"And you know the worst part?! Bitch! They all told me that they don't like me through phone! Nanggigil ako! Hindi ko man lang sila nasapak!" Inis kong kwento bago ko isubo yung pagkain ko
"Bakit kasi ang hilig mong makipag date? Ganun pala lagi ang nangyayari?" tanong naman ni Dior
Bigla akong natigilan sa tanong nya sa akin, bakit nga ba? Kada may tumatawag sakin at magyayayang lumabas hindi ako makatanggi, kasi ayaw mo ng mag isa
"Tss, wala lang, ang boring kasi dito sa bahay, kaya pinagbibigyan ko sila" nakangising sagot ko
"So, kapag ako ang nag yaya sasama ka?"
"Why not? Sama natin si Jim para-"
"Yung tayong dalawa lang"
"Bakit?" nagtatakang tanong ko
"Because I wanted you to know me more, the real me"
Bigla naman akong natigilan sa sinabi nya "the real you?"
"Yeah, the real me"
"so, I'm talking to the fake one now?"
"Well, kinda"
"Bakit kailangan ko pang makilala yung totoong ikaw?"
"Para hindi ka na makipagdate sa mga mga mukhang hito!" inis nyang sabi "Alam mo ba yung pakiramdam na sobrang gwapo ko tapos yung babaeng gustong gusto ko ang mga sinasamahan yung mga neanderthal na di pa nag eevolve!"
"Huh? Sino ba yung gusto mo na mas gusto pang sumama sa mga neanderthal?" takang tanong ko naman
"Lily, hindi ko alam kung kung manhid ka o nagtatangatangahan ka lang talaga, pero sige, papakilala ko sya sayo" sagot nya sakin bago ako hinila
"Huy! Teka, wait lang! Yung menudo kooo!"
"Mamaya na yan!" sabi pa nito "O, ayan, papakilala kita sa kanya!"
"Anong meron dito?" mukang tanga to, iharap ba daw ako sa salamin? Anong makikita ko dito kung hindi ang pang beauty queen kong mukha? Teka, mukha ko? It means...
"Charlie Lianna Dizon, meet the girl I can't forget since the first time I've met her, the girl who keeps on ignoring my charms and the girl that can make me smile even though she haven't done anything yet" malamlam ang mata nyang nakatingin sa repleksyon namin "that girl is you"
"Ako?!" gulat kong tanong "B-bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?" ganti nya
"Akala ko kasi..."
"Akala mo ano?"
"Akala ko si Jimuelle ang gusto mo" mahina kong sabi
"Bakit mo naman naisip yun?" he turned me to face him
"ahm... Kasi, napapansin ko parang naiilang kang kausap si Jim, parang natatakot kang tumingin sa mata nya kaya naisip ko na baka kaya ka ganun kasi gusto mo sya"
"So, all this time kaya di mo sineseryoso yung mga sinasabi ko sayo kasi akala mo si Jimuelle ang gusto ko?" parang naiiritang sabi nya
"What? I'm a princess! Not the evil queen who would ask the mirror who you want" inis kong sagot "Hindi ako magaling magbasa nang iniisip ng ibang tao kaya kung may gusto kang sabihin sakin deretsuhin mo ako"
"Okay sige" nakangiti nyang sabi
"Charlie" bakit pagka sya yung tumatawag sa akin ng Charlie ang sarap pakinggan?
"B-bakit?"
"I like you so much" he said while looking straight to my eyes "Can you give me a chance to know you more?"
He didn't asked me to be his girl, that's a first, kadalasan sa mga lalaki ang tanong kaagad can you be my girl o kaya pwede bang manligaw
"hindi mo pa ba ako kilala?" nininerbyos pero kunyaring natatawa kong sagot, gosh, bakit kasi parang nag transform sya?! Bakit parang lalo syang naging hot?
"Actually, parang halos kilala na kita" he said "You like food-"
"That's an understatement" I said
"Ayokong sabihing love! Baka hindi na kita pakainin kapag sinabi mong you love food!"
"Anong hindi mo na ako pakakainin?!"
"joke lang po boss, alam mo namang ayaw kitang magutom"
"Yan, umayos ka"
"Getting to know pa lang under na kaagad ako, tsk" bulong nya
"Ano?!"
"Wala, sabi ko sobrang ganda mo"
"Alam kong maganda ako, ano ba? Don't state the obvious" syempre, bukod kay Fiona, may prinsesa bang chaka? Tsk "yun lang ang alam mo sakin?"
"You're underestimating me cupcake" he smirked
"cupcake?"
"That's my endearment to you, because of that food I've got the chance to be close to you" then he held my hands tapos dinala nya ulit ako sa kitchen
"So ayun nga, you like food, pero maraming pagkain na bawal sayo katulad ng peanut at shrimp, bawal rin sayo ang maanghang tapos kapag nainitan ka or nahampas ng kaunti ang balat mo, namamantal agad yun"
"Paano mo-"
"I observed everything you do kapag kasama kita"
"Weh?"
"oo nga" natatawa nya pang sabi "napansin ko kasi na kapag kakain tayo sa labas ni Jim ipapatikim mo muna kay Jim yung pagkain tapos kapag tumango sya, dun ka lang kakain pero kapag hindi, nagpapalit kayo ng pagkain. Kaya kapag nagpapalit kayo ni Jim, tinitikman ko yung pagkain para malaman ko kung bakit kayo nagpalit"
"akala ko, type mo lang talaga si Jim kaya kunyari tinikman mo yung pagkain nya"
"Tsk, selos ka naman" natatawang sabi nito sabay pisil sa ilong ko "naiilang akong tumingin kay Jim kasi alam kong alam nya na gusto kita and besides, parang alam nya na may tinatago ako kapag kausap ko kayo kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kaya, wag ka ng magselos sa kanya"
"Muka mo, nagseselos" irap ko sa kanya "E kung marami ka na palang alam sakin, bakit you still want to know me?"
"kasi, even though medyo matagal na kitang kilala, you still surprise me and besides, if I get to know you more you will also get to know the real me in the process" he said then he winked
"ayan ka na naman sa the real me na yan" naiinis kong sabi"who are you ba talaga?" I asked
" I think this is not yet the right time para ipakilala ko ang sarili ko sayo" he said as he pinch my nose "I'll tell you one of these days, pero right now, let's just settle to the fact that you are talking to the fake Dior, although every action he does for you are real" then he pushed the food on the table near me
I have an idea about you, about who you really are but I really wanted to see how you are going to end this charade I said to my self as I ate the menudo he cooked
"Why are you smiling?" he asked me, nag smile ba ako? Tsk, ang hirap talagang magtago ng secret nitong muka ko
"Ang sarap kasi nitong menudo" sabi ko na lang bago ko sya sinubuan nung kinakain ko, mahirap na baka may itanong na naman sya, ang hirap pa namang magsinungaling
BINABASA MO ANG
She's My Boss
General FictionPaano kung ang isang makulit at matakaw na prinsesa at isang seryoso at kuripot na hari ay magkita, magkasundo kaya sila? Story to ni Charlie Lianna Dizon, ang glutton princess, at ni Rex Dior La Primiere, the frugal king.