"What?! You mean sinagot mo yung Renz kasi nandito na ulit si Lionel?! Gosh Lily, this is the most stupid decision you've ever made!" hysterical na sabi ni Jim, nandito kami sa bahay ko, bahay ko lang kasi yung dalawa kong kuya at ang daddy ko ay pakalat kalat sa iba't ibang sulok ng mundo at kung uuwi naman sina kuya sa condo nila sila dideretso si daddy naman dun sa rest house nya na pinagawa nya para kay mommy bago ito mawala.
"Jim kasi naman I was caught off guard tsaka ayoko ng magmuka ulit na desperada kaya ayun"
"Lily, andun na ako sa ayaw mong magmukang desperada pero pwede mo namang sabihin na ayaw mo lang mag boyfriend na serious ka sa pag aaral mga ganun, bakit kailangang magsinungaling ka pa ng bongga? and worse, nandamay ka pa!"
"Hindi na ako nakapag-isip ng maayos alam mo namang nagkaka short term memory lost ako kapag yun ang kausap ko"
"So hanggang ngayon patay na patay ka pa din dun sa mukang fungi na yun?" mapanlait nyang sabi, grabe naman yung mukang fungi, ang cute kaya ng fungi, diba kasi yung mga kabute fungi yun? ang cute kaya nung parang payong nila
"sobra kang makapanglait! Hindi na ako patay na patay dun--"
"Yung totoo?"
"Jim naman, past is past! naka move on na nga ako eh. Let's not bring the past back anymore-- ouch Jim, masakit ha!" angil ko kay Jim, paano hinagis nya yung stuff toy kong si donald duck!
"Ewan ko sayo! Anong plano mo ngayon dun kay Renz?"
"Ewan ko din, bahala na!"
"Bahala ka na nga! Uuwi na ako! Dyan ka na" sabi ni Jim tapos naglakad palabas ng kwarto pero bigla din syang tumigil
"Lily, what ever happens, don't let your world be shut again ayokong maulit yung dati"sabi nya bago tuluyang lumabas
Alam ko naman na may pinaghuhugutan si Jim sa pag aalala sakin. I've almost pushed Jim away nung mawala si mommy.
"Princess Lily, your stupid brother is calling, Princess Lily, your stupid brother is calling" sigaw ng ring tone ko, special talaga ang ringtone ko para sa mga taong malapit sakin, mwahaha, kapag si kuya Marcia moron brother ang sasabihin nyan, kapag naman si kuya Sherly stupid si Jim di ko na nilagyan, hindi naman tumatawag yun, sayang lang effort ko.
"Hello amoy lupa kong kuya, bakit ka tumawag? Ikakasal ka na ba or nalugi ka na?" nang aasar kong sabi"Hello din kapatid kong amoy suka, di pa ako nalulugi at mas lalong di pa ako ikakasal baka ikaw! Ano yung narinig kong may boyfriend ka na raw ha? Di ba kaya pumayag ako na hindi ka na mag aral sa Oxford dahil nag promise ka na hindi ka manlalaki jan ha? At yung boyfriend mo pa hindi man lang umabot sa tibak ng paa ko!"
nagwawalang sabi ni kuya Shirley, paano nalaman neto yung tungkol kay Renz ng ganun kabilis?"Kuya, wag kang oa. Pumayag kang di ako mag aral sa Oxford kasi hindi naman ako pumasa sa entrance exam atsaka duh! Walang tibak ang paa mo kahit na may athlete's foot ka! Teka nga, paano mo nalaman na may boyfriend na ako? Sinabi ba ni Lionel sayo?"
"Andyan si Lionel? Kelan pa sya naka uwi dyan?" parang gulat na sabi ni kuya, so hindi si Lionel ang nagsumbong?
"Kuya, ako unang nagtanong, si Lionel ba nagsabi sayo?"
" No. Charlie, whatever happens wag kang lalapit kay Lionel okay? Wag matigas ang ulo mo" he called me Charlie so it means seryoso sya, pero bakit?
BINABASA MO ANG
She's My Boss
General FictionPaano kung ang isang makulit at matakaw na prinsesa at isang seryoso at kuripot na hari ay magkita, magkasundo kaya sila? Story to ni Charlie Lianna Dizon, ang glutton princess, at ni Rex Dior La Primiere, the frugal king.