8. Let Go

2.5K 38 8
                                    

Let go

He's the popular greek god basketball player in our school. Maraming humahanga sa kanya at hindi ko itatangging isa ako sa kanila. And I'm just one of those girls who's watching him from afar. Hindi na ako umaasa pa na mapapansin niya.



First day of my second year, first sem in Mariano Alfaro State University. Maaga akong pumasok sa isa kong klase dahil ayokong nale late. I'm the kind of a person that I'd rather wait than to be late. Kayang-kaya kong maghintay gano pa katagal. Maiinip ako pero maghihintay pa rin. Gaya ng lovelife ko, 19 years na akong nandito sa mundo pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagkakamali.



Umupo ako sa pangalawang row dahil dito ako comfortable. Pag sa likod nakakainip, nakakaantok. Pag sa harap nakakaintimidate dahil nasa harapan mo ang professor. Sa gitna tama lang.



Ilang sandali pa ay dumami na ang mga estudyante. Halos packed na ang classroom. Nilingon ko ang mga tao sa palagid lahat may katabi, lahat may kausap, ako lang ata yung wala. And then suddenly, my world stopped spinning dahil sa isang taong pumasok sa classroom. Naagaw niya ang buong atensyon ng mga tao. May nakipag high-five sa kanya at may mga babaeng nagpipigil ng tili dahil sa kilig. And I'm just here sitting with my mouth open.



Thunder is the most handsome guy I've ever met. Not to mention he's also a nice guy. He is just so damn perfect. Yung para bang dahan-dahan ang pagkakagawa ng diyos sa kanya. Lahat ng anghel sa langit ay nagtulong-tulong para maging perpekto ang hubog ng kanyang mukha.



"Excuse me" he said in a deep voice na nagpabilis ng tibok ng puso ko

Hindi ako makasagot dahil sa kanyang makapigil hiningang ngiti.

"Do you mind if I sit here?" Tanong niya

"N-n-no. I-i dont m-mind at a-all" nauutal kong sagot. shit! I wanted to slap my face. Nakakahiya!



He chuckled at umupo na siya sa tabi ko. Sa buong oras ng klase ay wala akong naririnig na boses galing sa professor dahil sa traydor kong puso. Ang bilis at ang lakas ng tibok nito.



Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong seryoso si Thunder sa pakikinig sa aming matandang professor. Na parang bang lahat ng sinasabi niya ay napakaimportante kahit course syllabus lang naman ang dini-discuss niya.



Nang matapos na ang klase ay mabilis akong nag-ayos ng mga gamit dahil pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ayos lang yung pinapanood ko lang siya sa malayo pero yung ganito kalapit ay hindi, hindi ko kaya. Para akong hihimatayin sa bilis ng tibok ng puso ko.



"Uh.. Thunder pala" aniya sabay lahad sa kanyang kamay

I know.. Kilalang-kilala kita. Tinignan ko ang kanyang kamay na nakalahad at naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi.

"Lanie" sagot ko at tinanggap ang kanyang kamay.

Nang magdikit ang aming mga palad ay parang may gumapang sa buong katawan ko. Parang may kuryenteng kumikiliti  sa tiyan ko papunta sa buong sistema ko. Agad kong binawi ang aking kamay dahil sa epektong iyon.



Lumipas ang isang buwan at ganoon pa din. Sa tabi ko pa din siya umuupo kahit  may ibang bakante ng upuan dahil may mga estudyanteng nag drop ng class na ito. Hindi kami masyadong nag-iimikan. At sa tuwing nagte-take notes kami ay nagbabangaan ang aming mga kamay. Right handed kasi ako samantalang siya ay left handed. Ganoon pa din ang epekto niya sa akin sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Bigla na lang akong nakukuryente at pakiramdam ko ay ang init-init kahit na may aircon naman dito sa loob ng classroom.



Excerpts Where stories live. Discover now