ELLAYNNE'S FAMILY BACKGROUND

8 1 0
                                    



Ako ay si Ellaynelle Bernadeth Caballero Caymen o mas kilala sa tawag na Ellaynne. Labin-dalawa kaming magkakapatid dahil 3 ang napangasawa ng aming nanay. Gusto pa yatang gayahin si Yna, ang tanging ina. Sabi ni Lola Pat, ang una niyang asawa ay mayaman, businessman. Si Henrick Sy, ang sabi ng ilan ay half-brother lang siya ng pinakamayamang tao sa 'Pinas. Sila ay may tatlong anak na puro babae kaya siguro sila nagkahiwalay dahil ang gusto ng mga Chinese ay mga anak na lalaki. Sinabi ni nanay na hindi naman puro ang kanilang pagka-Chinese. Ito ay sina Ate Milagrosa o Mila, siya ay madiskarte at puro pagpaganda ang inatupag.Hindi siya nakapagmartsa noong highschool dahil pumunta ng Hongkong,pineke ni Tita Nalyn ang kanyang mga papeles para makaalis. Ang chismis, ginayuma raw niya ang kanyang napangasawa, si Kuya Jayke, isang milyonaryo na may-ari ng isang grocery store sa Taguig. May 2 silang anak ito'y sina Aby at Girllie. Ang pangalawa, si Ate Franciska o si Ate Iska. Kung si Ate Mila ay masasabing maswerte, kabaliktaran ang nangyari kay Ate Iska. Ang asawang sundalo ni Ate ay namatay sa kasagsagan ng bakbakan sa Mindanao. Sila ay may 5 anak,ito ay sina Bienne,Benj,Keith,Qerke at Joycee.Si Ate ay pumapasok bilang janitress sa SahRiel's Mart. Ito'y pagmamay-ari ng taong gustong-gusto ko! Pero, malalaman mo rin ito sa takdang panahon. Wow! Parang sa PBB lang, ang drama. Ang sumunod kay Ate Iska ay si Ate Francheska Nelain o si Ate Chesie. Siya'y may isang anak na si Kate. Pinangalan niya itong Kate, sunod sa Duchess of Cambridge na si Kate Middleton, idol niya kasi ito. Siya ngayon ay nasa Hongkong, hiniwalayan niya ang kanyang asawa dahil lango ito sa pinagbabawal na gamot, ang DRUGS, 'di na niya matiis ang mga pananakit at pagsusuntok nito sa kanya. Nang maaksidente at mamatay ang kanilang ama, pumunta ba naman sila sa burol at nalaman ni nanay na ika-8 siya sa labin-limang asawa ni Henrick. Ikwenento ni Ate Mila ito sa 'min dahil kailangan ko 'to kunwari sa project ko sa Sibika. At heto ang naging eksena.

LOVE LETTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon