Chapter 2

217 6 0
                                    

"Paano mo ipapasok ang giraffe sa loob ng fridge in three steps?" tanong ko kay Dior

"Hindi naman kasya ang giraffe sa loob ng ref eh!" sagot nya

"Sumagot ka na lang! Dami mong arte eh!"

"okay, paano?"

"Hindi ka naman sumagot hmp! pero dahil mabait ako sasabihin ko sayo" I giggled "Una, open mo yung fridge, next insert mo yung giraffe then lastly, close mo yung fridge! oh diba? nasa fridge na yung giraffe!" I said happily. Tinignan ko naman si Dior pero nakatitig lang sya sakin tapos blank yung expression nya.

"Tumawa ka! nakakainis ka naman eh!"

"Huh? kailangan tumawa ako? wala namang--- ahahahahah, nakakatawa, hahahahah, di na ako makahinga!" ayan, kailangang aambahan pa ng suntok bago tumawa eh.

Nandito kami ngayon dun sa students area, dun sa maraming puno, habang naghihintay ng next subject. Si Jim naman ayun, magpapakasal na ata sa mga libro dun sa library.

Simula nung dumating si Dior sya na lagi ang kasama ko kapag break time kasi magkakaklase kami. Atsaka natutuwa akong kasama sya kahit na nakakabwisit syang bigyan ng joke, kasi naman, may mga tao palang sobrang literal kung mag isip? Masyadong serious eh!

"Okay, eto naman, paano mo ipapasok ang elephant sa loob ng fridge in four steps?" I asked

"Easy, open the fridge then remove the giraffe then put the elephant inside the fridge then close the fridge" he said smiling

"Wow gumagaling ka na! Eto naman, if you're in an airplane and you've brought all your things with you then sabi ng pilot kailangan daw magbawas ng gamit, what would you remove?"

"Uhm, my car probably?" he said like he is really thinking

"Ah, siguro kung ako yun I would throw the fridge"

"Bakit? Kasi puno ng pagkain mo yung fridge mo kaya sobrang bigat!--ouch! ang bayolente mo talaga!" gagong to! anong gusto nyang palabasin? matakaw ako? sinikmuraan ko nga at infairness, nasaktan ang kamao ko, ang tigas ng tyan men, mukang ma-abs sya!

"Sira! Kasi may elephant pa yung fridge!" kunyaring galit kong sabi tapos tinalikuran ko sya.

"Huy, galit ka na? Wag ka ng magalit, ipaggagawa kita ng lasagna, di ba favorite mo yun? Mag joke ka na ulit, di na ako mamimilosopo"

"Promise?" tanong ko

"Na hindi na ako mamimilosopo? Oo promise"

"Hindi, promise na igagawa mo ako ng lasagna" I said pouting, sya naman nakatingin lang sakin habang nakanganga.

"Iba ka talaga. Oo sige na, ipaggagawa kita"

"Yehey! So asan na ba tayo? Ah, game! Sa gubat, naghahalikan sina Tarzan at si Jane but suddenly Jane stopped kissing Tarzan para kamutin yung paa nya na kinagat ng ant then when Jane looked at Tarzan again she saw him dead, the question is how did Tarzan died?"

"He was attacked by an animal?"

"Eh bakit hindi rin inatake ng animal si Jane?"

"Baka kasi lalaki yung animal then type din nya si Jane?"

"Ganun ba yun? Kapag type ng lalaki ang babae they will kill their rival?"

"Uhm, hindi ko alam, wala pa naman akong nagiging karibal kasi lahat ng nagiging type ko ay patay na patay na sakin kaya ayun, di ko na kailangang patayin yung karibal ko, yung babae na ang gagawa nun para sakin" akala ko vain na ako may mas vain pa pala sakin. Bakit ba umasa pa ako na magsasabi to ng something sweet?

"Taas ng tiwala mo sa sarili mo ha?" I said sarcastically, ngayon ko lang talaga naintindihan kung ano ang pinagdadaanan ni Jim araw araw habang pinapakinggan ako.

"Syempre! Teka, bakit nga biglang namatay si Tarzan?"

"Ah, oo nga pala, nabagsakan sya nung fridge" walang gana kong sabi, bakit parang bigla akong tinamad?

"Yung fridge na itinapon mo? Haha, that was hilarious! So magkakadugtong pala lahat nung jokes mo?" Tumatawang sabi nya

"Yeah, ahm, dito ka muna. Punta lang akong wash room" I said, hindi ko na sya hinintay na sumagot naglakad na lang kaagad ako papuntang wash room.

Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit.

"Lianna!" napatigil naman ako sa paglalakad, ako ba ang tinatawag? Baka guni guni ko lang, bihira lang ang tumatawag sakin ng Lianna

"Charlie Lianna!" dinig ko ulit kaya naman lumingon na ako. Pusanggala! Bakit ba ako lumingon?! Bakit andito yan?!

"Sabi na nga ba ikaw yan eh! Kamusta ka na?"

"Ikaw pala, Lionel, okay naman ako anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Lionel is one of the friends of my brothers.

"Prof ako dito" nakangiti nyang sabi

"Ah, buti naman natanggap ka, good for you"

"Syempre naman matatanggap ako dito, ang galing ko kaya"

"Biglang lumamig, ang hangin grabe" I said jokingly.

"Hanggang ngayon binabara mo pa rin ako"

"Kasi hanggang ngayon ang yabang mo pa rin"

"Ganun ba? Yung feelings mo para sakin, ganun pa rin ba?" napamaang naman ako sa sinabi nya, kailangan talagang diretsuhin? Di man lang nagpasintabi

"Huh? Grabe, ang tigas pa rin ng muka mo ha? Tingin mo ba ako pa rin yung 15 years old na tinurn down mo?"

"Malay ko ba, kasi balita ko hanggang ngayon di ka pa daw nagkakaboyfriend" taena, sinong nagsabi nun sa kanya?

"I think mali yung source mo, may boyfriend ako" nang uuyam kong sabi.

"talaga? eh nasan sya?" patay, ano ba yung isinagot ko?

"ah-eh"

"Lily! Buti naman nakita rin kita" tinignan ko naman kung sino yun tss, si Renz lang pala, manliligaw ko--manliligaw ko? Ting! lightbulb!

"Renz, I want you to meet Lionel" sabi ko kay Renz nung makalapit samin "And Lionel, this is Renz my boyfriend" sabay angkla sa braso ni Renz

"G-ganun ba? S-sige, alis na ako, may klase pa kasi ako" sabi naman ni Lionel tapos nagmamadali syang umalis, wew that was close!

"Paano ba yan, girlfriend na kita" shit, oo nga pala, ano naman ngayon ang pinasok ko?

"Ah, okay, try natin" sabi ko na nga lang, bahala na!

"Yes! You won't regret this" masayang sabi ni Renz

"Lily! bruha ka! di ba sabi ko wag kang aalis sa tabi ni Dior?! ang kulit mo talaga!" sigaw sakin ni Jim habang nakasunod naman sa kanya si Dior

"Sowwi na Jim, wag ka ng sumigaw nagmumuka kang bull"

"fine tara na-- teka, sino yang kasama mo?" nagtatakang tanong ni Jim ng mapansin nyang nakahawak si Renz sa wrist ko

"Jim naman! Hindi mo sya kilala? classmate natin sya sa stylistics! siya si Renz!"

"Talaga? di ko maalala, eh bakit kung makakapit sayo wagas?"

"boyfriend ko na kasi sya" sabi ko pero tinanggal ko yung kapit ni Renz sa kamay ko kasi si Dior parang nile-laser beam na yung kamay ni Renz kung makatingin

"Boyfriend mo?! Akala ko ba--"

"Tara na late na tayo!" sabi ko sabay hila kay Jim

"You need to explain this to me later" sabi ni Jim sakin, patay, ano ba kasi tong ginawa ko eh!

She's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon