Chapter 1

598 11 2
                                    

"Jim!!!" I called my BFF/ FoBu or food buddy, baka kasi akala nyo bisaya lang ng FuBu yun.

"Lily! Hinaan mo lang boses mo"singhal nya sakin, nyenye, asa syang makinig ako

"Jim! Jim! Jimmmmmm!!!!" mas nilakas ko pa, mwahahaha sasabog na to

"Argh! Charlie Lianna Dizon! Sabing wag kang maingay! Punyeta nasa library tayong hanemal ka!!!" sigaw nya sakin, hala, bakit sya sumigaw?

"Ms. Dizon, Ms. Pascual! Keep quiet!" sita samin nung magmemenopause ng librarian

"Ikaw kasi eh!" baling sakin ni Jim,

"Ako pa may kasalan? Eh ikaw yung sumigaw?"

"Bakit ka ba tawag ng tawag sakin?"

"Nagugutom na kasi ako, kainin na natin yung cupcake"

"Iniwan ko sa locker ko, kunin mo na lang" sabi nya tapos nagbasa ulit, tungunu, magpapalit na ako ng BFF! Kapag may hawak na syang libro di na nya ako kilala!

"Hmp! I hate you na! Hindi kita pagtitira!" kunyaring galit kong sabi

"Oo, lamunin mo lahat yun! Sige na! Wag mo muna akong guluhin! Tsupi!" taboy nya saken. Grabe sya, hindi ko talaga sya pagtitira, sarap pa man din yung flavor na gawa nya, chocolate, yum.

Pumunta na lang ako sa locker room, wala naman akong mapapala kung bubwisitin ko pa sya.

At dahil lahat ng pag aari ni Jim ay pag aari ko and vice versa, pareho kaming may duplicate key ng locker ng isa't isa. Syempre I was the one who suggested that, aba, mahirap i pick lock yung locker ni Jim lalo pa pag gutom na ako! At mas gusto kong kainin ang luto ni Jim kesa yung pagkain sa cafeteria.

I took out the box of cupcake on Jim's locker and I excitedly went out the locker room papunta sa students area kung saan maraming puno.

I was in cloud 9 while thinking of the best way to devour my cupcakes ng may tumamang bola sa kamay ko dahilan para bumagsak ang precious box ng cupcakes ko sa lupa, tapos yung lintek na bola tinalbugan pa yung box kaya napisa na yung mga cupcakes ko!

I was ready to kill whoever that bastard who ruined my cupcakes pero napatigil ako nung makita ko si Mario Maurer na nakasalamin at tumatakbong papunta sakin.

"Miss okay ka lang? Sorry first time ko kasing sumipa ng soccer ball" sabi ni Mario Maurer, huh, kelan pa nagtagalog si Mario Maurer? atsaka soccer ball? tangina, sya yung salarin sa pagkawasak ng cupcakes ko! Pota, kahit sya nga si Mario Maurer hindi ko sya mapapatawad!

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo eh nasira na! Alam mo ba ang ginawa mo? Winasak mo yung buhay ko! Paano pa ako makakapag aral ha? Sinira mo yung inspirasyon kong peste ka! Argh!!!" nanggigigil kong sabi

"Miss, para namang may ginawa na akong heinous crime-"

"You didn't just committed a heinous crime! You committed the most unforgivable crime you can ever make! You destroyed my cupcakes! How dare you! Minsan ko lang masolo ang isang dosenang cupcakes na gawa ni Jim tapos sinira mo pa! Kaasar!" inis kong sigaw, nakita ko namang parang sumeryoso ang mukha nya

"Sino si Jim?" tanong nya sakin

"Wala kang pake!" inis ko pa ring sabi, ano na kakainin ko? waaah!

"Papalitan ko na lang-"

"No thanks! Si Jim lang may kayang magluto ng ganung kasarap na cupcake! Isusumbong kita sa kanya!" sabi ko tapos kinuha ko yung phone ko para tawagan si Jim.

Jim answered the phone on the second ring.

"Hanemal ka talagang babae ka! Di ba sabi ko sayo wag mo muna akong guluhin!" Jim hissed

She's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon