Syempre, mga 3 weeks na nagsisimula ang pasukan at naisipan ng aming teacher-adviser na si Miss Mary Junie na mag-elect ng room officers. Heto, ang munting eksena noon.Pagkatapos ang pagdadasal at check attendance. Nagsalita si Miss.
Ma'am Mary Junie: Mga 3 weeks na kayong Grade-4 at dahil 'don, kailangang may mga classroom officers na kayo?
Ellaynne: Classroom officers,ano po 'yon?
Jurey: Pagkain para tumaba ka?Ha!ha!ha!
Iiyak sana ako ng biglang...
Ma'am Mary Junie: Mr. Cruz, may naghahanap sa'yo, si Gabrielle lauwrenszce Cruz daw ang pangalan?
Parang kay gandang pangalan,sino at ano kaya ang koneksyon nito sa mokong...
Pumasok si Jurey at nag-umpisa na ang lahat. Si Vhaleriana ang aming President, si Micheal ang vice,obvious naman na si Stephanie ang aming Secretary. Hanggang pagdating sa paghalal ng mga muse ay inumungkahi ako ng best friend kong si Archelle habang nag-second the motion naman si Aryan.
Archelle: I want to nominate...Ellaynnelle Bernadeth Caymen for the position of muse.
Ellaynne: (Bigla akong nagulat pero natuwa na rin ako) Gusto ko sanang...('Di ko natapos na gusto kong mag-object).
Aryan: Second the motion!!!
Nanominate din sina Aleysha, Hillari, at Faith.
Toni: Ma'am isa-suggest ko po na rumampa sila!!!
Rod: Gusto ko rin po na may Talent Portion!!!
Mga Students:(Nag-iingay)!!!
Ma'am Mary Junie: O, sige, para mas maganda.
Dahil nag-suggest ang 2 kong kaklaseng beki wala akong magawa.
Si Aleysha ay kumanta habang si Hillari ay sumayaw. Ako naman pinagsama ko ang kanilang mga talents.
Stephanie:(Nagbilang ng 1 and 2 tables).
Vhaleriana: (Nagbilang ng 3 and 4 tables).
Sinulat ni Stephanie ang beautiful name ko pero nakita ko ring nag-vote si Mr. Mokong sa 'kin.
Ma'am Mary Junie: Ngayon, pupunta na tayo sa pag-elect ng escort. Miss Caymen, pwede ka bang tumayo?
Ellaynne: Okay!!!
Bigla akong nagulat dahil ninominate ni Rod ang crush niya rin noon na si Mr. Mokong...walang iba kundi si Jurey.
Shewin: Kailangang manalo ni Johnreikke...
Yulo: Oo nga!!!
Herald: Mag-vote na kayo!!!Para kay Mr. Cruz.
At dahil sa pangungumbinsi ng mga friends ng mokong na 'yon ay nanalo siya bilang escort noong Grade-4.
BINABASA MO ANG
LOVE LETTERS
RomancePosible bang magkatuluyan ang isang lalaki sa isang babae na siya ang crush nito? Tunghayan ang kwento nina Ellaynne at ng kanyang crush...