa kalokohang to? Patay talaga ako. Mas mabuti pang mamatay nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/79101317-288-k522323.jpg)
BINABASA MO ANG
Blindfold
Короткий рассказSabi nila masama ang magnakaw lalo na kapag ang bagay na nanakawin mo ay isa sa mga ingat-yaman ng isang tao. Paano na lang kapag magnanakaw ka dahil sa pagmamahal, gagawin mo ba? Paano na lang kapag magnanakaw ka sa taong mahal mo alang-alang sa pa...