Miss U si Nanay...

8 0 0
                                    


Ako ang panganay sa ika-3 asawa ni nanay. Dito siya na talaga ang reyna at Miss Universe ni Tatay. Wala siyang kahati maliban sa aming 5. Ako ngayon ay nasa Grade 4. Ang sumunod sa 'kin ay si Eldibert (Edi), si Riosha Laynne (Rio), Sharialenne Shaynne (Ariah) at ang bunso na si Elijah Roenne (Ijah). Si tatay Macario o mas kilala sa tawag na Macoy ay isang dakilang ama. Ginagawa niya lahat para sa 'min. Ang mga trabaho niya ay farmer sa farm ng crush ko na si..................secret. 'Di ko muna sasabihin. Pedicab driver, siya ang naghahatid sa magiging karibal ko sa pag-ibig. Basurero, minsan kapag Sabado sa kumpanya ng magiging kaaway ko at karpentero, kapag summer sa kumpanya ng daddy ng nangungutya sa 'kin. O, 'di ba maraming ginagawa si Tatay parang si Super Man o may Super Powers na may kakaibang abilities.

Edi: 'Te, tulungan mo muna ako sa assignments ko sa English at Science.

Rio: 'Te, turuan mo kong magbasa.

Ijah: 'Te, gusto kong uminom ng gatas.

Ellaynne: Puro kayo te ng te, Parang... 'wag na nga...

Ariah: 'Te.!!!

Ellaynne:O,anong sa'yo?!?

Ariah: Ako na lang ang tutulong sa mga gawain niyo po!

Ellaynne: Hay!!!Salamat.

At 'yan ang aking Family Background...

LOVE LETTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon